Tayong lahat ay may kanya-kanyang kwento ng ating buhay. Minsan ito'y puno ng masasayang alaala at minsan nama'y malulungkot.
Naranasan mo na bang umibig? Naranasan mo na bang mabigo dahil sa pag-ibig?
Alam mo ba ang pakiramdam kapag ikaw ay inaasar ng lahat ng kaibigan mo? Na pakiramdam mo wala ka nang kakampi sa buong mundo kundi sarili mo?
Ikaw ba'y dinaanan na ng sangkatutak na problema sa inyong pamilya?
Ang lahat ng ito'y naranasan na ng isang dalagitang nagngangalang Aaliyah. Pero kahit anong hirap ang ibigay sa kanya, patuloy pa rin siyang lumalaban para sa kanyang ikasasaya. Sa tulong ng kanyang pamilya, mga kaibigan at syempre, ng Panginoon, siya'y unti-unting umaahon mula sa mga paghihirap na binibigay sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dear Diary
Non-FictionThis is an ALMOST true to life story. It’s about the teenage life of a girl named Aaliyah, who still managed to stand back up from all the painful experiences that brought her down.