Rainy Day

66 2 0
                                    

Dumating na nga ang araw ng sabado  . . .

"Tshh . ang malas naman natin Mina!" sabi ko habang nagpupunas ng basang braso

"Haha ok lang yan Pitt, dito nalang tayo mag-saya sa loob ng Mall mukang tyak ko marami tayong malalaro dito"

"haaay ! badtrip na ulan kung kailan tayo may lakad sumabay naman saatin"

"O siya tara na Pitt walang magagawa yang pagmumukmuk mo HAHA!" sabi ni Mina habang hatak hatak ang damit ko  papasok sa Mall

"Huwaaaa!" yan ang reaksyon ko ng makita ko na sobrang daming tao sa loob akala mo ay may concert na nagaganap, masyado kasing malakas ang ulan kaya siguro nagpasukan ang mga tao sa loob. buti nalang at malaki ang Mall na ito. 

"Pitt pwede ba akong kumapit sa braso mo baka kasi magkahiwalay tayu?"

"S-sure!" sabi ko, feeling ko ang awkward tingen ko kasi iisipin ng mga tao eh mag ON kami

"Pitt tara sa 3rd floor ang alam ko nandun ang Arcade at iba pang palaruan dito!" sabi ni Mina, para syang bata na excited na excited halos maputol na kasi ang braso ko sa hatak niya

"Pittttttttt!! , Oyyyyyyy Pitttt! " sigaw na naririnig ko, medyo familliar  sakin ang boses, habang paakyat kami ng escalator napansin ko na si Kyle at Jenn ang  tumatawag sa akin, paakyat palang sila, pero hinatak kaagad ni Jenn si kyle para makasabay saamin.

"Oyyy! anung ginagawa nyo dito ha!?" tanung ni Jenn habang nakatingen sa pagkakapit ni Mina sa braso ko. 

"AHhh!! I see!!! don't tell me? HAHAHA!" sabi ni Jenn at hindi niya ako binigyan ng pagkakataong sagutin ang tanung nya, pangiti-ngiti naman si Kyle yung ngiting pang asar

"O kayo bat nandito kayo haaa!?" balik na tanung ko sa kanila, medyo nagkatinginan pa sila, bago sumagot si Kyle

"A-ah ito kasing si Jenn sabi niya samahan ko daw siyang mag Mall bibili daw siya ng damit niya" 

"Ahhh !? ako pa ha! ikaw nga tong tumawag sakin!" patuloy sila sa pagtatalo kung sino ba talaga ang nagyaya sa kanila. nakaabot nalang kami sa 3rd floor di parin sila nagkakasundo

"...."

"Pitt, anung gusto mo chocolate or mango?" tanung ni Mina, bibili kasi siya ng shake

"Chocolate nalang, O ito idagdag mo dyan sa pangbayad" inabutan ko siya ng buong 200php, nakita naman ito ni Kyle at Jenn. 

"Uyy si Pitt manglilibre" sabi ni Kyle

"Naks Pitt Ty" sulsol ni Jenn

"Hindi! bumili kayo ng sa inyo" sabi ko 

"haaay ang damot !" sigaw ni Jenn

"Tandaan mo tong araw na to Pitt!," sabi ni Kyle feeling niya ata bida siya sa isang pinikula nung sinabi niya yun.

"....."

Bumili rin sila Jenn at Kyle ng shake at nag paalam sila na maglilibot muna sila sa Mall para makahanap ng bibilin nila, kami naman ni Mina eh nag laro muna kami ng arcade, di ko inaasahan na magaling pala si Mina sa mga ganitong klaseng laro.

"Ano Pitt ? wala ka pala eh hahaha!" sabi ni Mina habang tinatawanan ako.

"Sus !, malas lang ako ngayon Mina kaya wag kang magyabang!" pero sa totoo lang na uubos na ang token ko at di parin ako manalo sa kanya kahit isang beses

"Hahahaha ganun, ayusin mo kasi!" sabi ni Mina

"..."

"Pitt marunong kabang kumanta ?" tanung ni Mina

My Teenage Unexpected GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon