Chapter 55

182 5 0
                                    

(Yoongi's P.O.V.)

Ilang minuto pagkatapos umalis ng Papa ni A-Ches at ng Asungot na iyon ay sabay sabay kaming naglakad sa ilalim ng gabi.

Walang nakakaalam kung bakit kami naglalakad, basta ang gusto lang naming gawin ay sundan si A-Ches na tila wala sa sarili.

"Dude, halatang halata ka," bulong ni Namjoon sa akin, napansin ko naman na ako lang ang parang halos humabol kay A-Ches sa paglalakad

"Halatang ano?" Pagmamaang-maangan ko, nakita ko na nagtinginan si Tae Hyung at si Ms. Kim, dumistansya na rin ako at hinayaang sila ang mauna sa pagsunod kay A-Ches

"Kawawa naman si A-Ches," sabi ni Shin Ah, kaming tatlo ang nahuhuli sa paglakad

"Ano ba talagang nangyare at ganoon ang naging eksena?" Tanong ni Namjoon, napahinga ng malalim si Shin Ah

"Ewan ko ba, hindi rin ako sanay na seryoso at galit si Cheon Sa, nakakatakot," sabi nya at ngumiti ng mapakla

Hinatid na namin si A-Ches sa bahay nila, nag-usap sila saglit ni Shin Ah. Nakita ko ang pagngiti nya at pagtango, niyakap din sya ni Ms. Kim at ni Tae Hyung...

"Dude, wag kang magselos," biro ni Namjoon na tumatawa pa kaya siniko ko sya

"Sir. Kim! Sir. Min!" Tawag ni A-Ches kaya napalingon kami sa kanya

"Bakit Ms. Park?" Tanong ni Namjoon

"Goodnight po," paalam nya at pumasok, nagtaka naman ako nang bumalik sa amin si Shin Ah

"Mr. Min, mauuna na po kami," paalam ni Ms. Kim, tumango nalang ako, palayo na sana sila nang maalala ko bigla ang problema namin

"Kim Tae Hyung," tawag ko, tumingin sya ng may pagtataka

"Sa susunod na mga araw, inaasahan ko ang pagtulong mo," sabi ko, ngumiti sya at tumango

"Makakaasa ka," sabi nya at umakbay kay Ms. Kim saka lumakad palayo, sa pagkakaalam ko ay malapit lang ang bahay nila rito

"Babe, di ka sa kanila matutulog ngayon?" Rinig kong tanong ni Namjoon kay Shin Ah kaya humarap ako sa kanila

"Hahaha sira-ulo," sagot lang nito

"Sasama ka na ba sa akin?" Tanong nya at kiniliti pa si Shin Ah, kinilabutan naman ako sa ginagawa nila

PDA nakakadiri...

"Hahaha ano ba!" Reklamo ni Shin Ah sabay sapak sa kanya kaya humagalpak ako ng tawa

"Bwiset ka talaga dude," daing nya sa akin, napailing nalang ako at sumunod sa pagsakay nila sa kotse ni Shin Ah

📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂

"Matagal na simula nang huling magkita ang mag-ama, highschool si A-Ches noon at elementary palang si Cheon Sa," sabi ni Shin Ah nang makarating na kami sa bahay nila ni Namjoon.

Oo, bahay nila, excited daw masyado yung mga magulang na magkaapo sila kaya ok lang daw kahit hindi pa kasal, sira-ulo diba?

"Tapos? Bakit sinabi ni Cheon Sa na di nya matatanggap si Min Jae bilang kapatid nya?" Tanong ni Namjoon

"Oo nga," pagsang-ayon ko

"Ganito kasi iyon," sabi nya

~°~°~°~° (A flashback of A-Ches)

Masaya ako na kasama ko si Min Jae ngayon. Kasama rin namin si Cheon Sa na naglalaro sa gilid kasama si Shin Ah at Sanyel habang pinagtitripan si Tae Hyung. Pagkatapos ng ilang Linggo na pakikipagsabwatan kay Tae Hyung, sa kanya pa rin talaga nahulog ang puso ko.

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon