Tawag ng Tadhana

27 4 0
                                    

Tawag ng Tadhana

"Ma, Pa. Alis lang po ako ha baka magabihan na po ako ng uwi. Wag niyo na po akong hintayin mamaya." sabi ko kila Mama at Papa na abala sa panonood ng tv habang ako naman ay nagsisintas ng aking sapatos.

"Oh, saan naman ang punta mo?" tanong ni Mama.

"Basta po, Ma." sabi ko at lumapit na sa kanila para makapagpaalam na.

Lumabas na ako ng aming bahay at nag-antay ng tricycle sa tapat. Medyo kinakabahan din ako sa gagawin ko dahil ito ang unang beses na umalis ako mag-isa at sa malayo pa ang punta.

Noong may dumaan na tricycle ay pumara na agad ako at sumakay na.

"Kuya sa bus terminal po."

Ilang minuto rin ang lumipas bago ako makarating sa terminal. Nagbayad na ako patuloy na naglakad at hanapin ang tamang bus upang makarating ako sa lugar na gusto kong puntahan.

"Oh Baguio na! Aalis na!" sabi ng kunduktor habang kumakaway pa. Agad naman akong sumakay sa bus at halos walang taong nakasakay.

Tatlong oras mula saamin ang byahe papuntang Baguio. Wala akong gaanong alam sa lugar na yun pero naglakas loob pa rin akong pumunta roon.

I don't really know why I decided to go there. I just feel like I want to breathe in fresh air and exhale all the toxins I inhaled for the past few weeks. I was so stressed in school kaya siguro kailangan ko ring gawin ito para makapagisip at kung ano-ano pa.

Nakatulog ako sa tatlong oras na byahe na iyon dahil sa hilo at puyat. Hindi rin naman kasi ako sanay na bumyahe kaya nahilo ako.

Alas diéz ng umaga ako nakarating dito sa Baguio. Dumiretso na agad ako sa SM Baguio noong pagkatapak ko sa kalsada ng lugar na ito dahil baka mahimatay pa ako rito sa gutom.

Hindi pa naman puno ang McDo noong nakarating ako ng SM. Hindi ko naman alam na sobrang layo pala nito doon sa binabaan ko eh nilakad ko pa mula roon hanggang dito! My knees are so jelly because of hunger!

"Isang chicken joy nga po." sabi ko na hapong hapo sa cashier.

"Ay ma'am we don't have chicken joy here po, wrong fastfood chain ata kayo." sabi noong cashier.

"Oh my gosh. I'm sorry. I mean 1 pc chicken McDo, large fries, cheese burger, McFlurry, and iced coffee."

Kung gaano ko kabilis sinabi ang mga order ko at ganoon din kabilis ang cashier sa pagpindot doon sa monitor niya.

Inabot ko na ang bayad at kinuha ang order ko. Naghanap ako ng upuan sa medyo sulok sa tapat ng bintana dahil pakiramdam ko'y mas magiging komportable ako roon.

"Hi miss, pwede maki-table?" sabi ng isang hindi pamilyar na boses.

Medyo kinabahan ako roon dahil ko nga siya kilala. Luminga-linga ako sa paligid. Tinignan ko kung wala na bang bakanteng lamesa at kung bakit dito pa siya.

"Sure." iyon na lamang ang nasabi ko. Hindi ko na inisip kung sino ba siya, pati nga mukha niya ay hindi ko na rin tinignan.

Abala ako sa pagkain ng mga inorder ko. Sinilip ko ang kanyang pagkain at nakitang chicken fillet with rice at fries lang ang kanyang kinakain! Medyo nahiya ako sa pagkain ko. Mukha akong buraot!

"Hindi ka talaga taga-rito no?" pagbasag niya sa katahimakang nakabalot sa buong lugar.

Kakaunti pa lamang kasi ang tao rito. May tatlong magjowa lang na naglalandian dito at kaming dalawa ng istrangherong ito.

Tumingin ako sa kanya at bahagya akong nagulat sa nakita. Para akong nakakita ng anghel na bumaba mula sa langit. Mapungay ang kanyang mga mata. His eye lashes are so long and curled up that made his eyes more defined. His narrow pointed nose that perfectly suited his face. His lips are pinkish. His jawline is very sharp that I think I'd be wounded if I touched it. His face features are perfect.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tawag ng TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon