P22: Friend & Foe

291 8 3
  • Dedicated kay David Sundy
                                    

Albert's POV:

Pumikit ako para mag-concentrate sa pagbuo ng imahe ni Lira sa tubig, pero iba ang nakita ko. Isang babae, babae sa dilim. Nakakatakot ang aura niya, parang yung naramdaman ko kanina sa kwarto. Binuo ko ang imahe nung babaeng nakita ko gamit ang tubig, pero hindi rin siya kilala ng mga kasama ko.

"Freeze!", pinatigas ni Lira yung imahe ng babaeng ginawa ko sa tubig. Ginawa niyang estatwang yelo. "Baka kilala siya ni Xyrus, ipakita natin to sakanya pagkatapos nating mananghalian.", sabi niya.

"Oh sige, ituloy na lang natin to mamaya. Pumasok na muna tayo sa loob.", sabi ni Leun.

Sumang-ayon naman sila kay Leun at pumasok na nga kami sa loob, pero wala si Avo Xyrus. Yung mga spirits lang ang andun na naghahanda ng pagkain.

"Hmm... Nasaan naman kaya si avo?", sabi ko.

"Sayang naman, hindi natin malalaman agad kung kilala ba nila yang babae.", sabi ni Scarlet.

"Maitatanong pa naman natin pagdating nila. Kumain na lang muna tayo, gutom na ako.", sabi naman ni Andy.

Geraldine's POV:

Nagpunta dito si Xyrus dahil may malakas na pwersang yumanig sa buong kalawakan. Iilan lang ang nakaramdam nito at isa ako sa mga nakadama nun. Isang napakalakas na aura.

"Ano na ang susunod nating gawin? Hindi pa handa ang Lotus.", sabi ko.

"Unti-unti naman siyang nahahasa sa mga pagsasanay na ginagawa ng mga kasamahan niyang guardian.", sagot ni Xyrus.

"Mabuti naman kung ganun. Teka, pano kung matunton niya tayo?"

"Hindi pa siya tuluyang bumabangon. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi pa kumpleto ang kanyang kapangyarihan."

"Kung ganun, kailangan nating mailayo ang pwedeng maging susi sa kanya."

"Tama ka. Ang kaso lang, hindi natin alam kung ano ang bagay na iyon."

"Aalamin natin yan"

"Dumidilim. Maghanda ka, masama ang kutob ko dito.", sabi ni Xyrus habang nakatingin sa langit.

Pinuntahan ko naman si Arthur sa kwarto para patulugin. Hindi niya dapat malaman ang pagkatao namin. Para na rin sa kapakanan niya.

At tama nga si Xyrus. Napakaraming itim na ibon ang nagpapadilim sa langit. "Light blanket.", sabi niya. "Ngayon, hindi na tayo mapapansin ng mga tao."

"Oh tara. Laban na!", sabi ko.

At nilabanan na nga namin ang mga ibon.

Albert's POV:

Habang kumakain kami meron malakas na sigaw ang bumulabaog sa buong bahay. Napakalakas, nakakabingi. Nabasag lahat ng salamin, lahat ng pwedeng mabasag. Natumba lahat ng pwedeng matumba. Nawasak din yung rebultong yelo ng babaeng nakita ko. Gulung-gulo lahat. Talagang delubyo ang dumaan. Naglaho ang mga spirit sa takot. Pati kami napatumba din ng malakas na pwersa ng sigaw na yun.

"Ano yun?!", sabi ko.

"Sino pa ba? Eh di ang Sonic Priestess.", sagot ni Andy.

"Si Hera? Pero diba patay na siya?", pagtataka ko.

"Tumingin kayo dun", sabi ni Scarlet. Tinuturo niya yung babae na nasa labas.

"Ngayon ko lang siya nakita. Siya na ba si Hera?", sabi ko naman.

"Malalaman natin.", sabi naman ni Leun tapos naglakad siya palabas. Sumunod naman kami.

"Aba. Aba. Avette guardians. Ikinagagalak ko kayong makita.", sabi nung babae.

Clash of the GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon