Chapter 1: Rogue
Sierra's point of view:
Agad akong nagtungo sa banyo at napahilamos ng mukha. Huminga ako nang malalim. May rogue na ba sa syudad? Paano nangyari 'yon?
“Sie.” Napalingon ako. “Ayos ka lang ba?” Tanong ni Charlie habang nakasandal sa pinto.
Humarap ako sa kanya. “Rogue iyon, Cha. Sigurado ako. Malakas ang pakiramdam ko na rogue 'yon.”
“Calm down.” Mabilis ang paghinga ko. “Alam ko rin 'yon. Halos sabay-sabay tayong lumaki, walang maitatago sina Mason sa 'tin.”
“'Yong kwento ni papa. 'Kala ko tapos na 'yon. Napatay na nila 'yong namumuno sa mga rogue. Bakit nangyayari pa 'to sa panahon natin?”
Nagkibit balikat siya. “Hindi ko alam, Sie. Malalaman lang natin sa mga susunod na araw.”
“Hindi tayo malayang nakakagalaw sa syudad. Paano natin lalabanan iyon?”
Nakatingin lang siya sa 'kin. Tulad ko, hindi niya rin masagot ang mga tanong. Napukaw ang diwa ko nang nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa.
“Puntahan ko lang si Whiskey sa may beranda.” Tumango na lang ako sa kanya bago sinagot ang tawag.
“Hello.” Naririnig ko ang hangin sa kabilang linya.
“Sie?” Napahinga ako nang malalim. “Anong balita? Nagpupulong sila dito pero wala kayo. 'Kala ko ba si Mason ang inatasan?”
Sasabihin ko ba na may rogue na sa syudad? Posibleng nakaabot na sa kanila ang balita— “Sie!”
“Yes, kuya. Still here. Sorry. Malalim lang iniisip ko. Uhm. La-late na ka-kasi ako nakarating sa Grill kasi may tinapos pa akong group project.”
“Nagsisinungaling ka. Anong nangyari?” Lumalim ang kanyang boses.
“Kuya Romeo.” Lumabas ako ng banyo at nagtungo sa sala. “Ma-may dalawang rogue na napatay nila Mason kanina.”
Napakagat ako ng ibabang labi nang marinig ang mabigat niyang paghinga. “Kaya pala nagpupulong sila papa dito. Kakaalis lang nila Golf. Hindi pa nga alam ni Quebec na dito siya sa Laelaps inatasang magbantay.”
“Magagalit siya kay Mason—”
“Ang Alpha ang nagsabi, Sie. Hindi siya makakapalag.” Humina ang kanyang boses.
“Si tito Logan.” Napatingin ako sa beranda nang maramdaman ang titig nila Whiskey at Charlie sa 'kin.
“Yes, Sie. Magpahinga ka na muna diyan. Sinabihan ko si Echo na alagaan ka habang wala ako sa tabi mo. I miss you. Staysafe.” Aniya, mabilis niyang binaba ang tawag.
“Kailangan natin pumunta sa lounge, Key. Kilangan natin maghanda. Hindi pwedeng iwan ng mga officials ang lugar natin.” Sabi ni Charlie.
“Babae kayo—”
“Oh shut up, Key! Damay-damay na lahat tayo dito. Kalahi niyo rin kami.” Nagtagis ang bagang ni Charlie. Agad akong lumapit sa kanya at hinaplos ang kanyang likod.
Magkababata kaming lahat pero si Charlie ang pinakamalapit sa 'kin. Magkaparehas kami ng gusto sa mga bagay-bagay kaya dito rin kami sa syudad nag-aral. Malapit din siya kay Whiskey, na matagal na niyang gusto at gano'n din siguro ang tingin ni Whiskey sa kanya.
“Come on, Cha. Don't be such a hardheaded.” Malumanay na sabi ni Whiskey.
“I'm not, Key.” Tugon naman ni Charlie.
Marahang tinapik-tapik ko ang kanyang likod. “Let's have a rest for now, Cha.” Tumingin ako kay Whiskey. “Dito ka muna, diba?”
“We don't need him, Sie! Kaya natin ang sarili natin. We know how to fight.”
BINABASA MO ANG
A Beast In The City
Hombres LoboLove doesn't exist until she came to his life... but the most uncertain battle is between a chaos mind and reticent heart.