♥ lovely lxx ♥

3.5K 23 4
                                    

Walang anumang tumatakbo sa utak ko. Para bang nablangko. Naging madilim ang lahat. Sumigaw ako. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko maintindihan. Ang tanging nararamdaman ko ngayon ay lungkot at takot.

Naglalakad ako ngayon sa sala malapit sa hagdan. Napahinto ako nang may natisod akong kung ano. Nang ibaba ko ang aking tingin ay nahagip ng aking mata ang bagay na nasa sahig. Nilapitan ko 'yon at pinulot.

"Sir, anong problema?" Itinaas ko ang aking tingin at nakita ko silang tatlo. Mukhang naalarma sila noong sumigaw ako.

"Wala sila," saad ko at kaagad na binawi ang tingin pabalik sa bagay na hawak ko. Noo'y isa lang ang naisip ko habang nakatitig sa cellphone ni Myz.

May nangyaring hindi maganda. Una, hindi naka-lock ang main door. Pangalawa, wala sila sa mga oras na dapat ay natutulog sila. Pangatlo, itong cellphone na naiwan niya. Kahina-hinala ang mga iyon kaya naman ngayon ay isa lang ang tumatakbo sa isip ko.

"Kailangan ko silang hanapin," saad ko. Tumayo ako at tiningnan sila. Tiningnan nila ang hawak kong cellphone. Muli ay tiningnan nila ako ulit at ang babaeng katabi nila si Laveen. Tumango siya at mukhang alam na niya ang gagawin.

Nandito kami ngayon sa labas ng bahay namin malapit sa sasakyan. Nakaupo si Laveen katabi ko samantalang si Roy ay nakasandal lang sa sasakyan, pinupunasan at nililinis ang Heckler & Koch P30L pistol na hawak niya. Itinututok niya pa 'to sa direksyon sa harap niya. Kinakalabit niya ang gatilyo at naririnig ko ang lagitik niyon. Gan'yan siya kapag may misyon kaming gagawin. Nagpapractice na siya kung paano niya babarilin ang mga kalaban.

Si Axl naman sa kabilang banda ay nakatayo malapit sa gate ng bahay namin. Kalmado lang habang hinihithit ang sigarilyo't ibinubuga ang maputing usok. Siniko ako ni Laveen at napatingin ako sa kanya.

"Okay na?" tanong ko. Mabilis siyang tumango. Napakahusay, sa tingin ko ay magdadalawang minuto niya lang sinet-up ang laptop niya.

Huminga ako ng malalim. Handa na ako. Gagawin na namin ang plano na napag-usapan kanina. Ikinonek ni Laveen gamit ang 'di pangkaraniwang USB connector at ngayon ay naka-ready na ang kanyang software na gagamitin.

Inunlock ko ang cellphone ni Myz at nang mapadpad ako sa call logs ay pangalan ni Homer ang nando'n sa pinakataad. Ibig sabihin ay si Homer ang huling nakausap at nakasama ng mag-ina ko. Siya rin ang isa sa mga miyembro ng sindikato na hinahanap namin, hayop siya. Sigurado akong may kinalaman siya sa pagkawala nina Myz at Jam.

Si Homer ang nasa pinaka-recent call at pinindot ko ang call button para tawagan siya. Hindi naman ako nabigo at makalipas ang ilang segundo ay sinagot niya ang tawag.

Tumingin ako kay Laveen at tumango ako. Indikasyon na kumagat sa pain si Homer. Tumango lang siya nang tumango at ibinuka ang bibig ngunit walang tunog na lumalabas. Naintindihan ko naman ang sinabi niya, kausapin ko raw si Homer.

Bago pa ako magsalita ay naunahan na ako ng demonyong nasa kabilang linya. "Huhulaan ko, ngumangawa ka ngayon!?" Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tumawa siya nang tumawa. Demonyong-demonyo ang tawa niya ngayon. Malayong-malayo sa Homer na nagpapanggap na mabait noon.

"Hayop ka, Homer! Sinasabi ko na nga ba? Sa'n mo dinala sina Myz at Jam?" Galit ang boses ko; hindi magawang kumalma at mapigilan ang nararamdaman.

"Hanapin mo!" sabi niya't tumawa na naman. "Magaling ka, 'di ba? Nalaman mo ngang ako ang kumuha sa kanila, tingnan natin ang galing mo."

"Hahanapin kita kahit saang lungga ka pa nagtatago!" saad ko bago murahin nang ilang beses.

"Bibigyan kita ng isang oras para hanapin sila at kapag sa loob ng isang oras ay wala ka pa--" Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil 'di ko na napigilang magsalita dulot ng labis na pagkagalit.

"Subukan mo, hayop ka! Kapag sinaktan mo sila, sisiguraduhin kong sa impyerno ang punta mo!" matapang kong sambit. Hindi siya sumagot at makalipas ang ilang segundo ay isang pamilyar na boses ang narinig ko. Boses ni Myz, sumisigaw siya at mukhang nasasaktan; nahihirapan.

"MYZ? MYZ!" nag-aalalang sambit ko. Hindi ako mapakali sa mga oras na 'to. Gusto ko siyang puntahan pero hindi ko alam kung saan. Gusto ko na siyang iligtas pero paano?

"Oops, sorry nasaktan ko siya. Masusunog na ba 'ko sa impyerno?" Lalong nagliyab ang apoy sa dibdib ko nang marinig ang boses ng demonyong 'yon.

"Hintayin mo 'ko at nang magsama na kayo ng kakambal mong si Satanas!" galit na sabi ko. Medyo dumidiin ang pagkakahawak ko sa cellphone. Tinapik ako ni Laveen sa braso at hinimas-himas nang marahan na parang pinapakalma ako. Tiningnan ko lang siya at kaagad ring binawi.

"Ohh! Nakakatakot naman. Sige na, paglilibangan ko muna ang asawa mo habang hinihintay ka."

"Hayop ka talaga! 'Wag na 'wag mong gagawin 'yan!" sabi ko na kahit alam kong wala akong magagawa ngayon para pigilan siya ay umasa akong parang tanga na pakikinggan niya.

"Ay! Baka hindi mo na pala kami maabutan, dahil dadalhin ko siya sa langit. Mmm-- Myz... ready ka na ba?" sabi pa niya habang tumatawa. Narinig ko na naman ang sigaw ni Myz na tila nagmamakaawa at nagpapasaklolo.

"Hello? Hello!" sigaw ko nang biglang maputol ang aming pag-uusap. He ended the call. "Fuck!"

"Gotcha! Heeyah!" masayang ani Laveen na parang nanalo sa lotto. Tumingin siya sa laptop saglit at nakita kong may pinindot. Noon ay nakaramdam ako ng pag-asa. Gumana ang first plan gaya ng inaasahan. Si Axl ay lumapit na sa amin at si Roy ay binuksan na kaagad ang pinto ng kotse.

"Chill your ass, A40+." Tumango pa siya matapos sabihin sa 'kin 'yon.

"Tara na! Kanina pa 'ko nag-iinit," saad ni Roy na nag-iintay sa sasakyan. Tumayo kami ni Laveen at kaagad na sumakay sa kotse. Ako sumakay sa driver's seat at habang nasa front seat si Laveen. Sina Roy ay Axl ay kapwa nasa backseat.

"Nandito na tayo," ani Laveen na kahit hindi naman tumakbo ay parang hinahabol niya ang kanyang paghinga.

Tahimik kaming bumaba ng sasakyan habang nakasukbit dalawang P30L pistols. Ako ang naunang sumugod at tahimik kaming naglalakad. Isang mansyon ang aming papasukin at sa tingin ko ay ito na nga ang kanilang hideout. Thanks to Laveen, na-trace niya ang location ng hayop na Homer na 'to habang magkausap kami sa cellphone kanina.

Mataas ang bakod. Gawa ito sa bakal at mukhang mahihirapan kaming pasukin ito kung hindi kami gagawa ng plano.

LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon