CHAPTER EIGHT

4.8K 86 0
                                    


INIABOT ni Milo ang kanang kamay niya kay Luke. Dinayo niya ito sa opisina nito ng magpaalam siya kay Twinkle na magpapahinga muna siya sa cottage niya. Sa tingin niya ay dapat na siyang magpasalamat dito dahil hindi nito pinabayaan ang dalaga noong oras na kailangan nito ng tulong. Inabot naman nito amg kamay niya. Nagpakilala siya at inulit niya ang sinabi na niya kanina na girlfriend niya si Twinkle. Tumango ito habang nakatingin sa kanya.

"Salamat, Pare. Naikwento na sa akin ni Twinkle kung papaanong napunta siya sa pangangalaga mo." sinserong wika niya.

"You don't have to thank me, kahit naman sino ay gagawin ang ginawa ko noong panahong iyon. Nagkataon lang na si Twinkle ang natulungan ko ng araw na iyon. Pero huwag mong isipin na basta ko na lang siyang ibibigay sayo, Milo."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin?"

"Ibibigay ko lang siya sa pamilya niya. Don't expect that I'm protecting her for the past months and just give her up easily to you."

"Huwag mo na akong paikutin pa, sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin, Luke." impatient na sabi niya dito.

"I like her, Sam or Twinkle."

Nag-igtingan ang ngipin niya sa sinabi nito.

"Ako ang boyfriend niya at ako ang mahal niya." malamig na sabi niya.

Umiling ito. "Siguro nga mahal ka niya...noon. You're her past and I want to be her present. Hindi ko siya niligawan noon kahit na alam ko na gusto namin ang isa't-isa dahil inisip kong baka may asawa na siya. Nang sabihin mo kanina na boyfriend ka niya, susuko na sana ako." tumigil ito sa pagsasalita na para bang inaantay siyang magbigay ng komento. Tiningnan lang niya ito ng masama. "Until one of my crew told me who you really are. I searched the net at hindi ko na nabilang pa ang mga babaeng naugnay sayo bago ka naging permanenteng naugnay sa isa sa ka-banda mo. Hindi iyon si Twinkle." seryosong pahayag nito.

"Alam ni Twinkle na wala akong ibang karelasyon bago ako nagtapat sa kanya noon. Kung kinakailangan na ipaliwanag ko ulit sa kanya ang lahat, gagawin ko." hindi na niya maitago ang inis na nararamdaman niya dito.

"Hindi mo ba nakikita? Guguluhin mo lang ang tahimik na niyang buhay dito sa resort. Wala mang nakakaalam na may relasyon kayo, sa ginagawa mo ngayon ay siguradong mas mahihirapan siya at hindi iyon ang kailangan ni Sam, o ni Twinkle ngayon. Kahit pa nawala ka sa mundo mo, mananatili ang interes sayo ng publiko. Siguradong magugulo lang siya at iyon ang ayaw kong mangyari. She was doing fine here, contented with simple things. Masaya siya dito at–"

"Stop talking nonsense!" bulyaw niya dito. "You should think twice bago mo sinabi ang opinyon mo. I can protect her, hindi ikaw ang kailangan niya. Nagpunta lang ako dito para magpasalamat sayo. After all, ikaw ang dahilan kung bakit makakasama ko siyang muli." aniya at tinalikudan na ito.

Alam niyang may utang na loob siya kay Luke, pero sino ito para husgahan ang nararamdaman niya para sa dalaga? Hindi nito alam kung ilang takot sa puso niya ang nagawa niyang talikudan bago niya nagawang magtapat ng pagmamahal sa babaeng nais nitong angkinin ngayon.

"Kung kaya mo siyang protektahan, bakit nasa poder ko siya ngayon, Milo?" sarkastikong sabi pa nito. "Pasensiya na, pero gagawin ko ang sa tingin ko ay makakabuti sa kanya." pahabol pa nito.

Muli siyang humarap dito at tuluyan ng nagdilim ang paningin niya. Inundayan niya ito ng suntok.

"ARAY naman, Tala. Ginagamot mo ba ako o dinadagdagan mo ang masakit sa akin?" reklamo ni Milo kay Twinkle.

Twinkle's StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon