"Saan ba kayo galing ng pinsan ko?" tanong ni Morpheus habang nakain sila ng pagkain na pina-deliver nilang tatlo. Katatapos lang nila maligo at ngayon ay nagkalat ang mga throw pillows ko sa carpet dahil mas gusto nila kumain habang kaharap ang TV.
"Kumain ng pares." Simple kong sagot habang nagkakalikot sa cellphone ko.
"Pares? Like, pair? Pares? Ano 'yon?" tanong ni Neo at nakita ko ang pag-irap ni Harvey.
"Pares, bakla ka. Iyong street food 'yon na choice mo kung kanin or noodles ang ipapares sa sabaw."
"Never heard of that."
"Nagkalat ang kariton non dito sa Manila hindi mo nakita? Iba talaga kapag anak ng Mayor no?" ngumuso si Harvey at kumagat sa burger niya. "Sabagay, burgis is burgis."
"Wait, Alivia said that also. Is that a thing now? The word 'burgis'?" tanong ko na nagpataas ng kilay ni Harvey.
"Salitang kanto 'yon. Ang hirap makipagsabayan sa mga old rich na katulad niyo, alam niyo 'yon?"
"Wala naman nagsabing makipagsabayan ka. We're friends. Just be yourself." Nagkibit ng balikat si Neo bago niya binigyan ng chicken si Harvey saka siya kumagat sa burger nito.
Nagkatinginan kami ni Morpheus dahil hindi ko alam kung ako lang ang nakakapuna o masyado na silang close talaga. Ayaw kong mag-isip ng kung ano dahil magkaibigan naman talaga kaming apat at close na kaming lahat pero masyadong komportable ang dalawa.
"Baka mamaya kayo ang magkatuluyan ha?" asar ni Morpheus na nagpalayo kay Harvey kay Neo.
"Pre, alam mo namang straight ako. Walang ganyanan pre. Kadiri ka naman, tol!" biro ni Harvey na nagpahalakhak sa amin.
"Grabe ka naman kay Neo. Gwapo naman siya ha?" kantyaw ko at pinanuod ang reaksyon ng dalawa. Nanatiling tahimik si Neo habang nakabusangot naman si Harvey.
"Leighton, we're friends and friends don't eat each other. You know... duty and all. Saka isa pa, magtatapos pa ako ng pag-aaral para makauwi na si Mama. I want her here in the Philippines instead of working abroad. She has done enough for me and my siblings. Tama na 'yon." Ngumiti si Harvey na nagpatango din sa aming lahat.
We know Harvey very well. Hindi namin siya nakita na may boyfriend o kahit nabalitaan man lang dahil kahit na straight gay siya ay hindi niya naman inuuna ang tawag ng katawan niya kaysa sa pag-aaral. Hanggang salita lang siya pero hindi niya ginagawa sa kadahilanang gusto niya nga umuwi ang Mama niya sa pinas.
Magkaibang magkaiba ang estado naming apat. I have parents who can provide financially and I have a complete family. Harvey only has his mother and his siblings with him. Wala siyang tatay dahil iniwan na sila nito matagal na. He has become the father figure in their family and I know that's a tough job for him. Neo... well his family is involved in politics. His father is the Mayor of the City of Albay while his mother is an old rich woman who has connections. His mother is more on investments to support their assets.
And Morpheus... well I don't know much about him. Ang alam ko lang ay matalino siya at Vice President for Academic Affairs ang ama niya pero bukod doon ay wala na. Hanggang ngayon ay nananatiling misteryo sa amin ang ibang detalye ng pamilya niya.
"Saan nga pala ang kwarto mo, Leighton?" tanong ni Neo sa akin, iniiba ang usapan.
"Sa tabi ng kwarto ni Alivia–"
"And why is that?" tanong ni Morpheus at may mapanghusgang tingin sa akin.
"Penthouse ko 'to pre, just so you know–"
YOU ARE READING
Chasing That Holy Feeling
FanfictionA Ricci Rivero fanfic. This is a sequel of "The Mistress of the Game". The story is written in Leighton's point of view.