Chapter 12

680 26 1
                                    

Chapter 12

Protector

"Banta nino?" Sabay sabay kaming tatlo napalingon don sa nagsalita. Nakalabas na pala ng dugout sina Donny at yung iba pa niyang teammates, pero yung shempre nagpunta lang sa amin yung tatlong magpinsan.

"Sino yung nagbanta sayo?" Tanong ulit ni Donny. Wala kasing sumagot dun sa una niyang tanong. Nagkatinginan lang kaming tatlo, kung sasabihin ba naman o hindi, kasi nga baka lalong lumalala.

"Si Jai." Nagulat ako sa kasi sinabi ni Miles. Tumingin ako sa kanya at tinignan ng "bat - mo - sinabi - look?" Ngumiti lang siya. Napalingon ako kay Donny kasi hinawakan niya yung braso ko. "Anong ginawa sayo ni Jai?" Seryoso niyang tanong. "Wala naman. May sinabi lang." Kabado kong sagot. Nakakatakot kasi yung tingin niya e. "Yung totoo Shar?" Tanong niya ulit.

Hinampas ko siya nang pabiro. "Ang seryoso mo naman masyado. Congrats nga pala! Galing mo!" Tatawa tawa ko pang sabi, para ma change topic. Tinapik tapik ko pa yung dalawa niyang pinsan tas sabi ng congrats. Ngumiti lang sila.

"Maguusap tayo mamaya." Bulong ni Donny at umalis saglit dahil tawag siya ng isa niyang teammate. "Ano ba talagang nangyari?" Tanong agad ni Nash, nung nakaalis si Donny. Kinuwento naman ni Sunny.

"Sira ulo pala yun e! Kaya pala kanina pa sa game tinitira niya si Donny." Gigil na sabi ni Robi. "Pasalamat siya, hindi dinadala ni Donny sa laro yung personal na buhay." Seryosong sabi ni Nash. "Mabait naman kasi yun si Jai, hindi ko talaga alam nangyari simula nung natuto na silang mag bar nila Alex." Totoo naman na mabait sila Jai, mahuhulog ba naman ako dun dati kung hindi?

"Nagiba lang talaga siya ngayon, at ayoko na yung ngayon." Seryosong sabi ni Miles. "Agree besh!" Sabi ni Sunny. "Wag na lang muna kayong maingay kay Donny, ako na magsasabi sa kanya." Sabi ko don sa dalawang magpinsan. Nag nod lang sila.

Dumating na si Donny, at nagkayayaan na kumain muna bao umuwi. "Saan tayo?" Tanong ni Robi. Nakasakay kami sa car ni Robi, at naka Montero ang kuya mo! Sosyal! "Kahit saan, basta nakakabusog." Sagot ni Miles. "Lahat naman sayo nakakabusog." Asar ni Robi. Nagtawanan kami.

Kinalabit ako ni Donny, kami kasi yung magkatabi sa pinakalikod. "Panget." Lumingon ako. "Hmm?" Sumeryoso bigla yung tingin niya. "Kwento mo na ngayon, please?" Palambing niyang sabi. Di ko narin natiis, kinuwento ko na sa kanya.

"Wag ka magalala, di ko hahayaan na malapitan ka nun. Akong bahala sayo. Wag kang matatakot don." Seryoso niyang sabi. "Salamat." Yun lang ang tangi kong nasabi. Nagbigay siya ng ngiti, na sobrang kita mo yung maganda niyang intensyon sayo. "I'm always here for you my superwoman." Bulong niya. "Likewise my protector." Bulong ko din.

Nakadating na din kami sa kakainan namin, Mang Inasal. Nag away pa si Robi at Miles, dahil don pero ang nagwagi ay si Robi. HAHA. "Tara na! Gutom na ako." Yaya agad ni Robi, pagbaba namin. "Madaling madali? Maghintay ka!" Asar na sabi ni Miles. "Sus! Alam ko namang gutom ka na, kaya bilisan mo na dyan." Dagdag pa ni Robi. Sasagot pa sana si Miles, nang awatin na siya ni Sunny. "Wag kana sumagot, totoo naman yon." Gatong pa niya. Nagtawanan kaming lahat.

Nagorder na kami at umupo na sa table. Habang hinihintay namin yung food, nagkwentuhan na lang muna. "Grabe! Ang galing niyo kanina." Sabi ni Sunny. "Oo nga. Lalo na tong katabi kong panget, grabe player of the game pa!" Sabi ko. "Sus! Bilib na bilib ka nanaman sa akin." Sabi ni Donny, sabay gulo niya sa buhok ko. "Pinuri na nga. Ganyan pa." Habang pinapalo ko yung kamay niya. "Edi thank you po!" Ginaya niya pa yung kay chichay na boses. "Akala mo cute ka? Wag mo na gagawin yon!" Tatawa tawa kong sabi. Tumawa kaming dalawa at nagtaka ako bat kami lang.

Right TimingWhere stories live. Discover now