KABANATA 1

8 1 0
                                    

*Flashback 5 years ago*

University of Cordillera in Baguio City

"My friends keep telling me
That if you really love her
You've gotta set her free
And if she returns in kind
I'll know she's mine"

Mapait siyang ngumiti sa akin.

Malalim na titig at puno ng emosyong tila sinasabi direkta sa puso ko ang bawat salita ng kantang kasalukuyan nilang tinutugtog. Ang bandang 'Jacob' kung saan lead guitarist si Arthur ay tumutugtog ngayon sa stage ng auditorium namin.

Kabilang ang magkakabanda sa College of Engineering and Architechture at inimbitahan ang mga ito sa para mag perform ng intermission number habang nagbibihis ang mga representative ng bawat block para sa event na Mr. & Ms. CEA. Nandito halos lahat ng estudyante ng University of Cordillera para lamang mapanood ang performance ng banda nila Arthur.

'So tell me where do I start
'Cause it's breaking my heart
Don't wanna let her go.. '

Maingay dito kanina at dinig na dinig ko ang hiyawan ng mga kababaihan at iba pang estudaynte sa university noong hindi pa nag sisimulang kumanta ang banda nila. Pero ngayon ay napalitan na iyon ng nakakabinging katahimikan sa paligid. Malaki ang lugar na iyon. Malamig din ang paligid pero parang walang silbi sa dami ng tao sa loob ng bulwagan. May mga nagtitiyaga na din na tumayo na lang para makapanood sila sa performance ng banda.

Dinig ko ang palitan ng buntong hininga ng iba. Umikot ang paningin ko at nakita ang iba't ibang rekasyon ng mga kapwa ko estudyante. May mga nakatitig, may mga saklot saklot ang mga banner na hawak nila, may mga naghahampasan at may mga matang napapaluha.

Tulad ko, alam kong ramdam din nila ang tagos sa kaluluwa na hatid ng bawat lyrics binibitawan ni Jacob. Ang nakakalungkot na musikang gawa ng pinagsama samang instrumento nila. Ang ma emosyonal na hampas ng drumsticks ni Theo, ang bawat tipa ng piano ni Gab, at bawat strum at hagod sa strings ng gitara ni Arthur. Lahat ng bagay na nakikita at naririnig ko ay lalong nagpapasikip ng paghinga ko. Nakakalungkot. Nakaka-sakit ang buong paligid.

Nagpatuloy lang ako sa pagmamasid at pakikiramdam hanggang sa huminto ang paningin ko sa kanya. Ilang segundo din akong napatigil ng paghinga. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil para akong sinuntok sa sikmura ng magtama ang mga mata namin.

Napapikit na ako ng mariin dahil hindi ko kinakaya ang mga titig niya na iyon sa akin. Hindi ko kinakaya ang bumabahang emosyon na nararamdaman ko dulot ng kinakanta na iyon ng lead vocalist nilang si Jacob.

Nakakatawa.

Makungkot akong napangiti habang pinakikinggan ko ang bawat strum nya ng gitara na nagbibigay buhay musikang sinusundan ni Jacob.

Parang naiimagine kong si "Arthur" ko ang kumakanta ngayon. Kahit alam kong wala siya sa tono at hindi nabiyayaan ng talent pagdating sa aspetong iyon.

"Maybe my love will come back some day
Only heaven knows
And maybe our hearts will find their way
Only heaven knows
And all I can do is hope and pray
'Cause heaven knows"

Nakatitig lang kami sa isa't isa hanggang sa hindi ko na kinaya.

Marahas na akong napatayo mula sa kinauupuan ko at nag simula nang maglakad nang hilahin ni Joanna ang braso ko.

"Saan ka pupunta?" tanong sakin ni Joanna na may mapang-unawang tingin. Best friend ko siya at alam nito ang lahat lahat ng pangyayari dahil wala naman na kaming tinago pa sa buhay ng isa't isa.

"Sandali lang ako, CR lang."

Tumango si Joanna sa akin at saka pinisil ang kamay ko bilang paalala na nakasupporta siya para sa akin. Ngumiti siya ng tipid bago niya binitawan ang kamay ko at hinayaan akong umalis.

HEAVEN KNOWS (Broken Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon