Chapter 4
My first day went well.The same with my first week. May new friends na ako kaso namimiss ko talaga highschool friends ko. Walang katulad talaga ang highschool friends.
Kahit yung mga kadorm ko na sila Jenny and Angela close na kami. Minsan sabay sabay kami magbreakfast or dinner. Minsan nagluluto kami.
Si Jeric naman , ayun feeling ko talaga may gusto yun kay Jenny eh. Lagi silang nag uusap or nag titinginan . Ayaw ko lang tanungin mamaya sabihin tsismosa pa ako . Pero di pa din kami ganun ka close eh.
Eto second week ko na sa college. Dami na kagad ginagawa. Nauna ulit umalis sila Jenny at Angela. Nagbihis na ako at nagayos ng gamit. Kaso maaga pa eh, 12 pa pasok ko. 10 am palang , manonood nalang muna ako ng NBA :D Go HEAT! \m/
Pagbukas ko ng tv may narinig akong kumatok , siguro si Jeric to. Binuksan ko yung pinto , ayun tama nga ako, si Jeric nga.
“Wala na sila Jenny eh.” Inunahan ko na sya. Yun lang naman tatanong nyan eh.
“Hindi naman yun tatanong ko. Hahaha . Gusto mong sumabay pumasok? 12 din ata klase mo eh?” Tanong niya sakin. Tutal sanay na ako sumabay sa kanya pumayag na ako.
“Sige, nood lang muna akong NBA , gusto mo manood ka na din? :P “
“Sige. Hahaha. Mahilig ka ba sa basketball? Anong team mo? “ tanong sakin ni Jeric.
“Oo eh, nagsimula yan sa anime , hahaha alam mo yung slamdunk? Favorite ko yun nung bata ako. Miami ako , ikaw?” Namiss ko tuloy yung slamdunk.
“Oh gusto ko din yun eh, yun #7 sa ryonan favorite ko dun eh. OKC ako eh , talo heat nyan :P” sabi ni jeric
“Hoy Miami mananalo no. Pustahan tayo gusto mo? Kung sino champion? Heat nayan syempre.” Aba, heat ata mananalo. Pupusta talaga ako jan haha. Laking tiwala ko eh.
“Sige ba, yung matatalo manlilibre sa gustong restaurant nung winner? Or kahit anong kainan. Basta bahala na mananalo. Ano deal?” Sabi ni Jeric habang nakangisi. Aba , mukang makakakain ako ngayon sa restaurant hahaha. Ako sympre mananalo.
“Hmm gusto ko yan DEAL!.” Tapos nagshakehands pa kami. Aba ang bruho ang lambot ng kamay hahaha.
Ayun mas naging close ako kay Jeric dahil sa NBA. Kasi naman todo cheer sya sa OKC. Nako fangirling siya eh hahaha. Syempre di din ako papatalo. Chcheer ko ang pinakamamahal kong Miami. Dapat akong manalo nako mapapagastos ako neto pag si Jeric nanalo.
Ayun nanalo OKC, pero di pa naman ako talo championship ang usapan naming hahaha. Ayun hinatid nya na ako sa school.
Mga 3pm nagpunta kami ng mga kaibigan ko na sila Hazel , Mika at Nicole sa gym. Pe namin eh, ayun pag dating naming andun na yung iba naming kablock tapos may nag ttraining din ng basketball.
“Paano naman tayo mag ppe nyan?” Tanong samin ni Mika.
“Aba malay ko, picture nalang tayo.” Sabi naman ni Nicole sabay labas ng phone nya , oh siya nan aka Iphone 4s -_-
Ayun picture picture muna kami ng tumili mga kablock kong babae. Aba bakit kaya?
“UY bakit?” syempe chismosa ako kaya tinanong ko sa ka block ko.
“Yung #7 ang pogi tapos na 3pts. Shet crush ko na sya” Ay pbb teens? Hahaha
“Oh? Sino dyan?” makikipbb teens lang ako hahaha.
“Yun yung nakatgalikod na ---“
“Okay class I’m Mr Santos I’ ll be your pe teacher for this sem.” Biglang sabat nung prof. Tapos pinababa nya gamit namin.
“Warm up muna tayo. Mag jogging muna kayo sa ditto , libutin niyo yung court for 5 times.” Sabi nung prof , aba 5 x? Laki kaya ng court .
“Sir pano po yung nagttraining ?” Tanong nung iba kong ka block.
“Hayaan nyo lang sila. Sa gilig lang kayo ng court magjjogging ,okay go!”Tapos ayun nagstart na kami mag jogging. Nagbubulungan mga kablock ko nung malapit na kami dun sa tinitilian nila kanina.
Ay nako mamaya na ako magppbb teens. Jogging muna. Nadaanan ko na yung ibang mga players na nakaupo sa bench pero di ko napansin yung tinitiliaan nila kasi busy ako hahaha. Tuloy lang ako sa pag jjogging ng may tumawag sakin.
“UY ELLIE!” Syempre lingon naman ako. Paglingon ko nakita ko si … OH EM! Siya yung tinitilian ng mga kablock ko. Yung #7 na jersey.
“Ellie bakit kilala ka nung naka #7?” tanong ni Bea yung kablock ko.
***
Pabitin effect lang. Hahaha.
Comments? Suggestions?