Reminiscing the memories. . .

246 2 0
                                    

Almost 2months na tayong steady. Steady dahil ongoing padin yung communication natin. Yung pagkikita natin. Ilang beses kna din pabalik-balik sa bahay. At kahit wala pa tayong committment sa isat-isa, alam kong masaya ako.

Simple lang naman kasi yun. Pinapangiti mo ako at pinapakilig pag magkatext tayo. Minu-minuto mo inaaalam ang ginagawa ko. Lagi mo akong nireremind na inumin yung vitamins ko. Hindi ka nagkulang sa pagpapa-ingat sakin. Pag umuulan, andyan ka laging handa para hindi ako mabasa. Pag mainit naman eh ikaw ang taga paypay ko. Pag PM shift naman ako, talgang inaantay mo akong dumating para matawagan mo. Minsan naman, pag nahihirapan ako tinutulungan mo ako. Ang sarap lang sa pakiramdam na may taong nag-aalaga sayo. 

Minsan, nakakagigil din pag nagsusungit ka. Kasi once in a blue moon kalang yata kung magalit. Sa sobrang bait mo nga minsan naiisip ko na bka you're too good for me. Eh ang layo kasi ng ugali ko sa ugali mo. Pag nagiging moody ako, ikaw lagi ang umiintindi. Haay. At pag nagagalit ako sayo ng biglaan, ikaw pa ang nagpapakumbaba. Yeah, may mga times din naman talaga na naiinis ako sayo. Kasi masyado kang mabait na ewan.

Gustong-gusto ko pag sinasabihan moko na EPAL o EWAN o SIRA o BALIW. Kasi alam ko na kahit minsan sobrang makulit na ako, nakukuha mo padin akong pagtyagaan. Kokonti nalang din kasi ang mga lalaking ganun.

One time, pumunta ka ng bahay. Ang dami mong dalag prutas. Pinagbalatan mko ng mangga, pinagslice ng apple at binusog sa kasweetan. Minsan din sinusurprise mko sa bahay. Yung tipong hindi ka magpaparamdam sakin tapos bigla ka nalang susulpot sa bahay. May mga times na kakagising ko palang talaga. 

Nagalit ako sayo minsan kasi ayokong binibigla mko ng ganun. Kaw kaya puntahan ko at kakagising mo lang din?! Pero masaya ako everytime nakikita ko ang effort mo na bumyahe ng malayo para lang mapuntahan ako. Na kahit minsan wla kanang budget pang-gastos pinipilit mo padin talga. Ang swerte ko. Tama. Ang swerte ko to have someone like you.

Walang minuto na hindi mo pinaparamdam sakin na mahal moko. Na special ako sayo. Na kahit nahihirapan kanang umintindi sakin, pinipilit mong habaan nalang ang pasensya mo. Ang laki nadin kasi ng tiwalang binigay mo sakin. Kasi kahit mga secrets mo nagagawa mo nang ishare sakin. 

Natandaan mo pa ba nung nagdala ka ng laptop at speakers sa bahay? Nung nanuod tayo ng horror movie? Ang saya kaya nun. Magkatabi tayong nakadapa sa sahig at talagang nkfocus dun sa pinapanuod natin. Sa sobrang takot mo, gusto mong nakapatong ang paa ko sa paa mo at ayaw mong alisin ko yun.

Dream ko ang ganung eksena. Masaya lang at parang batang nag-eenjoy. Ninanamnam ko bawat minuto pag kasama kita. Dahil hindi naman tayo, minsan tinatago ko yung nararamdaman ko. Although, marami nading nagsasabi na parang TAYO na nga talga. Siguro dahil kita nila kung pano tayo nag-eenjoy na kasama ang isat-isa. Kung pano tayo napapangiti ng mga corny jokes natin. Kung pano natin alagaan ang isat-isa. 

Pinipilit kitang magalit minsan kasi hindi pa kita nakitang magalit. Pero lagi mong sinasabi na mahirap pag nagalit ka. Kaya ayaw mo din na pinipilit kita. Naiintindihan ko naman yun kaya lang minsan, pag-tinotopak ako, inaaway talga kita. 

Isa sa hindi ko rin makalimutan eh yung time na nagalit ka sakin kasi may kasabay akong iba pauwi. Napagsalitaan yata kita ng masama nun. Hindi kasi ako kasing bait mo na hahayaan nalang ang problema. Alam mong nakikipag-argue talaga ako pag alam kong tama ako. Siguro nagselos kalang nung time na yun kasi akala mo, naglalandi ako. Pero im telling you, ikaw lang. Ikaw lang talaga.

Inuulit-ulit mong sinabi sakin na "LOYAL FOREVER TOGETHER". Na "AKO LANG HA? WALANG EEPAL" Gustong gusto ko laging marinig yun. Kasi para sakin, proof lang yun na mahalaga talga ako sayo. Pati mga texts messages mo, sinasave ko talaga kasi nag-eenjoy akong basahin yun ng paulit-ulit.

Hindi ko din kahit kailan malilimutan yung pagkanta mo sakin sa phone. Sinasabi mo kasi na di ka talga kumakanta pero once inutusan na kitang kantahin ako, di ka nman nagdadalawang isip na kumanta..hindi naman siguro pagiging under yung reason diba? I love it. I love what you're doing. 

Yung mga moments naman na tinuturuan mo ako magitara was one thing na chine-cherrish ko din. Simple lang naman kasi ang ginagawa pero yung saya na nararamdaman ko lagi ang kakaiba.

Kahit nga habang sinusulat ko to natatawa padin ako pag naaalala ko eh. Masisis mo ba ako? Ikaw naman ang may kasalanan eh..You spoiled me so much. Yan tuloy, nahahanap-hanap ko..well, ganun tlga..

nakakatawa pa kasi lagi mo akong kinakantahan ng AMA NAMIN at iba pang church songs na kinakanta mo nung nasa choir kpa..hahaha..ginawa mo naman akong santo eh..

Eto pa pala..remember mo nung bumili ako ng nestle yougart? hahaha..kung pano mo kinakain yun ay sobrang nkakatawa..dila ka ng dila sa lalagyan eh pwede ka namang mag-kutchara..para ka tuloy hindi pinakain ng isang linggo..haha..peace :)

Nakakamiss..sobra..at siguro matatagalan pa bago ko makalimutan ang lahat ng to..eh baka nga forever ko na talgang maaalala to eh..wala naman ding masama dun..

basta super thank you ha?? thanks for these memories :D

A LETTER FOR YAM (Learning the art of letting go)Where stories live. Discover now