Her Pain

73 4 9
                                    

Segway;

So first time ko po mag sulat ng story kaya pag pasensyahan niyo na. Read on your own risk hahaha

And special thank you sa kapatid ko, siya kasi tumulong sakin mag edit. So thank you sisteret.

Enjoy

Kathryn

I feel so nervous pero kailangan kong gawin to. Today is our last day in senior high. Sa susunod na buwan ay haharapin na namin ang mundo ng kolehiyo. Yung iba luluwas na sa maynila para doon mag aral at ang iba nama'y mas piniling manatili dito sa San Alfonso.

Tumingin ako sa paligid kakaunti na lang ang mga studyante na natitira kasama na ang isang grupo ng mga lalaki na nagtatawanan sa isang sulok. Magdidilim na din kasi kaya yung iba ay nagsi-uwian na. 

Malayo pa lang ay tanaw ko na ang lalaking mahal ko, Oo mahal ko na ang mokong na yan. Halos dalawang buwan na rin simula ng manligaw yang mayabang na lalaking yan at ngayong tapos na kami sa high school naisip ko na pwede na siguro, sasagutin ko na siya, napangiti ako.

Si Daniel John Ford, isang sikat na basketball player ng school namin. Matalino, at halos lahat ng babae sa school namin no, scratch that hindi lang sa school namin kundi pati sa ibang campus ay nagkakandarapa sa kanya. And I used to hate that guy before, ang arrogant kasi ng dating niya, napaka bully pa. Pero noon yun, simula kasi ng manligaw siya sakin nagbago na ang tingin ko kanya. He's a nice guy actually, he has a goal sa future niya, napaka caring din niya, he's also a gentleman and lastly sobrang mapagmahal niya sa pamilya as in, kaya hindi talaga malabong mahalin ko siya agad. I think i already found the right guy for me.

Huminga ako ng malaim at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa grupo nilang nagtatawan. Habang papalapit, ay nakita ako ng isa sa mga kasama niya.

"Tol, si Kathryn" rinig kong sabi ni Lester. Dahilan kaya napalingon sa akin si Daniel ng nakangiti. pero agad din yun nawala nang makita niya ako. 

"Shet, ang gwapo talaga ng future jowa ko" bulong ko sa sarili ko.

Lumapit ako at ngumiti.

"Hi" bati ko sa kanya, pero tinitigan lang niya ako. "sungit nito, sasagutin na nga kita eh"  sa isip  isip ko.

"Bro, iwan na muna namin kayo, alam mo na gagawin mo" natatawang bilin ni Seth sakanya. Isa sa mga kasama niya sa varsity. Tinapik pa nila ito at nagtawanan bago umalis.

Ilang Segundo pa ang lumipas ng tumahimik ang pasilyo. Nilingon ko ang paligid, wala ng tao.

Now we're alone in this hallway. Minutes have past pero wala pa rin nagsasalita sa aming dalawa. Pareho yata kaming nag-iisip ng kung anong tamang sabihin, pero mas kinakabahan talaga ako, Hanggang sa –

"Dani- - "

"it's over"

Sabay naming bigkas. Nawala bigla ang mga ngiti ko at napalitan ng pagtataka.

" ha? "

" I said it's over" naiiritang sagot ni Daniel

" ano? Teka, hindi ko maintindihan" naguguluhang tanong  ko.

" ayoko na, hindi ko na itutuloy ang panliligaw ko sayo" tamad at walang emosyon na sagot niya sakin habang naka sandal sa pader.

Napangiti ulit ako.

" akala ko kung ano na, hindi mo na talaga kailangan manligaw kasi .. ano .. ahh .. sinasagot na kita, akalain mo yun? Na gawa kitang mahalin? Ang gali –"

" Listen " hindi ko na natapos ang dapat kong sasabihin dahil bigla itong nagsalita.

" Tapos na ang laro Kathryn, makinig ka ng maigi at talasan mo ang pandinig mo. Nagkaroon kami ng konting katuwaan ng mga kaibigan ko, isang pustahan, liligawan kita at kailangan kitang mapasagot sa loob dalawang buwan, but there's a twist sa araw na sasagutin mo ko ay mismong araw din na makikipagbreak ako sayo. Nalaman ko kay Janella kagabi na ngayon mo ko sasagutin kaya inunahan na kita" walang ganang paliwanag ni Daniel.

I froze.

" No .. that's not true"

"hindi totoo yan, nagbibiro ka lang di ba?" Pilit pa rin akong ngumiti sa kanya.

No please

Wag

Ganyan nga Kathryn paniwalain mo pa ang sarili.

"yun ang totoo Kathryn, ngayon kung ayaw mo maniwala, bahala ka, basta sinabi ko na ang totoo"

*thug*

No

Para akong sinasaksak sa dibdib dahil sa mga narinig ko, pero hindi ako iiyak hindi.

"you know what?" tumayo siya ng maayos kinuha ang pitaka niya mula sa bulsa, naglabas siya ng isang libo.

" here, one thousand pesos, balato ko na sayo since Malaki laki naman yung napanalunan ko and nag enjoy din naman ako kasama ka" kinuha niya ang kamay ko at nilagay ang isang libo sa palad ko.

Napatingin ako sa palad ko at nanatiling nakayuko. Tang ina akala ko wala ng mas sasakit pa sa nauna niyang sinabi, meron pa pala

"pano? Alis na ko." Paalam niya kaya napa angat ako ng tingin sa kanya. Ngunit nakatalikod na siya at naglalakad palayo.

Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Unti unting naglabasan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, mula sa pagpatak ng luha hanggang sa naging hikbi. Ang sakit tang ina sobrang sakit,

Bigla akong nanghina at napaupo sa sahig sa sobrang sakit. what did I do? Anong ginawa ko para saktan nila ako ng ganito? I don't deserve this, this is too much.

I cried and cried. Nagdadasal na sana panaginip lang lahat to, na sana hindi to nangyayari sakin, kasi ang sakit, sakit sobrang sakit.

Isa dapat to sa pinakamasayang araw ng buhay ko cause i thought, i finally found the right one for me, pero mali ako, maling mali ako.

He made me believe in something, that it doesn't exist in my own world, he made me feel that thing na ayaw ko maramdaman noon. And it was Love he made me believe and feel it, pero siya din pala yung bumawi nun.

And i cried even harder, wala ng ibang mariring sa pasilyong yun kundi ang mga hikbi ko na puno ng pagsisisi, pait, lungkot at sakit.

After 10 years

I smiled bitterly habang inaalala ang mga nangyari noon sa pasilyo na to. reunion kasi ng batch namin ngayon, ayoko na sana bumalik pa dito but I can't say no to my former high school adviser.

" Kath"

Bigla akong natigilan.

Hindi

Hindi to pwede.

Alam kong possible na magkita kami, pero tang ina kailangan dito ba talaga? As in dito talaga?

"Kath" tawag niya ulit.

 Napapikit ako ng mariin, 

This can't be happening.

Ano to? déjà vu?

I take a deep breathe bago ko hinarap ang taong kanina pa tawag ng tawag sakin.

At hindi nga ako nagkamali, siya nga. Ang nag iisang tao na kinamumuhian ko hanggang ngayon, the ever gago

" Daniel"

And now we're all alone in this hallway AGAIN.

The END

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Pain (One Shot)Where stories live. Discover now