MFW💫9
GABRiEL POV
Alas syete nang makarating kami sa warehouse , nakabalik na kami ng manila galing sa probinsyang nadistino saamin,
Pumasok si Buboy sa loob ng maliit na opisina para ibalik yung susi ng truck na ginamit namin.
Napansin kong nag iinom ang iba namin kasamang driver at pahenante,
Tinawag ako upang makitagay birthday daw kasi ng isang kasamahan naming driver kaya may konting inuman .Lumapit ako at binigyan ako ng tagay .
May dalawang tagay pa lang ako naiinom ay lumabas na si Buboy .
At tinatawag ako para umuwe,Pagod rin ako at gusto ko na rin sanang umuwe upang magpahinga ,
Pero ayokong makita ang babaeng yon.
Wala na nga akong ibang ginawa kundi ang iwasan sya.
Kahit gustong gusto kong magpahinga dahil sa pagod kapag nasa bahay naman ako ay naiisip ko rin agad umalis dahil sa gusto kong makaiwas."Pare tara na, uwe na tayo"
Sabi ni buboy"Mauna ka na pre, dito muna ko. Magpapalamig"
Nakita kong kumunot ang noo ni buboy
"Pare, ano ka ba . May nag aantay sayo dun" bulong nya sakin habang hawak hawak ang braso ko .
" yun na nga eh , ayoko munang umuwe kasi may naghihintay sakin . Maya maya lang uuwe na rin ako pare"
Pagkasabi ko ay bumalik na rin ako sa upuan ko,
Hindi naman talaga ako mahilig makipag inuman o maglasing.
Ginagawa ko lang to dahil may gusto akong iwasan sa bahay.
Ang gusto ko pag uwe ko tulog na sya para wala nang madaming usisa para wala nang madaming tanong
Dahil sa totoo lang hindi ko na alam kung anong pagsisinungaling na naman ang sasabihin ko sa babaeng yon.Nakailang bote rin kami ng alak at medyo tinatamaan na rin ako ng hilo, kaya naisip kong magpaalam na sa mga katrabaho ko malayo pa ang uuwian ko at magbabyahe pa ako.
Kahit pa suray suray akong umuwe ay maswerte pa rin ako dahil hindi ako napahamak sa daan.
Nakauwe parin ako ng ligtas at buong buo.
Sa tagal naming nagsama ni tintin , yung totoong asawa ko ay hindi ko pa nasubukan umuwe galing sa trabaho na lasing .
Siguradong matinding away ang abot ko kung gagawin ko yun kay tintin .
Napaka strikta nyang asawa pero sobra ring maalaga at mapagmahal.Wala araw na hindi ako naging excited umuwe para lang makita sya.
Ganon ko kamahal si cristine, sya na ang buhay ko .
Sya lang ang babaeng bumubuo sakin.Pagpasok ko sa loob ng bahay ay naabutan ko ang babaeng hindi ko naman talaga lubusang kilala na nakahiga sa katre,
Napansin ko ang nakatakip na plato at mangkok sa lamesa,
Lumapit ako upang kumaen.
Tama, kakaen ako dahil hindi pa nga ako kumakaen ng hapunan kaya siguro mabilis akong nalasing kanina sa inumanNapansin kong bumangon mula sa pagkakahiga ang babae.
"Anjan ka na pala Gabriel, galing dito si Buboy binigay nya yang ulam"
Narinig kong sabi nya , pero hindi ko ito pinansin .
"Ahm, Gabriel . Saan ka nang galing ? Bakit ginabe ka? Diba magkasama lang kayo ni Buboy sa trabaho"
Anang pag uusisa nya saakin,
Sa mahinahon na tono .
Kung ang asawa kong si Cristine ito ay malamang hindi na ako pansinin nito dahil sa galit."G-gabriel?"
"ANO BA!! LAHAT BA DAPAT AY SABIHIN KO SAYO ANG BAWAT KILOS KO, KUNG ANONG GAGAWIN KO AT KUNG SAAN AKO PUMUPUNTA!!" giit ko sakanya
"H-hindi naman sa ganun Gabriel, n-nag alala kasi ako nung nalaman na dumating na si Buboy pero ikaw w--"
Bago pa nya tuluyan matapos ang sasabihin nya ay inihampas ko ang kamay ko sa mesa
"HINDI MO BA TALAGA KO TITIGILAN!!"
Sigaw ko sakanya,
Kahit pa blurred ang paningin ko sakanya dahil sa pagkahilo ay alam ko ang mga sinasabi at ginagawa ko.Padabog kong ibinalya ang mga plato sa lababo sa inis ko.
Wala din akong pakialam kung magkanda basag basag ang mga yon.Naghugas ako ng kamay ,
Maya maya ay parang may kung anong gustong lumabas sa sikmura ko .
Bigla na lang itong humapdi pagkatapos kong kumain.
Napayuko na lang ako at napapikit"G-gabriel? A-anong nangyayare?. May problema ba?"
Sabi nito sabay haplos sa likod ko."T-tabeee!"
Yun na lang ang huling nasabi ko at bumulwak na ang lahat ng kinain ko kanina kanina lang.
Halo halo na ang isinuka ko,
Pati na rin ang alak na nainom ko.Ang gulo gulo ng babaeng to , hindi sya nakakatulong sakin.
Mamaya ay naramdaman kong inaalalayan nya ako para humiga sa papagAt parang sa isang iglap lang ay tuluyan na nga akong hinila ng antok.
OTHER SiDE POV
( mga madla, hwag sana kayo tuluyang malito sa story. Kung bakit may "OTHER SIDE POV" dahil lang yan sa "Pov" ni ate mong gurl, kaso hindi nya nga alam at hindi rin alam ni Gabriel ang tunay na pagkakakilanlan ni ate mong gurl , kaya naman para sakanya itong "OTHER SIDE POV" kasi hindi natin alam kung sino talaga sya eh HAHAHA (^3^)Nagkalat ang suka ni Gabriel sa lababo pati na rin sa sahig ,
Lasing na lasing na naman sya.
Nilinis ko ang suka sa lababo pati na rin ang sa sahig ,
Hinugasan ko na rin ang pinagkainan nyaNang matapos akong maglinis ay napatingin ako sakanya.
Basa ang damit nya at ni hindi na nya nagawang magpalit ng pambahay na short.Pati sa damit nya ay may kaunting suka pa,
Kaya kumuha ako ng basang towel para punasan sya sa mukha sa leeg at pati na din sa braso,Kumuha na rin ako ng sando nya at short,
Alam kong hindi sya magiging komportable sa pagtulog kung nakasuot pa sya ng pantalon at basang t-shirt.Matapos ko syang mapunasan ay binihisan ko si Gabriel, alam ko namang ganito rin ang gagawin ng kahit na sinong asawa.
Nang matapos kong asikasuhin ang asawa ko at nasiguradong maayos na ang lahat ay nahiga na rin ako sa tabe ng himbing na himbing na si Gabriel, Maya maya ay natulog na rin ako.
---
Hi mga bhesiwa,
Binigyan ko lang ng konting POV si ate mong gurl , nakakahiya naman sakanya diba Ganda Ganda nea tas wala man lang syang POV.Pa vote and Like po mga kapatid
Yun lang ang aking kaunting kahilingan :)
Salamat in advance :*CayeLoves 💜💕
---