Chapter 1

3.3K 59 4
                                    

  Amber's POV

Pagkatapos kong gawin ang daily routines ko ay bumaba na ako para kumain.Nadatnan ko naman si manang Fe na nag hahanda ng almusal.

"manang,si Gribson po?"
"ay ija,kanina pa umalis"
"ah,ok po"

Pagkatapos,dumiretsyo na ako sa garahe at nag drive na papuntang university.

I will introduce myself first.Ako nga pala si Amber Ferrer-Morgan.17 years old.Kasal na ako.Kasal ako kay Gribson Morgan na isang Mafia Prince.Well,hindi naman ako takot sa kaniya.Minsan lang naman kasi syang mag stay sa bahay naming dalawa.Wala namang pake sa akin yun.Ni hindi nga ako mahal.

Pagdating ko sa Nylle University ay agad kong pinark ang kotse ko.Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok na sa university.Kita ko namang may pinagkakaguluhan ang mga students sa bulletin board.Ano kaya yun?Parang may mga pictures eh. 

 Lumapit ako dun at nakipagsiksikan para makita yung mga pictures.

"excuse,excuse me"

Sumiksik ako hanggang nasa tapat na ako ng board.Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig.

Si Gribson may kasamang babae at...magkahawak sila ng kamay.Girlfriend nya ba to??

"taken na pala si Gribson?" G1
"akala ko wala syang gf" G2
"ang ganda ni girl" G3

Umalis nalang ako at naglakad na papuntang classroom.

May girlfriend na naman pala sya..bakit ba ako umaasa?hays.Tumulo naman ang luha ko at agad ko yung pinunasan.Nakayuko lang ako habang naglalakad ng biglang...

*BOOGSH*

"F*CK"

Napatingala ako sa nabangga ko.S-si..

"Gribson?"

Tiningnan nya lang ako at umalis na sya.Habang ako nakatingin lang sa kaniya paalis.

Bakit ba mahal na mahal kita?

Kahit hindi mo naman kayang suklian yun?

  Pagdating ko sa classroom,nadatnan kong may prof na.

"sorry sir,I'm late"
"it's ok Ms.Ferrer.You can sit now"


Umupo na ako.Nga pala,FERRER pa rin yung dinadala kong apelyido.Ayaw ko kasing malaman ng mga tao na ikinasal na ako.Tsaka,sikat dito si Gribson,baka dumugin pa ako ng mga fans niya.

~fastforward~
Break time na at papunta ako ngayon sa cafeteria when someone caught my eye.

It's Gribson,kissing torridly with another girl.

Hindi ko nalang yun pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa cafeteria.

Bumili na ako ng pagkain at pumunta sa rooftop ng school.

Pagdating ko dun,umupo ako at nagsimula nang kumain
Ang peaceful talaga dito.Kaya ngang gustong gusto ko dito eh.Ang tahimik.

"gusto ko nang sumuko.."bulalas ko.

Pero hindi kasi pwede.Gusto ng dad ni Gribson na hindi ko sya iwan,na hindi ko sya susukuan.
Malaki ang utang ng pamilya namin sa pamilyang Morgan.Ang dad ni Gribson,ang nagpaaral sa akin.Ang Dad ni Gribson ang nagbigay ng trabaho sa papa ko.Kaya may deal kami.

  ~ ~ ~ ~ ~ ~

Nag da-drive ako pauwi ngayon.5:04 na pala.
Pagdating ko sa bahay pinark ko na ang kotse at pumasok ng bahay.

Nadatnan ko si Gribson na nanonood ng TV.

Linampasan ko lang sya at nag mano kay manang.
"nag away ba kayong dalawa?" tanong ni manang.
"ay wala po.Ganyan naman po talaga kami eh,walang pansinan"
"o sya sige,magbihis kana,kakain na"
"sge po"

Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto ko.Nagbihis na ako ng pantulog at bumaba na.

Nadatnan ko naman si Gribson at manang na kumakain na.

Umupo na rin ako at nagsimula nang kumain.Bigla namang nag ring ang phone ni Gribson.

"dad?--ok--i will be there--yeah,thanks"
napatingin naman sya kay manang.

"manang,alis po muna ako,pinapatawag ako ni dad"
"o sya sge,mag ingat ka"

Umalis na sya ng bahay.Buti pa kay manang nag papaalam sya,eh sa akin sarili nyang asawa hindi pinapansin.Hindi ko naman sya masisisi,disturbo lang kasi ako sa buhay nya.


GRIBSON'S POV

Pagdating ko sa mansion namin nakita ko si dad na nakaupo sa sala.

"kamusta kayo ni Amber?" napalunok naman ako.

"ok lang naman dad"
"pinapansin mo ba sya?"
tanong nya.
"a-ah yes dad"
"good to hear that.By the way,next week will be your training.Oscuro group will attack this year.We need to train"
"ok dad"


Amber's POV

"manang matutulog na po ako"
"o sge ako na bahala kay Gribson"
"salamat manang"

Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga sa kama.Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang mga notes ko.Puno ng diary notes.Well,nagsusulat naman talaga ako araw-araw.At heto ang ngayon.

Dear Diary,
Ang dami kong nalaman ngayong araw nato.May gf na pala yung asawa ko eh.Nakita ko pa nga na may kahalikan sya.Ang sakit eh.Ang manhid manhid nya.Hindi nya ba alam na mahal ko sya?Hays.Ang hirap pakisamahan ang taong manhid.Pero fighting!Alam kong mamahalin nya rin ako.
P.S Sana diary,sana.

Pagkatapos kong ti-nype ini-save ko na ito.Makatulog na nga,maaga pa ako bukas.Pero bago ko pinikit ang mga ko,tingnan ko ang lockscreen ng phone ko.

Picture namin ng asawa ko sa kasal namin .


Secretly MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon