"TWINKLE, come back here!" hiyaw ni Milo sa dalagang bumangon sa hukay at ngayon ay nag-walk out sa kanila ng lalaking tinawag nitong Luke kanina.
Marami siyang nais itanong sa dalaga. Kung anong nangyari dito sa nakalipas na buwan. Paanong nakaligtas ito sa aksidente. Bakit wala itong naaalala at kung sino ang babaeng inilibing nila noon? Nagulat siya ng sobra kanina at hindi makapaniwalang buhay nga ito. Sa labis na saya ay wala sa loob na tumango siya ng tanungin nito kung kaibigan ba siya nito. Wala namang mali sa naging sagot niya dahil matagal silang naging magkaibigan ni Twinkle. Mas mahaba pa nga ang durasyon ng pagiging magkaibigan nila bago sila nagkaroon ng relasyon.
Wala itong ipinagbago kaya unang tingin pa lamang ay alam na niyang ito ang nobya niya. Mukhang hiyang dito ang pananatili sa resort. Tumingkad man lalo ang pagiging morena nito, nawala naman ang kapaguran na nakikita niya noon sa mukha ng dalaga, marahil ay dahil sa tila nagbabakasyon lamang ito doon.
Hindi siya makapaniwalang buhay ito pero nagapapasalamat siya sa Diyos at ibinalik Nito sa kanya si Twinkle. Tinakbo na niya ang distansiya nila ng dalaga at hinarang ang dadaanan nito. Napangiti siya ng panlakihan siya nito ng mata. He missed her, he missed every little thing about her.
"Bakit umalis ka na lang bigla sa opisina ng Luke na iyon?" tanong niya.
"Dahil mukhang wala akong mapapalang maayos na sagot sayo!" iritableng wika nito. "Hindi ko alam kung dapat ba kitang paniwalaan. Ang sabi mo kanina, kaibigan kita, tapos biglang naging boyfriend na kita?! Mas malala yata ng tama mo sa utak kaysa sa akin, eh"
"I'm telling you the truth, boyfriend mo ako kaya huwag ka ng magtangka pang mang-molestiya ng ibang lalaki sa isip mo bukod sa akin, naiintindihan mo?"
"'Yun na nga! Paanong ang isang tulad mo ang nagusthan ko? No offense meant, mister, pero nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin?" nakangiwing tanong nito sa kanya.
Napanganga siya. Hindi siya makapaniwalang nilalait siya nito. Oo nga at naging pabaya siya sa sarili niya, pero madami pa din namang babae ang nais mapansin niya sa bawat lugar na pinupuntahan niya. Iyon ang unang pagkakataon na may diretsong nagsabi sa kanya na may mali sa hitsura niya. Hindi niya akalaing magmumula pa iyon sa dalagang mahal niya. Nakaramdam siya ng bahagyang inis sa sinabi nito.
"Hindi mo ba ako kilala? Maraming babae ang nababaliw sa akin. I'm Milo Ruiz–"
"Tanga ka ba? May amnesia nga ako, di ba? Kung kilala kita, sana hindi na ako naiinis ng ganito ngayon." putol nito sa sinasabi niya.
Ang alam niya ay patuloy pa din ang pagpapalabas ng mga music videos nila sa isang local music channel, pero mukhang hindi ito nanonood ng telebisyon dahil wala itong ideya na ang napakagwapo nitong nobyo, na walang iba kung hindi siya, ay isang sikat na tao sa Pilipinas.
"Wow! Sori, ha? Nagkaganito lang naman ako dahil inakala kong namatay ang babaeng pinakamamahal ko. Binalak ko pa nga sana siyang sundan sa kabilang buhay. Tapos ngayon, nilalait mo ako?" pangongonsensiya niya dito. "Kawawa lang pala ako kung nagkataon dahil wala ka naman doon, mapapahiya lang ako kay San Pedro." litanya pa niya.
May emosyon siyang nabasa sa mukha nito. Tinitigan siya nito ng matiim. Naalala na ba siya nito kahit kaunti lang? Bumuntong-hininga muna ito bago nagsalita.
"I'm sorry, pero hindi talaga kita matandaan, Rino."
Naihilamos niya ang kamay sa mukha. "It's Milo!" napailing siya. Sa ikli ng pangalan niya, mabilis pa nito iyong nakalimutan. "Maaalala mo din ako, ipinapangako kong maalala mo din ako, Twinkle."
BINABASA MO ANG
Twinkle's Star
RomantikSa tagal ng pagiging magkakilala nina Milo at Twinkle, hindi kailanman lumampas sa pagiging magkaibigan ang estado ng kanilang relasyon. Para silang may silent agreement na kahit ano ang mangyari ay mananatili sila sa tabi ng isa't isa. Kaya nang ma...