FRIENDZONE

337 18 3
                                    

Friendzone. Sino bang nagpa-uso niyan? Usong-uso kasi. Ang nakakainis pa ang daming nasasaktan sa zone na ito.

Hindi naman ako yung taong mahilig maki-uso pero, na-FRIENDZONE ako! Na-in love ako sa bestfriend ko na sa kasamaang palad, walang gusto sakin.

Mahirap at masakit at the same time. You need to take risk. Kapag aamin ka na o kung may plano kang umamin.

Mahirap, kasi susugal ka. Isusugal mo yung ilang taong pinagsamahan niyo para lang sa ilang minutong pag-amin ng nararamdaman mo. Na hindi mo alam ang kahahantungan.

Masakit, kasi wala kang nagawa para pigilan ang nararamdaman mo na pwedeng maging dahilan ng pag-layo niya sayo.

Madrama na kung madrama. Alam kong mahirap intindihin. Lalo na sa mga hindi naman na-friendzone. Pero hindi niyo ba pansin? Problema ito ng karamihan. Malas ko lang kasi napasama ako sa bilang.

Masayang ma-in love sa bestfriend mo. Bakit? Hindi na kayo magkakahiyaan, kilalang-kilala niyo na ang isa't-isa, matagal na kayong graduate sa getting to know each other, umutot man ang isa sa inyo sanay na kayo at tatawanan niyo na lang yun. At kung anu-ano pang magagandang dahilan.

Kaso oras na hindi nag-work out. Mahirap nang ibalik yung dating kayo as a bestfriend. Kasi pinakialaman na. Nagulo na. Sira na.

Parang yung nangyari samin ni Shin. Bestfriend ko. Isang araw nakita ko na lang ang sarili kong nagtatapat sa kanya. I'm not expecting something. Basta gusto kong malaman niya. Ang hirap din kasing ilihim.

Shock na shock siya nung umamin ako. Pagkatapos nun ilang days kaming hindi nagkita. Nagtataka na nga yung family ko. Madalas kasi kami sa bahay ng isa't-isa.

I feel so sad. Ganito pala yung feeling ng na-reject. Ang sakit sakit, lalo't wala siyang feelings for me. Pero may sinabi siyang nakapag-pangiti sakin ng sobra.

"Let's give it a try. Para walang regret sa huli. Para matigil na ang what if's na gumugulo sa isip natin dahil hindi natin sinubukan."

Hindi lang ako masaya nung sinabi niya yun. Sobrang saya ko nung mga panahong yun kaya niyakap ko kaagad siya.

Konting kembot na lang! Sana maging maayos ang lahat. I will do my best, para mag-work ang more than friends relationship namin.

Ginawa ko lahat. Bigay todo. Walang kulang. Sobra-sobra pa nga, eh. Kaso ang hirap pala kapag ikaw lang yung kumakayod. Yung ipinagsisiksikan mo na pala yung sarili mo. Nagtagal, pero walang pagmamahal.

Madami kaming natutunan. Kaso yung pag-ibig ko hindi niya kayang tugunan. Kaya nagpasya na akong tigilan, bago pa tuluyang masira  ang mga pinagsamahan na matagal naming iningatan. Ayun na lang kasi ang meron ako.

Naghiwalay kami ng maayos. May iba siyang mahal. Ang masakit, hindi ako naka-move on agad, kahit sinabi ko sa kanyang okay na ako. Pero hindi okay para sakin ang nangyari. Feeling ko kasi hindi niya man lang pinahalagahan yung effort ko.

Ilang linggo ko yung iniyakan. Ang sakit-sakit kasi yung akala kong, maayos at masayang relasyon ay wala palang magandang estado.

Pinapanood ko lang siya mula sa malayo. Ang saya niya. Nakangiti. Buhay na buhay. Hindi tulad nung kami pa. Siguro nga mas okay kung magkaibigan lang kami. Ang kulit ko kasi, ito tuloy ang nangyari.

Ang dami nilang mga ginagawa. Mga bagay na sinabi ko sa kanya na gusto kong gawin, pero hindi namin nagawa. Dahil sa mga excuses niya.

Samantalang ngayon, halos lahat ng yun ginawa nila. Feeling ko tuloy ginawa lang niyang stepping stone yung relationship namin.

Parang naging pointers niya lang yun. Para maging nice and perfect boyfriend ngayon. Napakaswerte naman ni girl. Kinaiinggitan siya ng mga girls sa school.

I have him at his worst. She have him at his best. Unfair, kasi kahit yung friendship hindi nanatili.

Move-on? I'm trying to forget the feeling but not the memories and friendship we had before. Ayaw ko rin kasing maging bitter. Kahit tunog bitter yung mga pinagsasabi ko.

Siguro, were not meant for each other. What happened between us was just part of the story. I want to be happy for them, for him. Because, he is special to me. And I know God has a better plan for me. In time, mahahanap ko rin si Mr. Right.

*~*~*~*~*

A/N: PasenSorry po kung pangit at hindi kayo nadala sa kwento. Baguhan here. Sana maintindihan. Pero gagalingan ko pa.

LoveLots, MARYHANIE <3

FRIENDZONE (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon