PAKANTA-KANTA pa si Twinkle habang nagmamaneho. Wala na yatang babae pa sa mundo ng mga oras na iyon ang mas sasaya sa kanya. Nagkaroon na kasi ng katuparan ang matagal ng hiling ng kanyang puso. Si Milo. Para pa din siyang nakalutang sa alapaap tuwing naaalala ang ginawa nitong pagtatapat kanina. Matagal na niya itong gusto at may panahon pa nga na talagang iniwasan pa niya ang binata dahil inakala niyang walang pag-asang maging sila, pero siguro nga ay para talaga sila sa isa't-isa dahil ngayon ay magkasintahan na sila. Kung hindi lang talaga kailangan ay nunca na aalis siya sa tabi nito ngayon.
Kapapasok pa lang niya sa bayan ng San Pablo, Laguna ng may babaeng buntis na kumaway sa sasakyan niya. Tila nahihirapan ito at nakahawak sa tiyan nito. Bilang isang doktor ay hindi na siya nag-isip pa ang kung ano at huminto upang tulungan ang babae. Sumakay ito sa passenger's seat pero bago pa niya maitanong kung manganganak na ba ito ay naglabas na ito ng baril at itinutok sa kanya.
"Pasensiya na, Miss. Kelangan ko lang talaga ng pera, ngayon." wika nito sa nanlilisik na mata.
She was shocked. Malayo pa siya sa bayan at nasisigurado niyang wala siyang mahihingan ng tulong sa mga oras na iyon. "T-teka, Miss, baka pwede nating pag-usapan ito. Buntis ka pa naman, baka kung anong mangyari sa'yo."
Napanganga siya ng tanggalin nito ang isang pabilog na unan na nakalagay sa parteng tiyan nito. "I'll give you everything I have, huwag mo lang akong sasaktan." mahinahong sabi niya.
Ano bang napasukan niya? Kanina lamang ay masaya pa siya dahil naging sila din sa wakas ng lalaking mahal niya. Tapos ngayon ay may ganitong eksena? Sana ay hindi na lamang siya umalis pa ng Maynila. Ang daming sumasagi sa isip niya pero nanatili siyang mahinahon, hindi niya magawang manlaban sa katabi dahil baka pumutok ang hawak nito at mamatay siya ng wala sa oras.
"Hubarin mo ang mga alahas mo. Ibigay mo sa akin ang wallet mo at paandarin mo itong sasakyan, dali!" utos nito sa kanya habang pasulyap-sulyap sa rearview mirror.
Ginawa niya ang mga iniutos nito kahit pa nag-aatubili siya dahil galing ang lahat ng alahas na suot niya ngayon kay Milo. Pinaandar na niya ang sasakyan. Unti-unti na siyang kinakain ng kaba at takot dahil paunti ng paunti ang bahay na nakikita niya sa direksyon na sinasabi nitong tahakin nila. Nang iutos nitong ihinto niya ang sasakyan ay inakala niyang bababa na ito pero sa halip ay siya ang inutusan nitong bumaba. Walang imik na bumaba siya pero lalo siyang nahintakutan ng sumunod ito habang nakatutok pa din sa kanya ang baril na hawak.
"Ano pa ba ang kailangan mo? Wala na akong pera dito, lahat ng gamit ko, nasa sasakayan na–"
"Pasensiya na, pero kailangan kong gawin ito. Baka makahingi ka agad ng tulong." putol nito sa sinasabi niya at ipunukpok sa ulo niya ang dulo ng baril nito.
Napaluhod siya pero pinaglabanan niya na huwag siyang mawalan ng malay kahit na sumusigid ang pinaghalong sakit at pangambang nararamdaman niya. Kailangan niyang makahingi ng tulong dahil kailangan niyang mabuhay. Milo would be upset if something happened to her. Pero tuluyan na siyang nanghina ng dalawa pang magkasunod na pagpalo sa ulo niya ang pinakawalan ng carnapper. Napahiga na siya ng tuluyan sa gilid ng kalsada.
"Milo." usal niya sa pangalan ng nobyo bago siya tuluyang nilamon ng kadiliman...
NANGNGALAY na mula sa pagkakatayo sa gilid ng kalsada si Cara. Naghihintay siya ng isang mabait na taong 'tutulong' sa kanya. Awtomatikong nagliwanag ang mukha niya ng makita ang paparating na sasakyan. Lalo siyang nagdiwang ng huminto iyon. Nalaman niyang babae ang sakay ng kotse at nag-iisa lamang ito. Swerte! Sumakay siya sa passenger's seat at bago pa man ito makahuma ay itinutok na niya dito ang baril na nakatago sa likod ng pantalon niya.
Humanga siya sa hinahon ng biktima niya. Kahit alam niyang natatakot na ito sa maari niyang gawin ay kalmado pa din ito habang ginagawa ang mga iniuutos niya. Pero bumdha na ang takot sa mukha nito ng pababain na niya ito ng sasakyan. Wala siyang choice kung hindi ang paluin ito ng ilang beses sa ulo upang hindi agad ito makahingi ng tulong. Mahirap na at baka mahuli pa siya bago siya makarating sa pupuntahan niya.
Palinga-linga siya upang siguraduhin na walang sumusunod sa kanya. Patungo siya sa Pangil, Laguna upang ibigay ang sasakyan sa contact niya. Siguradong malaki ang maiuuwi niya sa pamilya niya kapag napagsama-sama na niyang idispatsa ang sasakyan, alahas at iba pang gamit ng babae na nasa loob ng sasakyan.
Alam niyang masama ang ginagawa niya, pero hindi niya maipapakain sa dalawa niyang anak ang kabutihan niya. Wala siyang asawa dahil maaga itong binawian ng buhay dahil sa sakit na tuberculosis kaya naman solo lamang niyang binubuhay ang mga anak niya. Ipinangako niya sa sarili niya na iyon na ang huling pagkakataon na gagawin niya iyon. Balak niyang magsimulang muli sa malinis na paraan at gagawin niyang kapital ang mga nakuha niya ngayon.
Kailangan niya ng pera at sa tingin niya ay marami niyon ang babaeng iniwan niya sa gilid ng kalsada base sa ilang alahas na halatang mamahalin na nakuha niya mula dito. Nang maisip ang mga alahas ay dali-dali niya iyong isinuot sa sarili. She checked herself in the mirror and smiled. Totoo nga palang nakakaganda ang mga ganoong klase ng alahas. Inaabot niya ang cellphone ng biktima niya sa pagkakapatong niyon sa tabi niya ng biglang may sumulpot na rumaragasang sasakyan na kasalubong niya. Nasa zigzag na siya kaya hindi niya agad nakita iyon.
Tinangka niyang umiwas pero nagkamali siya ng pagtantiya dahil hindi na niya nakontrol pa ang sasakyan sa pagbulusok niyon sa matarik na bangin. Parang flashback na naisip niya ang mga nabiktima niya, marahil ay karma na niya iyon. Hindi siya relihiyosong tao, pero nanalangin siya ng mataimtim, hindi para sa buhay niya kundi para sa buhay ng mga maiiwan niyang anak. Ipinikit niya ang mga mata at pinabayaan na niya ang langit na humusga sa mga kasalanan niya.
WAKAS
BINABASA MO ANG
Twinkle's Star
RomanceSa tagal ng pagiging magkakilala nina Milo at Twinkle, hindi kailanman lumampas sa pagiging magkaibigan ang estado ng kanilang relasyon. Para silang may silent agreement na kahit ano ang mangyari ay mananatili sila sa tabi ng isa't isa. Kaya nang ma...