Ang Aking Tatay (One-Shot)

2.8K 5 2
                                    

"Oh! Gabi ka na naman umuwi! Ano na namang pinaggagawa mo? Naglakwatsa ka na naman! Ikaw bata ka! Pinapapasok ka namin para mag-aral at hindi para magliwaliw! Hoy kahit malaki ka na dumapa ka! Dapa!"

"Tatay! 'Wag na po! Gumawa po ako ng project sa bahay ng kaklase ko! Tatay please po! 'Wag nyo na po akong paluin!"

"Hindi mo ba alam kung gaano kami nag-alala sayo ha?"

"Alam ko po Tatay!"

"Oh! Ay s'ya! Dapa!"

Hinugot ni Tatay ang sinturon mula sa kanyang bewang at nagsimula na siyang hampasin ang pwetan ko.

"Aray! Tatay! Masakit po! Tatay!"

"Ano? Kailan ka ba matututong umuwi nang maaga? Sa susunod magpaalam ka!"

"Opo tatay."

Pumasok na ako sa kwarto ko at umiyak pagkatapos. Project naman talaga ang ginawa ko eh, kaso mga 9:30 na kami natapos at pinakain pa kami ng magulang ni Danica kaya 10 na ako nakauwi. 'Di na ako nakapagpaalam kasi biglang sinabi ni Ma'am na bukas na pala ipapasa ang project namin. Kaya napilitan akong sumama sa bahay nila Danica. Wala naman akong cellphone dahil hindi kami mayaman upang magkaroon ako ng sarili kong cellphone. Tsaka panggulo lang daw 'yon sa pag-aaral sabi ni Tatay at Nanay.

Sanay na ako sa pagpalo sa akin ni Tatay, simula bata pa lamang at tuwing magkakamali ako, pinapalo ako ni Tatay. Kaya naman takot na takot akong magkasala. Naalala ko, noong grade one ako. Hindi ako pahiramin ng kakalase ko ng pang color. Wala naman kasi akong sariling pang color dahil wala kaming pambili tapos 'di pa ako pahiramin ng kaklase ko. Ang ginawa ko, sinabunutan ko yung kaklase ko. Pagdating ko sa bahay ay nalaman na pala ni Tatay ang nangyari sa school. Agad agad niya akong pinadapa at pinalo. Sinabi niyang 'wag ko na raw uulitin iyon. Minsan, may mga lalaking naghahatid sa akin ngunit kapag nakita sila ni Tatay ay pinagsasabihang 'wag nang uulitin ang paghahatid sa akin dahil hindi ako pinapayagang mag boypren!

Masakit at nakakahiya para sa akin iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit parang sinasakal nila ako. Wala naman akong ginagawa ngunit napakahigpit niya sa akin. Si Nanay naman ay sang-ayon sa ginagawa ni Tatay. Minsan nga si Nanay pa ang namamalo sa akin noong bata pa ako. Ngunit ngayon ay kapag nagkakamali ako, pinapalo pa rin ako ni Tatay. Dati nga noong nagkayayaan kami ng mga barkada ko sa Parke ay nakita ako ni Tatay, pinagalitan nya ako sa harap ng mga kaklase ko

"Aba bata ka! Diba't sabi ko sa'yo 'pag labas mo sa school ay uuwi ka na! Kita mo namang walang nag-aalaga kay Nene at Junjun! Tapos ikaw nandito lang! Pinapabaon ka namin para mag-aral!"

Tapos umuwi na kami ni Tatay. Kapag nga may mga pupuntahan yung mga kabarkada ko eh hindi na nila ako isinasama dahil takot sila kay Tatay. Minsan 'di ko na alam kung ano pa ba ang gagawin? Konting kasiyahan ko ay hindi man lamang mapagbigyan. Naalala ko rin dati, noong 2nd year hayskul ako, humingi ako kay Tatay at Nanay ng iPod dahil yon ang uso sa school. Ngunit sa halip na ibili niya ako ay pinagalitan lamang niya ako.

"Wala na nga tayong pera magpapabili ka pa nyang iPod mo! Magkano ba iyan? Baka hindi pa kumasya ang sweldo ko sa presyo ng iPod mo! Mag-aral ka ng maigi at magtapos! Hindi 'yang mga gadget ang iniisip mo! 'Di naman yan makakatulong! Panggulo yan!"

Haay! Lahat na lang bawal. Bawal maggala dahil mag-aalaga pa sa kapatid ko. Bawal magpaligaw dahil bata pa raw ako. Bawal lumabas upang makisama sa mga kabitbahay dahil malaki na raw ako upang maglaro. Bawal din magka-cellphone dahil sagabal sa pag-aaral. Konting pagkakamali ko ay papagalitan ako ni Tatay. Kapag umuuwi ako at gabi na, palaging nakaabang si Tatay sa labas ng pintuan namin. Papaluin niya ako at papagalitan. Lumaki na ako sa ganoon at ngayo'y magtatapos na ako ng hayskul at running for Valedictorian ako, ganon pa rin si Tatay. Mapayat na lalaki, may paninindigan, malakas, at strikto. Kahit kailan ay hindi ko nakita iyang ngumiti o umiyak man. Basta normal na mukha lamang palagi, neutral face. Walang emosyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Aking Tatay (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon