Chapter 1

1 0 0
                                    

"Tumakbo kana, iwan mo na ako dito" sabi ng lalaking nakahandusay at naghihingalo habang naliligo sa sarili nyang dugo."Hindi kita iiwan! Please wag kang mamamatay!"sabi ng babae habang naiiyak." Huli na ang lahat para sa akin, magiging pabigat lang ako, gusto ko maging ligtas kang makarating sa headquarters"sagot ng lalaki.

Tumakbo habang lumuluha ang babae." Kate!!"sigaw ng lalaki, "lagi mong tatandaan mahal na mahal kita."

Habang nakikita ko siyang naglaho sa paningin ko.... alam ko na sa sarili ko na tapos na ang buhay ko. Mas nangingibabaw ang kasiyahan dahil alam kong magiging ligtas ang babaeng pinakamamahal ko. Maging masaya ka sana kahit wala ako.

Zach's P.O.V

Nagising ako mula sa isang panaginip. "Sino ung babaeng nasa panaginip ko?" . Biglang pumasok sa kwarto ko si Kimberly. Si Kimberly ang kumupkop sakin mula nung nagsimula ang malabangungot na mundong ito. "Gising ka na pala, hinahanap ka ni Nick may papagawa ata sayo."sabi ni Kim. "Sige susunod ako" ani ko naman dito.

Hindi na katulad ng dati ang mundong ito. Everyone is forced to kill. It is a struggle for survival. Kung ayaw mong mamatay kailangan mong pumatay. Siyempre hindi lang zombie ang problema dito dahil mas malaking problema ang pag aagawan ng supplies at hindi maiiwasan ang pagpapatayan.

Nagsimula ang lahat sa isang failed experiment na gumamit ng isang bangkay na naexpose at kumalat ang virus nito. Maraming areas ang naapektuhan at karamihan ang naging "zombie". At ang dating mapayapang mundo ay binalot ng bangungot at naghatid ito sa brink of extinction ng mga tao.

Narating ko ang office ni Nick, siya ang namamahala sa headquarters at kami ang mga CCZ ( The Commission of Counter Zombies) kami ang gumagawa ng extermination para ang mga taong pinoprotektahan namin ay di na kailangan pang pumatay na di ayon sa kanilang kagustuhan.

"Captain, pinatawag mo daw ako?"bungad ko sa kanya. "May bago kang mission, pupuntahan mo ung delivery supply natin para sa reinforcements dahil nakukulangan sila ng backup" sagot niya sakin. "Kulang ba ang mga taong nag eescort sa kanila??"tanong ko dito. "Inaambush sila ngayon kaya onti lang ung tao kaya kita ipapadala."seryosong sagot nito. "ANOOOO!! Inaambush na pala ung supply tapos di ko agad sinabi!! Haayyss pupunta nako dun." sabay labas sa pinto.

Dali dali akong lumabas sa office at kinuha lahat ng kailangan kong equipment sa kwarto ko at lumabas papunta sa main entrance. Pumasok sa isip ko nung una akong pumunta dito.
Naisipan kong sumali sa organisasyong to para tumbasan ang mga kasalanan ko.

Kasalanang pilit kong kinalimutan. Pero kahit anong gawing limot ay patuloy paring pumapasok sa isip ko. Nananatili parin akong nakakulong sa aking nakaraan at pilit akong nilalamon nito sa kasalukuyan.

Nagpatuloy na ako sa aking paglalakbay.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Author's Note:
Sana magustuhan nyo ung first chapter! Sorry kung medyo mahaba ung intro. And sana mag suggest din po kayo kung ano ung gusto niyong sunod na mangyayari.

Thank youuuu!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Can I Fall In Love In A Zombie Apocolypse?Where stories live. Discover now