Shantelle Kristina
After 3 years...
Nakamasid ako sa kambal ko na naglalaro sa hardin namin.
Sobrang bilis ng panahon, parang kelan lang ay ipinagbubuntis ko ang dalawang ito, heto at tatlong taon na ang nakalipas at tatlong taon na rin sina Shyll at Zace. Si Zeyrone naman ay limang taon na sana ngayon.
Kahit hindi na namin kasama si Zeyrone, ipinagdiriwang pa rin namin ang kaarawan nito.
"Shyll, can I have my ball? I want to play it now." lumapit si Zace kay Shyll para kunin ang laruang bola nito.
"No!" agad na kinuha ni Shyll ang bola ng kapatid nito at niyakap. Hanggang sa lumapit na ako dahil nagtatalo na sila.
"Oh, anong problema? Bakit kayo nag aaway?" tanong ko rito.
"Mommy, I just want my ball, I want to play it but Shyll is not giving it to me. She's playing it since yesterday." sumbong ni Zace.
"Shyll?" lumapit ako sa anak kong babae. "Pwede bang ipahiram mo muna yung bola ni Zace, meron ka pa namang ibang toys diba?" malambing na sabi ko rito.
"No! I want this!" pagmamaldita nito sabay yakap sa bola.
"You have lots of toys na." sagot ni Zace na akmang kukunin na ang bola na yakap yakap ni Shyll.
Sa totoo lang, para na akong referree sa dalawang ito. Wala na silang ginawa kung hindi mag away. Sobrang magkaibang magkaiba ang ugali ng kambal.
Una kong inilabas si Zace kaya sya ang kuya. Palagi kong sinasabi na pagbigyan na nya ang kapatid nya dahil sa sya ang kuya pero minsan nakikita ko na sumusobra na si Shyll.
Aaminin ko, na-spoiled na talaga sya, lalo na kay Ram. Naawa na rin ako kay Zace kasi sobrang nagpaparaya na sya sa kapatid nya pero sumusobra na minsan si Shyll. Sobrang napakamaldita rin kaya palagi kaming nag aaway.
"Shyll, marami ka ng toys diba, ipahiram mo naman kay Zace yan. Pagkatapos nya, ibibigay nya yan ulit sayo." tumango lang si Zace at sumang ayon na ibabalik rin nya kapag natapos na sya maglaro.
Mabait si Zace sa kapatid nya, lahat ng gusto ng kapatid nito nagpaparaya sya, pero minsan umiiyak na lang si Zace at nagsusumbong sa akin.
"No! i said no! Daaaadddyy!" sigaw nito sabay takbo. Lumingon ako at nakita ko na paparating si Ram galing sa loob ng bahay, papasok na ito sa trabaho.
Tumakbo ito sa daddy niya at agad na yumakap sa binti nito at umiyak. Napabuntong hininga na lamang ako. Umandar na naman ang pagkamaldita ni Shyll at syempre ii-spoiled na naman ito ni Ram. Ito na lang lagi ang pinag aawayan namin, na bawas bawasan ang pang i-spoiled sa anak nyang yan kasi sumusobra na. Pero sa pagtatalo namin ni Ram, hindi namin ito ipinaririning sa mga bata.
Tumingin ako kay Zace na nakayuko lamang at nagbabadya na ring umiyak. Alam na nya na siya na naman ang magpaparaya sa kapatid nya. Kinuha ko ito at hinawakan sa kamay, tumingin ito sa akin na nagliligid na ang luha sa mga mata.
"Daddy..." at nagsumbong na nga si Shyll sa dadddy nito na inaaway namin sya. Lumuhod si Ram at kinarga ang anak nito na umiiyak.
"Ram." sita ko dito. Binalaan ko na si Ram tungkol dyan sa pagmamaldita ni Shyll, hindi kasi pwede yung ganun, lalaking hindi maganda ang ugali ng anak nya.