SAYA:)

174 1 0
                                    

Saya???
Siguro ang Saya ay sandali na lamang.
Wala namang permanente sa mundo eh.
Wala ng nagtatagal ngayon.
Saya? Masaya? mga ngiting sinayang.
Sinayang ng isang sandali.
Sandaling hindi na maiibalik pa.
Hindi hindi na.
Dahil tapos na ang tapos.
Saya na nauwi sa Sayang.
Sayang ang lahat ng ating pinagsamahan.
Sayang Dahil akala ko ikaw na.
Sayang dahil kala ko ako na.
Sayang kasi yung mga rosas na nalanta na.
Sayang kasi yung mga tsokolate na natunaw na.
Natunaw na kakaantay.
Kakaanta na baka bumalik ka pa.
Bumalik pa yung dating tayo.
Pero napagtanto ko.
Napagtanto ko na dapat tama na.
Masyado ng tanga.
Masyado ng sobra.
Kung yung dating nakilala mo na labis ang ngiti.
Lumuluha na.
Ng dahil sa kaniyang nakaraan.
SAYA.
mabalik pa sana.

Hugot Spoken, Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon