CHAPTER SIX

4.7K 82 0
                                    


NAPATAWA ng malakas si Sam ng magpaulan na naman ng pagpapalipad hangin sa kanya si Uno. Kasamahan niya ito sa trabaho at sanay na siya dito. Gwapo ito at may mga nagsasabi na bagay daw silang dalawa pero wala siyang espesyal na maramdaman dito. Iisang lalaki lang kasi ang nagmamay-ari ng kanyang kagandahan. Si Luke Rodriguez, ang mabuting nilalang na may ari ng beach resort na pinagtatrabahuhan niya.

"Tigilan mo nga ako, Uno. Baka gawin kitang Dos." biro niya. "Kung hindi ko pa alam na madami kang babaeng guest na binobola palagi." naiiling na dagdag niya.

Alas-siyete pa lang ng umaga at kasalukuyan siyang naglilibot sa paligid ng resort ng bigla itong umalalay sa paglalakad niya. Palagi niya iyong ginagawa kahit pa walang nag-uutos sa kanya na gawin iyon. Amo din kasi ang trato sa kanya ng mga staff doon dahil malakas siya kay Luke. Sa sobrang lakas ay sa bahay siya nito nakatira. Napangiti siya ng makasalubong nila ang lalaking nasa isip niya.

"Sam, naglalakad ka na naman, baka mapagod ka. Magpahinga ka na muna, maaga pa naman at wala gaanong guest."

Lalong lumawak ang ngiti niya, nararamdaman niyang gusto din siya nito pero pinipigalan lang marahil nito ang nararamdaman sa kadahilanang ayaw nitong samantalahin ang kalagayan niya ngayon.

"At ikaw naman, Uno. Kinukulit mo na naman itong si Sam. Numero-uno ka talaga sa pagiging pasaway." baling naman ni Luke sa katabi niya.

Tinawanan niya si Uno na biglang naumid ang kanina ay maboladas nitong dila. Kakamot-kamot sa ulo na nagpaalam na ito sa kanilang dalawa at nagmamadaling umalis.

"Tinakot mo naman si Uno." nakangiting wika niya kay Luke.

"Kinukulit ka na naman ba 'nun?" sa halip ay tanong nito sa kanya.

"Sus! Wala 'yun, huwag mo na lang pansinin si Uno, talaga lang mahilig siyang mambola. Harmless naman siya at puro pagpapalipad hangin lang." aniya at umabrisete sa braso nito.

The resort was like a paradise. Napakaganda niyon at ang Exquisite Resort–na matatagpuan sa San Pablo, Laguna– ang nag-aalis sa lahat ng alalahanin niya. Siyempre, isa na ding factor ang muy gwapitong katabi niya sa paglalakad sa white sand ng beach.

"Sam?"

"Hmm?" aniya at ibinaling sa mukha nito ang pansin niya.

Napaka-gwapo talaga nito. Tan ang kulay ng balat nito sanhi ng palaging pagbibilad nito sa ilalim ng araw. Napakalinis pa din nitong tingnan dahil mukha itong hindi pinagpapawisan at palagi pang napakabango. Maraming mga babaeng guest nila ang muling bumabalik doon dahil gustong masilayan ang kakisigang taglay nito. Hindi niya masisisi ang mga iyon dahil talaga namang loveable si Luke. Plus pogi points pa ang pagiging gentleman nito. 'Yun nga lang padami ng padami ang karibal niya dito. Napabuntong-hininga siya.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.

Nakalimutan pa pala niyang idagdag na thoughtful din ito. Nakangiting umiling siya.

"Wala, okay lang ako." aniya at ibinaling na ang tingin sa dagat.

Hinawakan nito ang kamay niyang naka-abrisete dito. Bakit ganun, kahit sinasabi ng utak niya na gusto niya si Luke, na marahil ay mahal na niya ito, ay parang may tumututol sa isang bahagi ng pagkatao niya, partikular sa puso niya. Masaya siya tuwing kasama niya ang binata pero hindi pa din maalis sa puso niya ang tila lungkot na nararamdaman niya tuwing tinititigan niya ang mukha nito.

"Wala ka pa din bang maalala?" maya-maya ay tanong nito.

Umiling siya. "Wala pa din." malungkot na sabi niya.

Twinkle's StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon