First of all special thanks to Princess Argeline Delino for the cover ^_^ lovelots bessywap!
To my inspiration, itago na lang natin siya sa pangalang Angelo.
To God, salamat po sa opportunity to share my words. Amen. Halelujiah!
P. S. Yung nasa media po ang 2nd option for Book Cover. :)) Credits given to Princess Delino again ^_^
--------------------------------------------
Teaser:
"Ay shit. Parating na naman ang malas!" sigaw ng isang babae na parang inespasol ang mukha. Agad namang nagtakbuhan ang mga estudyante pagilid ng hallways. Bumungad ang isang dalagang mukhang bata. Bakit kamo? Bukod sa pandak siya e ang lakas ng loob magbangs. May ribbon pa nga ang buhok niya. Nakasalamin at naka-long socks pa with matching Mickey Mouse ang design. Magisa nitong tinatahak ang nalinis na hallway na puno kanina lang bago siya dumating. Center of attraction tuloy siya. Oops! Don't take the attraction positively, kabaligtaran lamang nito.
Maiingay ang footsteps nito sa kabila ng katahimikan habang pinapanood siya ng lahat sa paglalakad. Tila pigil pigil hininga ang mga naroroon dahil maya maya lang ay baka may mangyari na namang katangahan dito.
"La la la la la~" pagkanta ng wirdong babae habang naglalakad nang tumitiptoe bitbit ang makakapal nitong libro. Ngunit sadya yatang sineswerte siya---este minamalas dahil nagbuhol ang paa niya at-----
"Aaaaaaaahhhhhhh!" irit niya nung unang sumalpok ang mukha niya sa haligi ng bulletin board. Nagtawanan ang mga tao kasabay noon.
"Eto na naman tayo, Hoy Clara! Araw araw kang lampa ah! Ilang taon ka na ba? HAHAHAHA" malakas na wika ng isang lalaking mukhang ka-batch niya lang kasama ang kabarkada nito.
Haharap na sana mula sa pagakaumpog ng mukha niya si Clara ngunit sadyang minamalas dahil sumabit ang uniform niya sa hindi lang isa kundi dalawang pako. Hindi tuloy siya makapihit paharap.
"Ugh. Nakakainis naman. Hindi tuloy ako makakabawi sa mga bully-ng yon Hayystt wala naman akong balat sa pwet bakit ganito ako? Huhu" bulong ni Clara sa sarili habang pinipilit alisin ang kanyang blouse sa pagkakasabit.
Maya-maya ay may lumapit na lalaki. "Tulungan na kita diyan," sabi nito. Hinayaan niya ito dahil mukhang mabait naman. Kaya lang, bigla siyang hinila nito nakalikha ng ingay.
*eeeeeeeekksssshhh*
"Oh ayan, natanggal ko na HAHAHAHA" sabi ng lalaki at tatawa tawang pumunta doon sa grupo ng mga lalaking nambubully sa kanya.
Mas lalong lumakas ang tawanan ng mga tao dahil sa napunit niyang blouse. Nakatungo lang siya at pinulot na ang mga nahulog niyang mga libro. Namuo ang luha sa mga mata niya, araw araw ganito ang nangyayari sa buhay niya. Ang palaging napapahiya, nadadapa o kaya napapagtawanan. Lahat na yata ng kamasalan nangyayari sa buhay ng isang tao nasa kanya. Bago pa man tumulo ang luha niya ay tumakbo na siya palayo.
"Hindi ba iyon yung anak ng pinakasikat na Dermatologist at Beauty Guru dito sa Pinas?"
"Oo, hindi nga halata. Clara GORGEOUS pa naman ang pangalan tapos dinuktungan ng apelyidong REAL? HAHAHA niloloko ata tayo neto e."
"HAHAHA RI-YAL pronounciation nun abno hindi REAL na ibig sabihin ay totoo HAHAHA"
"Tsk, Tsk, Tsk. Tapos ang pandak pandak at weird pa ewww. Bagay talaga sa kanya yung tawag sa kanya simula pa noong grade 7"
"CLUMSY LITTLE CLARA" sabay- sabay nilang hiyaw saka nagtawanan at bumalik sa kanya-kanyang ginagawa tutal umalis na ang little jinx ay payapa na uli ang paligid.
Yes. The daughter of Beauty Guru, Clarissa Angeline and Dr. Mac Sherwin Real. She is Clara Gorgeous Real also known as Clumsy Little Clara.
BINABASA MO ANG
Clumsy Little Clara
Teen FictionShe was living her life in a full series of epic fails. Lampa. Geek. Pangit. Pandak. At kung ano ano pang pwede mong ikutya sa kanya. Siya yata yung tipong nagpaulan ng kamalasan at lahat iyon ay kanyang sinalo na para bang wala na siyang nagawang t...