Dedicated to my dyosang friend na si HemiShitPsycho kasi siya yung gumawa ng book covers ng mga stories ko haha thak you bheshie!!
_____________________ooo____________________
"Hi Red! Ang gwapo gwapo mo talaga! kaya crush na crush kita eh! " sigaw ko habang sumasabay akong maglakad sakanya.
" Tsk! Hindi kita crush, so get lost!"malamig namang wika nito sa akin.
Hindi naman ako nagpa awat sa kasungitan niya, wala akong pakealam kung anong sasabihin niya at sasabihin ng iba, mahal ko siya kaya ipapakita ko sa kanya na may nagmamahal sa kanya na sobrang cute hehe.
"Kahit anong gagawin mong pagsusungit sa akin, hindi ako titigil sa pangungulit sayo Red. Crush na crush talaga kita kaya lahat gagawin ko mapansin mo lang ako" pursigidong sabi ko sa kanya pero nilagpasan niya lang ako.
Hindi ko alam kung bakit ko siya nagustuhan,ang sungit niya, misteryoso, tahimik, tsaka antipatiko, gwapo at matalino.
Pero nang makita ko siya, sakanya na lang bigla tumibok yung puso ko, nakuha niya yung attention ko, nakuha niya yung puso ko.
Tumakbo naman ako papalapit sa kanya at kinulit nanaman siya, pero waepek talaga.
Siguro kailangan ko na talagang bigyan siya ng space, palagi nalang kasi akong nasa tabi niya at nag iingay.
Siguro kailangan ko ng lumayo sa kanya, naiinis nasiguro siyasa akin kaya hindi niya ako pinapansin, sabagay ilang araw din yung 3 years hehe mag f-four na nga sa graduation namin eh.
Mula kasi first year high school hanggang ngayong 4th year high school na kami, palagi ko siyang classmate kaya palagi ring may nagpapapansin sa kanya.
Sumama na siya sa barkada niya kaya naiwan NANAMAN ako dito sa gitna ng quadrangle habang nakatungo.
Naiiyak ako.
Naiiyak ako kasi, ilang taon na akong humahabol sa kanya pero para sakanya invisible lang ako, bakit hindi man lang niya ako kausapin kahit 'hi' or 'hello' manlang, puro nalang kasi 'Hindi kita crush' ang sinasabi niya eh.
Pumasok nalang ako sa room habang umiiyak pa rin.
"Oh my god Lavien! Bakit ka umiiyak?! Sinong may gawa nito sayo huh?! Sabihin mo at uupakan ko ngayon din! " galit na sigaw ng Bestfriend ko, si Klein.
Nagtitinginan na ang mga classmate ko sa gawi namin, panigurado.
Napaiyak naman ako lalo ng mas malakas.
" Ayan kasi, sinabi ko na ngang huwag ka ng manghabol kay Red pero ang tigas talaga ng ulo mo eh noh?! Ano ang napala mo ngayon?! "pangangaral naman niya na parang magulang ko lang peg.
" Anong nangyari Klein? Bakit siya umiiyak?"
" Ang OA talaga ni Vien, konting hindi pagpansin lang sakanya iyak na agad, ang emo ah! "
" Halla kawawa naman siya, ano bang nangyari? "
" Hindi ko rin alam, nakita kong umiiyak malang siya kanina nung pumasok siya dito sa room eh"
Ilan lang yan sa mga naririnig ko ngayon, yan pang mga kaklase ko? tsismosa yang mga yan eh.
"Vien sabihin mo sa akin kung anong nangyare"hindi ako umimik sa sinabi ni Kleng.
"Vien ano bang problema? tinulak ka ba?, sinipa?, sinabunutan? ayyy lalaki yun malamang hindi nananabunot hehe ang tanga mo talaga Kleng hindi ka nanaman nag iisip hay, ano nga? " pangungulit parin niya.
Inangat ko anng tingin ko sa kanya.
" Sa tingin ko ito na ang oras para tumigil ako sa kahibangan ko Kleng, hindi na kasi matanggap ng puso ko na hindi na talaga niya ako m-magugustuhan, ang sakit lang kasi ni simpleng 'hello' hindi niya ako mabati, ganun na ba talaga ako kapangit sa paningin niya ? palagi naman akong nag papabango kaya mabango naman ako, kapag hinahabol ko siya mukhang presentable naman yung itsura ko, nagt-tooth brush naman ako palagi kaya maango naman hininga ko, ano pa ba ang hindi niya dapat magustuhan sa akin? porke hindi na niya ako gusto kahit kaibigan manlang dapat bang ganun ang itrato niya sa akin? Hindi ko na kaya Kleng, pagod na ako, pagod na ang puso ko" mahabang lintanya ko.
Pero bakit sila tumatawa? Nakakatawa ba yung iyak ko?
"Sorry kung nakikita niyo akong pangit na umiiyak, eh sa hindi ko mapigilan eh, nakakita pa tuloy kayo ng pagtatawanan niyo "pagpapaumanhin ko sa lahat.
" Hindi kita crush"
May nagsalita sa likod ko, alam na alam ko kung kaninong boses iyon. Tumingin ako sa likuran ko kasi nasa likod ko yung nagsalita kanina.
Nakangiti siya sa akin. Nasasayahan ba siya na may umiiyak na babae dahil sa kanya? Masaya bang ipagtabuyan ang feelings ng isang tao? Ang sama naman ng ganun!
Umiiyak parin ako hanggang ngayon.
"M-masaya b-bang m-makasakit n-ng d-damdamin ng i-isang -t-tao? " lumuluha kong baling sakanya. Ang g*g* ngumiti pa?!
" Hindi kita crush, at mas lalong hindi kita gusto" nakangiti niyang sabi na parang nauulol dahil sa nakikita niya.
"Oo na! Tanggap ko na! Tanggap ko na na hindi mo ako crush, hindi mo ako gusto, kaha pwede ba huwag mo ng ipanglandakan sa pagmumukha ko na kahit kailan hindi mo ako magugustuhan!!!,tanggap ko na kaya huwag mo akong tawanan! nakakainis kasi na nakikita kitang ganyan eh, luha lang pala ang katapat para mapasaya kita, Red okay na sa akin yun, na mapasaya kita dahil lang sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Kung gusto mong tumawa pa ng mas malakas, ok lang, ok lang kasi mahal naman kita eh. Crush na crush nga kita kaya titigil na ako sa pagkakaroon ng crush say---"ang dami ng sinabi ko pero pinutol lang niya.
"Hindi kita crush Lavien....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.... hindi kita crush kasi Mahal kita, matagal na"nakangiti niyang sabi.
Lalo akong humagulhol sa narinig ko. Mahal niya din ako! Ang sarap sa pakiramdam.
***
*DyosaNaAstig*