Chapter 8

2.9K 138 18
                                    

Chapter 8: Memorable Night

Carmela's POV

[Now playing: Tadhana - Up Dharma Down]

Wala na talaga akong maintindihan dito sa sitwasyon namin ngayon. Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko, sa naiisip ko ngayon. Sa nararamdaman ko. Napaka-imposible kung iisipin. From the very start of this situation, napaka-imposible na aabot sa ganito. Na magkakagusto ako sa kanya. At magkakagusto siya sa'kin. But something is really telling me na posible 'yon.

"K-kuya Nash?" sabi ko sa kanya. Hinarap niya ako at tinanong kung bakit. Aamin na ba ako? Pero anong aaminin ko? "Damn, call me Nash, Carmela. Drop the kuya."

"H-hindi ko na rin alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Sobrang naguguluhan na ako ngayon, tama ba 'tong sitwasyon na-" pinutol niya ako. He pulled me for another hug. Another hug that made my knees weak. Nang kumalas siya ay ngumiti siya. I'm not that short para maabot ko rin siya, hanggang balikat niya ako. I'm tall but I really felt that we are small and so close to each other.

Tumigil ang mundo ko. Another slow motion had happened. Hindi ko na alam pero kinakabahan ako pagkatapos ng araw na 'to. Oo masaya ako kasi sinasayaw ako ng isang sikat sa campus namin. Isang tinitingalang tao sa campus namin. It was true, I had a crush on him noong first quarter pero nawala rin 'yon dahil sa dumami ang fangirls niya. Nakilala rin ako agad sa campus namin dahil sa mga competitions na sinasalihan ko. Nagiging emcee sa mga events kaya madali akong nagkaroon ng kaibigan bawat section.

"Bat 'di papatulan, ang pagsuyong nagkulang.
Tayong umaasang hilaga't kanluran.
Ikaw ang hantungan, at bilang kanlungan mo.
Ako ang sasagip sayo.."

Is this real? Kumakanta siya sa harap ko? If I am an ice? I would melt right now and his hands would be dripping with liquid right now.

Bumalik na sa normal ang lahat. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Pagmulat ko ay nakita kong nakahawak sa beywang ko si Nash at nasa batok ang kamay ko. Nagulat ang lahat ng nanonood. Maski sila Jaeden ay napatigil sa pagkakalikot ng cellphone. Lia and Josh's face were priceless. At mukhang pinalo na naman ang kinikilig na si ate Angel si Kyle dahil nakahawak si Kyle sa braso niya.

"Guess we already have our King and Queen of the night?" sabi ni Ma'am Aurora na kanina pa pala nakatingin sa amin.

"Ayieee! Sana all!"

"Shit! Bagay na bagay!"

"NashMela na talaga 'to! Wala nang makakapigil! Sila na ang tatalo si KathNiel!"

Kabi-kabilang panunukso ang naririnig ko. Like what the fuck, it was just a dance! Wait no, it wasn't just a dance. At alam na alam ko 'yan. Something magical happened in that dance.

"Ms. Alcantara? Mr. Villanueva? Can you please be here on the stage? To finally award you as King and Queen of the Night!" tanong ni Sir Troy. Humiyaw halos lahat maski ang seniors. They were chanting "Nashmela! Nashmela! Nashmela!" May iilang gumagawa pa ng beat kaya mas lalo akong namula. Napangisi naman si Nash habang inaalalayan ako paakyat ng stage.

"Whoooo! Bestfriend ko 'yan!" sigaw ni Lia na ikinatawa ng iilan sa'min.

Nakaharap na ako sa kanila. I am wearing a crown and a sash. Nash wouldn't let go of my hand. He is smiling to the people while me? Hindi ko na alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa Monday. Ang alam ko lang ay magkakaroon na ako ng kaaway at mas lalong sisikat ako sa school. 

Biglang tumayo si Cassandra. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Galit ba o selos? Nagmamadali siyang pumunta ng stage at pagsalubong sa'kin at bigla akong sinampal ng malakas. Napatayo sila Kyle at sina Lia. Lumapit sila sa stage pero pinigilan ko sila. Nag-aalburuto na sa galit si Lia. Halatang-halatang gustong manapak.

Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)Where stories live. Discover now