Ariel..
HANS POV
Umaga na at naghahanda na kaming magkakapatid sa pagpasok sa paaralan. Napagpaalam na din namin si hesa sa prof nya. Pumayag naman agad ang prof nya, sabagay hindi naman sya pwedeng tumanggi dahil malaki ang naiambag namin sa pagpapatayo ng paaralan na pinapasukan namin ngayon.
Ng matapos akong mag ayos ng sarili ko ay bumaba na ako sa sala para makapag almusal na. Naabutan ko doon si daddy at si mommy, nandoon na din sina kuya henry at kuya henril
Nag goodmorning ako sa kanilang lahat at umupo na sa upuan upang magsimulamg kumain. Tahimik lang ang aming pagkain, ng basagin ito ni kuya henry.
"Dad" tawag ni kuya henry
"Yes?" sagot ni daddy
"Gusto kong sumunod kay hesa sa probinsya nila" halos maibuga ko ang iniinom kong kape sa sinabi ni kuya henry. Halos lahat kami ay gulat na napatingin sakanya
"Henry" gulat na sabi ni mommy
"What? Are you sure?" gulat ding tanong ni daddy.
"Yes dad" sagot ni kuya henry. Paano naman yung pag aaral ni kuya henry? Tsaka diba inaasikaso nya yung businesses namin?
"Pero kuya paano yung pag aaral mo?" tanong ko.
"Nagpaalam na ako sa mga profs ko at pumayag naman sila. Tutal tapos ko na din naman ang mga dapat tapusin. And about sa mga businesses naman natin, naayos ko na din ang mga dapat tapusin. Wala naman din akong appointment this week so pwede akong magbakasyon for 1 week" mahabang sabi nya.
"Is that so?" tanong ni daddy
"Yes dad, hinihintay ko na lang ngayon ay ang approval nyo" nakangiting sabi ni kuya henry.
"Okey, mas mabuti na yon para may makakasama si hesa" nakangiting sabi ni daddy.
"How about you mom?" tanong ni kuya kay mommy
"Well, mas gusto ko nga kung kayong tatlo ang sumama kay hesa eh" nakangiting sabi ni mommy.
"Okey lang sakin mom,dad. Tapos ko na din naman yung mga projects namin sa school so wala naman na akong problema kung mag aabsent ako mg 1 week, mag aadvance reading nalang siguro ako para makahabol sa mga topics" sabi ni kuya henril. Aba himala nag aaral din pala itong si kuya henril
"How about you hans?" tanong ni daddy sakin. Inisip ko muna kung may dapat ba akong tapusin.
"Wala naman akong dapat tapusin sa school namin" sagot ko.
"So sasama ka??" tanong ni kuya henril. Sasama ba ako? Aish makasama na nga lang tutal may kasalanan naman din ako sakanya tsk
"Okey, mag aadvance reading nalang din ako gaya ni kuya henril para makahabol sa topic" sagot ko at sumubo na ng pagkain
"Nice! Magkaka bonding tayong tatlo" masayang sabi ni kuya henry
"Pero kailangan nyong pumasok ngayon para makapag paalam kayo ng personal" sabi ni daddy
"Yes dad" sabay sabay naming sagot.
*****
Nandito na ako sa school namin. Kasalukuyan akong nag lalakad papuntang room namin ng may humarang saakin na isang babae.
"H-hans" nauutal na sabi nya
"What?" walang emosyong sabi ko. Actually wala naman akong paki alam sa mga taong nasa paligid ko except syempre sa pamilya ko at mga kaibigan ko.