Chapter One

1 0 0
                                    


Hello po! Ako nga pala si Anna Mae Cheng, taking up Medicine at North Crimson Medical University. Sinusunod ko kase ang yapak ng parents ko, Both of my parents are doctors. Andito ako ngayon sa classroom nakikinig kay prof. actually parang hindi na nga ako nakikinig kase yung dinidiscuss niya ngayon napag-aralan ko na kagabe kaya naiintindihan ko na kung ano ang ini-explain niya sa class.

"pst! Li ano na naman diyan ang iniisip mo at sobrang halatang tulala ka?" pabulong na tanong ni Hannah sa tabi ko.

Siya si Hannah Lynn Cheng pinsan ko. Mag kapatid kasi ang tatay namin.

"wala lang Insan, alam ko na kase ang tungkol sa dinidiscuss ni prof. kaya medyo na bobored lang ako" napangiti naman ako sa reaksyon ng mukha niya. Tinaasan ako ng kilay.

"As always talaga Insan ang advance mo mag-aral" sabi niya tapos napailing na lang. Medyo natawa naman ako dun. Siya kase mabilis mainip kapag kaharap ang libro pero sobra talino naman. Di ko nga alam kung paanu yan mag-aral, eh parang itatapon ng babaeng 'to ang mga libro niya tuwing exams.

Namalayan ko na ibang kaklase namin ay nagsitayu-an na. Tiningnan ko ang orasan at yun lunch break na pala. Linagay na namin ni insan ang mga gamit namin sa bag at dumiretso na sa canteen. Pagpasok hinanap agad ng mga mata ko yung bestfriend ko, nakita ko naman siya sa dikalayu-an kumakaway-kaway ng kamay sa amin.

"Insan nakita mo na ba sila?" –Hannah

"Yup. Nandun sila insan oh" sabi ko at tinuro ang kumakaway na lalake na ngayo'y sinabayan na rin ng isa pang lalake na si Taff

Pinuntahan namin sila at umupo narin sa pwesto. Bale mga walo kaming lahat dito sa lamesa. Tatlo lang kami ni Insan at Mika ang babae sa grupo.

"Kyaaaah ang gagwapo talaga nilang lima ohh!"

Yan lang ang isa sa naririnig naming tilian ng mga babae dito sa canteen. Tinignan ko naman ang lima at medyo natawa. Dalawa lang kase sa kanila ang nagpapacute. Si Tristan, si Randon at si Mark eto deadma sa mga babae parang wala lang narinig haha.

Sikat kase sa school ang mga lokong to. Eh paanu ba di sisikat bukod sa mga gwapo na sila marunong pa'ng tumugtog ng instrumento at magkanta meaning grabe talaga ang pogi points. Natural sino bang babae ang di-naiinlove sa lalaking marunong mag harana ha sabihin niyo nga? Anyway nagiging sikat sila dahil sa pagbabanda nila. Tuwing may event ang school parate silang tumutugtog at dahil dun marami silang fans, not only in our school but also in other schools. May gigs pa kase 'tong mga lalake na to eh, regular silang tumutugtog sa west point. Isa yung sikat na bar malapit sa school. Heto ipakilala ko sila sa inyo 'wag kayong mag-alala.

Tristan Yu (Vocalist ng banda at bestfriend ko)

Taffredelwin Elwood (Taff na lang itawag niyo sa kanya medyo mahirap kase sa dila ang buong pangalan niya. Siya ang lead guitarist ng banda)

Randon Young (Siya ang base ng banda)

Ryan Valdez (may pagka babaero ang lalake na to. Eh paanu ba di maging babaero eh broken hearted kaya yan. Kawawang Ryan. Siya nga pala ang Drummer ng band)

Mark Anthony Feng (Organ na man ang kanyang tinutugtog at bf yan ni Mika)

Tanging Hobby lang talaga ng mga boys ang pagbabanda. Mahilig kase silang lahat tumugtog kaya eto naisipang bumuo ng isang banda last year. Like I said hobby lang kase di naman nila kailangang mag earn ng pera dahil pareparehas namang may kaya ang mga pamilya nila pero syempre tinatanggap pa rin nila ang bayad sa pagtugtog. So ayun kilala niyo na ang barkada ha.

Tinignan ko ang mga boys, ang gugwapo nang mga yan pero si Tristan pa rin ang pinakagwapo sa lahat eh bestfriend ko eh. Oo sige na aaminin ko mahal ko kase pero secret lang natin yan ha. Ang nakakaalam lang kase ay si Insan at si Mika lang. Ewan lang sa mga boys. Basta di pwede malaman ni Tristan period.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


:) Anna's Picture above!

Always and Forever  YouWhere stories live. Discover now