Chapter 7

3.1K 138 27
                                    

Chapter 7: May I have this dance?

Carmela's POV

Nakakagulat 'yung mga nasabi nila. Ano? Ako maganda? Hindi naman? Baka kasi ang gusto nilang sabihin ay magandang-maganda? Char. Halos kanina pa sila nakatingin sa'kin. Si Kyle naman na kasama ko ay hinahawi ang mga tao dahil nga pinagkakaguluhan kami. Mayroon pa ngang kumukuha ng litrato sa'min eh! May nagtanong pa kung girlfriend daw ba ako ni Delos Reyes! What? No!

"Ano? Tara?" tanong sa akin ni Kyle. Hindi pa ako ready. I mean, I'm ready pero kinakabahan pa ako 'no. The crowd who met us in the parking lot was crazy! I was really praying na sana wala pa masyadong tao doon sa pupuntahan namin. Ayaw ko namang magkalat ang pictures ko online kasi malamang sa malamang merong magpo-post niyan! I want to live a normal life, please!

Hinawakan niya 'yung kamay at hinatak papasok sa Hall na venue namin para sa JS. Nagulat naman ako ng pagpasok ko, nakatingin sa akin lahat ng tao. I knew it! Gusto ko nang mag-back out! Their stares were like judges! May ibang tumitingin mula ulo hanggang paa or the vise versa na naging dahilan para maging conscious ako sa hitsura ko ngayon! Am I beautiful? Or am I ugly?

"Kyle! Okay lang ba itsura ko? Taena, sumagot ka ng maayos! Ang daming nakatingin, nahihiya ako." tanong ko sa kanya, sinusuntok ko siya sa balikat niya ng maliliit na suntok kaya napangiti siya. Ano na namang nginingiti-ngiti mo dyan, Delos Reyes?

"Don't worry. You look stunningly gorgeous." sabi niya at kumindat. Biglang kumabog ang dibdib ko. Nakaramdam ako ng kaba at the same time parang nawawalan ng hininga. Pinaupo na niya ako sa upuan, buti nalang na ang rule dito, ay kahit sino ang katabi namin, okay lang. Kahit anong grade. Magkakasama kaming magkakaibigan kasama ang tropa nila Jaeden.

Umupo na kami sa Table 14, puno na kasi 'yung ibang table. Kaya dito nalang kami. Grabe lang ha! Ang tagal nung ibang kasama namin! Si Lia naman ata nagpapaganda pa para sa mga happy crush niya sa seniors. Aba'y inaway pa nga ako no'n nung sinabi ko na anong pinagkaiba ng ibang crush niya sa mga happy crush niya eh. Ang sagot sa'kin, dahil hindi raw masaya ang pagkaka-crush niya sa iba. Lintek na babae 'yon napakapilosopo!

Nagulat nalang ako ng umupo na si Jaeden, Jasper, Josh, Adrian, Malia, Tristan , at si Nash sa table namin. What the hell, bakit siya nandito? Shit, nandito pala si Kyle, tangina! Hindi ako makakagalaw ng maayos nito. Kumaway sa'kin sila Tristan at ngumiti lang ako. Pansin ko ring nakatingin sa'kin si Nash dahil noong tumabi sa'kin si Lia ay sinabi niya sa'kin.

"Psst, hoy bubwit!" Tawag sa akin ni Kuya Jaeden, kupal talaga 'yon kahit kelan, nakakainis, ang ganda ko naman para maging bubwit. Sinamaan ko siya ng tingin at natawa naman siya. I rolled my eyes at him bago ako sumagot.

"Ano? Miss mo 'ko?" Sabi ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako. Baliw talaga kahit kailan. Saang hospital ba 'to nanggaling at ibabalik ko siya. Parang timang lang, ang gwapo gwapo tignan kasi naka-tuxedo siya ngayon tapos 'yung ugali, balahura. Ilang minuto pa kaming naghintay bago namin marinig ang emcee para sa ngayong gabi. Napuno na ata lahat ng table kaya nagsimula na 'yung prom.

"Okay, students! Choose your partner and pumila na para sa Big Entrance. Wear your masks, masquerade ball 'to." sabi ni Sir Troy at Ma'am Kyline. Ay, sila pala ang emcee ngayon? Bagay sila ha! Infairness! Kahit nung foundation day namin, nakita ko na isa sila sa mga nahila ng estudyante sa marriage booth! 

Hinatak ako ni Jaeden at hinawakan na ako ng mahigpit, kaya 'di na ako makawala kahit gusto ko. Sino kayang kapartner ni Malia? Sa pagkakaalam ko sinet-up namin 'tong mga 'to e. Ang ganda pa nga ng usap namin nila Josh para lang i-set up silang dalawa eh!

Ka-partner pala ni Malia si Tristan. Si Cassandra kay Josh na mukhang naiirita na dahil putak ng putak si Cassandra, si Shane kay Jasper, at si Ate Angel kay Kuya Nash. Naalala ko tuloy si kuya Jaeden noong sinabi na si Ate Angel pala 'yung gusto niya! Napakamanhid naman nito ni kuya Nash kung hindi niya 'yon mapapansin! 

Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)Where stories live. Discover now