NAGLALAKAD na sina Twinkle at Milo pabalik sa cottage ng huli. Ilang oras din silang nakipagkwentuhan sa mga kaibigan nilang hindi pa din niya maalala. Maraming ikinuwento ang mga ito at masarap sa pakiramdam na naroroon ang mga ito para sa kanya. Parang naging reunion ang pagkikita nilang iyon. Nalaman niya sa mga ito na sina Jessie, Colt at Cindy ay pawang mga schoolmates nila ni Milo noong nag-pe-premed pa lamang siya habang sina Rhin at Allie ay mga bagong kaibigan lamang niya.
"Oy, magsalita ka naman diyan." untag ni Milo sa kanya.
"They are all nice people, especially, Jessie." nakangiting wika niya.
Nagpaalam siya sa mga kaibigan nila dahil madami siyang nais itanong kay Milo. Sa mga natuklasan niya kina Jessie ay parang siya ang kusang lumayo sa mga ito noon. Ang sabi ni Colt ay hindi na daw niya nagawang magpakita pa sa mga ito pagkatapos nilang maka-graduate. Nang makausap naman niya si Jessie at itanong dito ang tungkol sa paghiwalay niya sa dati nilang grupo ay inamin nitong wala siyang sinasabi na kung ano man sa totoong dahilan niya. Basta alam daw nito na ang pinsan nitong si Milo ang dahilan. Na alam nitong matagal na siyang may gusto sa binata at marahil lumayo siya sa mga ito upang takbuhan ang kanyang nararamdaman. Nilinga niya ang binata, gaano na kaya kalayo ang natakbo niya bago siya nito nagawang mahalin?
"Dati, hindi ganoon ka-nice si Jessie. Mayroon 'yung sariling mundo, pati na si Allie." nakangiting kwento nito sa kanya
Naiinis siya dahil kahit anong halukay niya sa isipan niya ay hindi niya matandaan ang detalye ng mga sinasabi nina Colt kanina. Siya daw ang number one nemesis ni ni Milo noon. Ikinuwento pa ng mga ito kung papaano siya pinahirapan ni Milo noong nasa kolehiyo pa sila.
"Milo, bakit hindi nila alam na may relasyon tayo?" kanina pa niya iyon nais na itanong dito pero nahihiya siyang marinig iyon ng mga kaibigan nila.
Tumigil ito sa paglalakad at tinitigan siya. She also stopped walking and waited for his answer. Bumuntong-hininga muna ito bago nagsalita.
"Dahil noong araw na naaksidente ka, that was the time that our relationship started. Hindi pa natin iyon nasasabi kina Colt kaya wala silang alam tungkol sa estado ng relasyon natin." paliwanag nito.
Napaisip siya. Kung matagal na niya itong nakakasama... "Meron ba akong naging boyfriend bukod sayo o may nasabi ba ako sayo na may nagustuhan akong lalaki?"
"Wala, ako ang unang boyfriend mo." tila proud pa nitong sabi.
Hindi siya makapaniwala. "So, ibig sabihin, ikaw lang ang lalaking minahal ko mula ng makilala kita, tama ba?"
Tumango ito.
"A-alam mo na ba noon pa na may gusto ako sayo? nag-aalangang tanong niya.
"Yes." mahinang amin nito.
Napapikit siya. Hindi niya inakalang ganoon siya kamartir para maghintay ng napakahabang panahon para sa isang lalaki. Ang daming emosyon ang tila nagsalimbayan sa puso niya. Lamang ang agam-agam at lungkot sa nangyari sa kanya noon kahit na wala siyang matandaan.
"You knew, but you made me wait for so many years?" mapaklang tanong muli niya. "Palagi ba akong nakadikit sa iyo noon?" gusto niyang malaman ang extension ng pagiging baliw niya sa pag-ibig noon.
"No, I was the one who always wanted to stay by your side. What we have is special, Twinkle." anito. "Nauunawaan natin ang isa't-isa, nakalipas na iyon at–"
"So, sadista ka pala at masokista ako. Bagay nga tayo." sarkastikong sabi niya. "Anong espesyal sa sinasabi mo? Mahal kita noon at nagpaka-gaga ako sa paghihintay na mapansin ng isang Milo Ruiz. Hindi na ako magugulat kung ang susunod kong malalaman ay naawa ka sa akin kaya nagkaroon tayo ng relasyon."
BINABASA MO ANG
Twinkle's Star
RomanceSa tagal ng pagiging magkakilala nina Milo at Twinkle, hindi kailanman lumampas sa pagiging magkaibigan ang estado ng kanilang relasyon. Para silang may silent agreement na kahit ano ang mangyari ay mananatili sila sa tabi ng isa't isa. Kaya nang ma...