Malay Mo

222 4 0
                                    

Malay mo bukas sumaya ka na."
"Malay mo gusto ka din pala."
"Malay mo, makakalimutan mo na siya."
"Malay mo padating na siya, na-traffic lang."
"Malay mo walang pasok."

"Malay mo" salitang nagbibigay dahilan sa iyo upang umasa, nagbibigay dahilan para maniwala.

"Malay mo" na nagbibigay ng positibong pananaw na magpatuloy kahit na pagod na pagod ka at nais ng huminto, sumuko pero ayoko. 

"Malay mo" na pinanghahawakan mo sa mga bagay na hindi sigurado, malabo na parang tubig sa baso na may sebo. 

"Malay mo" para lahat ng hinihintay mo. Dadating pa ba? Otw na ba? Na traffic? o baka naman kailangan mo ba itong sunduin, suyuin.

"Malay mo" para sa lahat ng gusto mong mangyari, kinukumbisi ang sarili na baka sakali ay magkatotoo ang panaginip. 

"Malay mo" para sa mga bagay na pilit mong tinatakasan. Ayaw mong matupad, nais ang oras ay kumupad.

Malay mo na nagbibigay pag-asa na baka isang panahon ay bigyang linaw ang ating gusto, kahit gaaano pa ito kalabo magkatotoo. 

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon