Chapter 22: Hologram

67 3 14
                                    

---
Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Nilibot ko ang aking paningin at napagtanto na nandito parin ako sa aking kinauupuan ngunit hindi na nakakadena ang aking mga kamay at paa. Nang makita kong walang ibang tao maliban saakin sa silid na ito ay tumayo ako. Medyo nahilo ako sa aking pagtayo kaya napahawak ako sa sandalan ng upuan. Nang nawala na ito ay agad akong lumabas ng silid.

Naistatwa ako nang makita ang nasa labas. Wala ako sa loob ng Impius Academy...

Maliwanag ang langit, ang mga puno ay nagsasayawan dahil sa hangin at inimo'y nasa isa kang paraiso. Ginala ko ang aking paningin...nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang sarili ko noong 16 taong gulang palang ako. Parang hologram ko ito. Nakaupo ang hologram ko sa bench at nagbabasa ng libro. Nilapitan nila Nicole at tumabi sila sa pagkakaupo ng hologram ko. Nagtatawanan ang hologram naming apat at napangiti ako dahil dun. Biglang may dumating na magkakaibigan at binati ako. Nag usap kami saglit bago sila umalis. Maya maya ay biglang nag iba ang paligid.

Ngayon ay nasa isang classroom kami. Busy ang mga estudyante sa pag-aaral at ang iba naman ay may kaniya kaniyang grupo ng barkada. Ang hologram ko ay biglang pumasok at ang iba ay tumigil pa sa kanilang ginagawa para lang batiin ako o kaya kawayan. Nginitian ng hologram ko si Zian nang batiin nya ako. Umupo ang hologram ko at may sinulat sa isang kwaderno. Kinalabit ako ng katabi ko na si Maxine at may sinabi saakin na ikinatawa naming dalawa. Nagpatuloy ang tawanan namin hanggang sa dumating ang prof.

Ramdam ko ang pagmamahal nila saakin.Ramdam ko ang pagpapahalaga ng mga kaibigan ko noon. Bigla tuloy bumalik ang ibang mga alaala noong masaya kami. Napapasaya nila ako at masasabi kong totoo sila saakin.

Bigla nag-iba muli ang paligid.
Gabi na at nasa labas ang hologram ko kasama ang hologram ni kuya Xander. Nilagay ng aking hologram ang kamay nya sa bulsa ng jacket na suot nya ngayon dahil sa lamig. May tatlong naka itim na lalake papalapit sa hologram namin ng kuya ko.

Nang makalapit sila ay nag usap ang hologram ko at ang kay kuya. Hindi ko ito marinig dahil medyo malayo ako. Minsan lang nagsasalita ang hologram ko at tumatango lang minsan. Maya maya ay nag offer ng kamay ang isang lalakeng nakaitim...tinignan iyon ni kuya at inangat ang tingin nito sa hologram ko at bumalik ang tingin sa lalake at tinanggap ang kamay.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang makita kung paano dumilim ang kapaligiran.
The skies are grey and the trees looks old that it seems in any minute now they will fall. At ang ibang puno ay kalbo na din habang lumilipad ang mga dahon nito sa ere. Ibang iba ang kapaligiran kanina kumpara ngayon. Kung matatawag mong paraiso dahil sa liwanag at ganda nito...ngayon ay masasabi mo ng parang isang bangungot ang itsura ng kapaligiran ngayon. Nakakatakot.

Lumabas muli ang hologram ko. Mukhang malungkot sya (hologram ko) at nag-iisa. Umupo sya sa bench at nagbasa ng libro. Dumaan ang mga babaeng kumaway sakanya noon...ngunit ngayon ay hindi na nila pinansin ang hologram ko at tinignan lang nila ang hologram ko gamit ang kanilang mata na puno ng takot at pagkamuhi. Narinig ko rin ang pinagbubulungan nila.

"Wag na tayong lumapit dyan! Baka mamaya pagbalik natin sa bahay wala na tayong gamit!" Bulong ng babae sa kasama nya.

"Naku! Ano kayang nangyari kay Klea at bakit sya nagkaganyan? Iwasan na natin sya simula ngayon!" sabi naman ng kasama nito.

Nawasak ang puso ko nang marinig ko iyon. Bumalik lahat saakin ang alala na nakalimutan ko na noong pumasok ako sa academy na ito. Lahat ng pagdududa at pangaapi nila ay naalala ko muli. Masakit. Tinatawag kami na magnanakaw ng iba o di kaya ay mamamatay tao. Siguro may nakakita nung nakipag usap kami sa mga lalakeng nakaitim at napagtantong nakikipag deal kami sa isang mamamatay tao o mga illegal pang mga bagay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Impius Academy (ON-HOLD)Where stories live. Discover now