Chapter 9

7.2K 184 8
                                    

Chapter 9

MIA

Nasa resort nina Kuya Nathan kaming lahat ngayon weekend dahil birthday ni Tita Naveen at Tita Coleen bukas. We just decided to checked-in early so we could be able to bond more. Lalo na sa mga bata na katatapos lang ng exams nila. Isasama ko na rin ang sarili namin dahil marami kaming ginawa ngayong week lalo na sa monday.

"Mia, anak." Napataas ang tingin ko sa nagsalita at nakita ko si Tita Coleen na naglalakad palapit sa'akin. She looked around and smiled at me.

"Hindi mo ba kasama si Chester papunta dito?" She asked while smiling. I gave her an apologetic look and shook my head.

"Hindi po, eh. I tagged along with Kuya Gelo's car. Wala pa po ba siya?" I asked. Umiling ito at dinukot ang cellphone sa pouch na dala niya.

"Sige 'nak, tawagan ko na lang ulit." She excused herself again. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bag ko, baka sakaling sa'akin ito magtext pero wala din akong natanggap. Nagkibit balikat lang ako at naglakad na papunta kina Jenny at Nadie na busy sa pag-iihaw ng barbecue.

"Tas alam mo ba, we tried it under the shower too. Shit, buti na lang may rug. Madulas kasi 'yung tiles." Rinig kong sabi ni Jenny at nagtawanan silang dalawa. Tawa ng puno ng kalandian. Umasim ang mukha ko at pumunta sa harapan nila para makita nila ang presensya ko.

Tinignan lang nila ako pero nagsalita rin si Nadie. "Eh sa kitchen? Si Kier feeling chef. Ako pala ang ulam niya." Bwelta nito kaya agad kong hinablot ang paypay na hawak nila at inihampas sa kanila.

"Aray naman!" They both hissed and glared at me. Huminga ako ng malalim at umayos ng tayo. I crossed my arms over my chest and looked at them seriously.

"Mahiya nga kayo sa mga pinag-uusapan niyo hoy. Pagkain ang nasa harapan niyo ngayon. Just give your hormones a rest." I told them. They blinked their eyes and exchanged looks.

Then they both laughed. Naningkit ang mga mata ko.

"Ikaw naman bes, nagbubulungan kami ni Nadie. Kung ganoon katalas ang pandinig mo, sorry ka na lang." Jenny said mockingly. Umikot naman si Nadie papunta sa kinatatayuan ko at ipinatong ang siko sa balikat ko.

"Walang masama sa ginagawa namin as long as we're keeping it private. Nagbobonding lang kami dahil matagal na tayong hindi nagkakasamang gumala." She explained and smiled at me. "Maiba tayo, ikaw ba Mia, last week pa ako curious e. May nangyari na ba sa inyo ni Ash?" She asked.

Napasimangot ako at tinulak siya ng mahina. Tinignan ko naman si Jenny at siya naman ngayon ang nanininigkit ang mga mata.

"Agad-agad? Hindi ba pwedeng magkaibigan kami kaya pinapadalhan niya ako ng lunch?" I raised a brow. Tinignan lang nila ako pero parang hindi sila kumbinsido.

"Sa taray mong 'yan? Ni hindi mo nga daw alam magthank you sabi niya noon eh. Hindi ka dapat mahiya sa'amin. We're friends and we understand that you have your---"

"Kaibigan ko lang siya." Putol ko at sinubuan ito ng barbecue. Dahil mainit pa ito ay napaso ang dila niya at sinamaan ako ng tingin. Tumawa naman ako at bumelat. "And you both know that I like Chester. Tinetest ko pa lang kung worth it na ba this time." I explained. Natigil silang dalawa at nagkatinginan bago ako titigan.

"Nakatagpo ka na ng Herminihildo, babalikan mo pa rin si Chester?" Jenny asked in disbelief. Ako naman ang napatawa.

"Kilala ko na si Chester, nababasa na namin ang ugali ng isa't isa at gusto ko siya. Siguro kapag tuloy-tuloy ang ginagawa niya ngayon...I will fall." I said like I was walking on a cloud nine.

"Paano kung gusto ka pala si Ash?" Nadie asked too. Nag-isip ako at ngumiti ng pilit.

"We're friends." I answered. They opened their mouth to talk but they closed it again. Wala na akong narinig sa kanila at inagaw ang paypay na hawak ko saka namin itinuloy ang pagiihaw ng barbecue.

Mesmerized with Desire(#7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon