A/n: pinagloloko rin ako ng wattpad eh noh? May nag votes at naglagay sa reading list nila nitong story ko tapos... tapos.... WALANG READS!? huhuhu hustisya wattpad! HUSTISYA 😢 salamat nga pala sa mga nag add at mag aadd pa lang nito sa reading list nila! MAHAL KO KAYO! 💕
Anyways, another update from me. Hahahaha nakakatuwa siyang isulat kasi nakakarelate ako hahahaha char 😂 Enjoy reading!
-Artemis_lala
Sweet's Pov
"Order na muna tayo?" Tanong ni Allisha pero umiling ako.
"Not in the mood." Cold na sabi ko habang nilalaro laro ang key chain sa kamay ko.
"Eh kung mag selfie tayo?" Tanong ulit nito at itataas na sana ang cellphone niya ng umiling ulit ako kaya naibaba niya ito.
"Not in the mood." Sagot ko ulit at nakita ko naman ang pagkairita ng mukha niya.
"Edi huwag! Ako na lang magseselfie dito. Bahala ka diyan, wala kang mapopost sa IG mo." Wika nito at nag selfie nga mag isa. Napatingin na lang ako sa key chain at napabuntong hininga sabay yuko sa lamesa.
Why did I agree to come with her and meet Saxton in the first place? Bakit ba ako nagpadeceive sa mga sinabi ni Allisha? Tuloy, heto ako ngayon at ipapahamak nanaman ang sarili ko. Lalo na ang isip at puso ko..
Anong pumasok sa isip ko at inilagay ko ang isa kong paa sa bangin na kapag nalaglag ako, ay tiyak na wala namang sasalo sa akin at sa huli, ako ang masasaktan.
Seeing him gives me danger, saw him smiling gives me an over danger and talking to him will give me a super duper danger!
"Andiyan na si Saxton! Saxton!" Agad akong napaayos ng upo at tumingin sa paligid at nang makitang wala namang tao ay binatukan ko si Allisha.
"Gago! Gago ka talaga Allisha. Not funny." Inis kong wika at inirapan si Allisha na panay ang tawa habang tinuturo ang mukha ko.
"You should have seen your face! Para kang tanga!" Sabi nito habang panay pa rin ang tawa niya kaya yumuko na lang ulit ako at itinaas ang kamay ko sabay bigay ng middle finger sign. Gago talaga siya, parehas ng pinsan niya.
"When did you start cussing? Sweet?" My heart skips a beat when I heared a familliar voice behind me. Nag init ang mukha ko at nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. Napaangat ang ulo ko at tumingin kay Allisha na malawak ang ngiti sa mukha.
"As I said a while ago, he's already here." Sabi nito habang hindi pa rin maalis alis ang ngiti sa mukha nito.
"Fuck! How!?" Inis na bulong ko rito. Habang hindi pa rin tumitingin sa likod ko dahil alam ko naman na ang presensiya lang naman ni Saxton ang nararamdaman ko.
"Malamang. Dumaan sa pinto. Nakayuko ka at di mo napansin na dumating siya." Paliwanag nito.
FUCK.MY.LIFE
Hindi ako handa!
"Ang mean niyo sa akin! Hindi niyo man lang ako sinasali sa usapan niyo." Wika ni Saxton sa likod ko. Hindi ako makagalaw.
Para akong na-freeze dahil sa presensiya niya. Inaamin ko, natatakot ako. Natatakot ako na baka pag nakita ko siya, baka bigla na lang akong umiyak ng walang dahilan.
Ayokong bumigay, ayokong mareject nanaman ng gagong ito at umiyak nanaman ako. Ayoko na. Sapat na ang isa, sobra na ang pangalawa at kagaguhan na ang pangatlo.
Pakshet na malagkit! Bakit nararamdaman ko yung hininga niya sa may bandang kaliwa ng tenga ko!? Tang ina! Malapit ba ang mukha niya sa akin!?
BINABASA MO ANG
The Bitter Sweet
RomanceSweet Loweil Martines- Isang babaeng maagang nagmahal, naglandi at nasaktan. At a very young age, she got rejected by his oh so first love Saxton. After that rejection, she becama a man hater. She hates flowers because it reminds it of his first lov...