Sagot ko ay tawa
Pagsumusumpong nanaman ang mga pamahiin ni lola
Iiling nalang pag pinipilit akong maniwala
Sa mga senyales na nagpapahiwatig ng makabuluhang mensahe
Na dapat mo daw alalahanen at wagisawalang bahalaWala talaga akong balak
Na maniwala sa mga pamahiing ito
Kaso nagpago ang lahat ng makilala kitaNaging manghuhula ako
Gamit ang mga pamahiin na kinaiinisan ko
binibigyan ng kahulugan lahat ng makikita
Para lang masabi sa sarili na "may pag-asa diba?"tulad na lang ng hindi ko pagsadya na pagkagat sa ilalim ng aking labi
Makikita ko nalang ang aking sarili
Na ngingiti ngiti
Dahil sa posibilidad ikaw ngayun ay hindi mapakali
kakaisip sa akino kaya naman
Sa tuwing kumakain ako
AT biglabigla nalang mahuhulog
Ang hawak hawak kong tinidor ,
mapapakanta nalang ako ng ' sana na nga sya na nga ,shanawa!'Diko narin mabilang kung ilang beses
Nangyari ang ganitong senaryo
Kaso wala talagang nangyari sa mga inaasam ko
Pero di padon nagtatapos ang mga pamahiing pinaniwalaan koTulad nalang pagnakakakita ako ng isang puting paroparo
tasmapapasuntok pa ako sa hangin at mapapabulong ng
"yes !finally akoy bwebwenasin !"
tas hihilingin sana this time magtagpu ag landas natinAt meron pa
lagi ko tong ginagawa
Nakikipag agawan ako sa wishingbone ng manok na sinasabi nila
Tas sisiguradugin ko na ako ang makakakuha ng kuronaPara sigurado narin na matutupad ang aking hiling
Hiling na sana kahit minsan makita na kita
Marami pa akong kabaliwang ginawa
At pinagiisa isa koyun siguradong mababagot na kayo sa kakabasaIlang buwandin ako nagpakatanga
Napapaisip nga ako baka may itim na pusa
Ang laging duhmadaan sa kalyeng tinatahak ko
Kaya eto ako minamalas sa kahit anoHinihiling korin na sana na engkanto nalang ako
At least kahit maligaw man ako
Ang kaylangan ko langgawin ay baliktaren and aking damit
tas boom makakabalik na ako sa tunay na pupuntahan koSiguro kung may award man ang pagiging tanga
At asyumera ay na ka golden medal
Na sana
Tas sasabihin" oi sya si tanga at assumera of the year pa"At sa unang beses
Nagtiwala ako sa uniberso
At kaylangan ko lang ay isang senyales
Na magtutulak saken na kahit ayaw ko man o gusto
Kaylangan ko na syang limutinSiguro hindi talaga kami pwede
zodiac sign pangalang namin di na compatible
Kami pa kaya ?
Oi hindi ako bitter!
better lang ;)Pero eto ang importante
Pamahiin ay isang warning sign lang
Ikaw kung maniniwala ka
Hindi kanaman mamatay kung maniniwala ka diba ;)Pero hindi ito ang pagbabasehan mo ng kapalaran mo
Dahil ikaw mismo ang gagawa non
choice mo yun !
..
..
.
.
.
.
.
.
.Kaya sa lola ko
shout out pala para sayoMarch ,28,2018
BINABASA MO ANG
Tula Galing Sa Puso Kong Tulala
Poesía"Tula galing sa puso kong tulala" walang magawa kaya ako'y sumulat ng mga corning linya tagalog at íngles ang lenggua at may ibat ibang klase ng tema ito'y buong pusong ginawa at sana magustohan nyo dahil baka bagising nyo katabi nyo na si Sadako...