Xyra's POV
Late na akong gumising dahil doon sa nangyari kahapon, grabe talaga di pa ako makaget-over OMG.. Anyway tinignan ko muna ang sarili ko salamin baka kasi paglabas ko mamaya sa kwarto ko may kung ano sa mukha ko pagtatawanan na naman ako ni Mama, yan naman kasi ang gawain nya eh. >3<
Habang tinitignan ko ang mukha ko, napatingin naman ako bigla sa calendar ko na malapit lang din sa salamin ko. March 19, xxxx na pala grabe ang dali lang naman ng araw hay ilang weeks na lang graduation na namin at iiwan ko na ang school ko na talagang naging kaibigan ko ang lahat ng studyante sa buong campus.
Pero teka nga lang muna! Bakit ? ba't may pula sa March 19, anong meron?? hmm.. Ano nga bang meron sa 19 na yan?? Di ko maalala eh..
Isip.... Isip.... Isip.... AHA!!!
Yun nga, school festival pala ang last festival na idadaos namin as fourth year student. Yun nga hay buti at naalala ko, pero ano kaya ang mga bagong pakulo ng school. Last year kasi na school festival simple lang di sya masyadong bongga at sana naman this day bongga para naman memorable sa aming mga fourth year highschool.
Naligo agad ako para naman makapunta ng school, dahil sa kagustuhan kung malaman kung ano ang mga gagawin sa festival. Sayang dapat tumulong din ako kaso nga lang di ako masyadong updated eh! siguro wag na lang..
After kung maligo, bumaba na ako ng hagdan at diretso sa kusina naabutan ko mama na nagluluto pa ng almusal pero may natapos naman, agad akong umupo at kumain. Habang kumakain ako, napagisip-isipan ko ba't di ko imbitahin si Ivan siguro alam naman nya ito diba dahil sinabihan naman sya ng principal.
Hmm yun nga. Kailangan nyang makita lahat ng mga pinaghirapan ng mga studyante para lang sa school festival. hmm. :D
"ba't ang lapad ng ngiti mo dyan??" tanong ni Mama
"Ay ikaw talaga mama, bakit masama po ba??"
"Hindi naman, akala ko kasi natrauma ka dahil sa nangyaring holdapan kahapon??" sabi nya
Ay oo nga ano, kamusta na pala yun nakita na kaya nila kung sino ang nagholdap..??
"Ma, may alam po ba kayong bagong balita tungkol doon kahapon??"
"Wala pa baka mamaya, may dadalhing bagong balita ang papa mo.. Nakikipag-usap yun ngayon sa kaibigan nyang police. Kaya ikaw agahan mo na ang pag-uwi at wag ka nang sasama sama dyan sa mga kaibigan mo, naku mapapadali ang buhay mo nyan Xyra."
"Ikaw talaga mama, bakit bad influence po ba sila Shally at Stefan eh sila nga yung tumutulong sa akin always eh pag may kailangan ako. Wag naman po kayong ganyan."
"Oh sige na ikaw na ang tama, ganyan ka naman talaga palaging protective at caring sa mga kaibigan."
"Eh para ko na rin silang mga kapatid mama, lalo na ngayon yung bestfriend kung si Ivan mas ituturing ko pa yung close brother lalo na yung niligtas ako nun."
"Ganun ba, sige na kumain ka na baka malate ka pa sa klase mo."
"Wala po kaming pasok ngayon pero kailangan pa rin naming pumunta sa school since school festival."
"Oh sha sige na dalian mo na dyan."
"Ok po." sabi ko sabay subo sa kanin
After kung kumain, umalis na ako mamaya na lang ako makikibalita kina papa tungkol doon sa nangyari kahapon which is nasama din ako. Hay delikado na talaga ngayon dahil sa mga ganyan, grabe sila.
Nakarating na ako ng school, nadatnan ko naman sila Shally at Stefan na nag aargue na naman sa classroom. Hindi ko alam kung ano naman ang pinag-aawayan ng dalawang ito.

BINABASA MO ANG
My Boyfriend is A Hired Killer
Teen FictionWhat if yung pinakamamahal mo, yung pinagkatiwalaan mo ng sobra ang sya palang pumatay sa pamilya mo before ng high school graduation at isa sa mga hired killer na kinakatakutan ng mga residente sa ng inyong lugar. Bakit sya pa?? Iilan lang yan sa...