Ang mundo nga naman. Minsan mahirap narin maintindihan kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa bawat tao. May kanya kanya problema na dinadala at ibat ibang paraan sa pagiisp ng solusyon.
"Andy, anak? Halika kakain na tayo umalis kana mula sa pagkakamukmok mo dyan sa bintana at baka ang bintana e magsawa sa lagi mong paghalumbaba dyan."
Tawag ni mama sa akin. Oo palagi akong nagmumukmok sa bintana ng aming bahay. Marahil ang bintana na ito na ang nakakasaksi sa lahat ng mga nagiging reaksyon ko. Mapasaya, lungkot, dusa, sakit at pighati na nararamdaman ko.
Marami na ring mga bagay ang nagdaan sa buhay ko. Nariyan na yung pagkakaroon ko ng boyfriends. I mean ex-boyfriends. At sa lahat ng naging ex ko, lahat sila, ipinadama sakin kung paano masaktan ng isang lalaki.
Heto. Ikukwento ko ang ilan sa kanila.
Si Joash na idinadaan sa flowers at chocolate ang paghingi ng sorry tapos uulitin din naman ang nagawang kasalanan.
Si Ashley na maaga din akong iniwan dahil sa sakit na cancer.
Si Aljon na sa text lang dinadaan ang kasweetan at ayaw sa personal
Si Levi na ikinakahiya ako bilang girlfriend niya.
Si Lavernie na ipinagpalit ako sa mismong bestfriend ko pa.
Si TonTon na nagbago ang ugali dahil nabaliw sa kakalaro ng mga online games at nawalan na ng oras sakin at para saming dalawa.Ilan lang sila. Oo aminin ko maganda ako kaya sabi nila marami daw nagkakandarapa sa akin pero hindi ko ipinagmamalaki iyon. Masakit lahat ng naging karanasan ko sa kanila pero sa ibat ibang paraan lamang nila ipinadama.
Lumingon ako sa hapag kainan at nakita kong ako na lamang pala ang hinihintay nila. Humakbang na ako palapit sa kanila para makakain narin dahil gutom na rin ako.
BINABASA MO ANG
The Dying Heart Of A Girl
Historia CortaDifferent reasons that makes me dying inside. April 1 2018- April 3 2018(Completed) Cover by: @Blinded_one Follow me: @Leshy_yellow