*Flashback*
"Umalis na sila Amanda. Last show na nila Arthur yung kahapon sa College of Engineering. Halos magwala ang mga babaitang higad dahil nalaman na hindi na itutuloy ni Art ang pag aaral niya ng 4th and 5th year sa university."
Napairap nalang ako, hindi na ako nagulat dahil ang banda nila Arthur ang isa sa pinagmamalaki ng University of Cordillera kung saan kami nag-aaral. At ang malaking populasyon ng mga fans nila ang tinutukoy ni Peb na nalungkot dahil sa balitang umalis na si Arthur sa banda at hindi na nila ito makikita sa pasya nitong umalis ng lugar nila.
Nandito sila Joanna at Peb "short for Pebrero" sa bahay upang ibalita ang pag alis ng lalaking minamahal ko. Nasa loob kami ng kwarto ko at nagku-kwentuhan. O mas tamang sabihin na kinukwentuhan nila ako habang nagsisinop ako ng mga gamit at kung ano ano.
Alam ng dalawang ito na noong isang araw lang kami huling nagusap ni Arthur kung saan nag desisyon akong putulin ang kung ano mang namamagitan sa amin.
Tumingin ako saglit kay Joanna na nakaupo sa dulo ng kama na may yakap na unan at nakaharap sa akin. Binalingan ko si Peb na naroon naman sa sofa na may hawak na magazine. Pinagpatuloy ko muna ang ginagawa ko na pagliligpit saglit. Inabot ko pa ang frame na nakapatong sa maliit na mesa sa gilid ng kama ko bago ako nagsallita.
"Alam ko Jo, alam ko naman na ganito ang mangyayari kasama ito sa kalabasan ng desisyon ko."
"Hindi na ba magbabago ang isip mo? Pwede mo naman sabihin sa kanya ang totoo Amanda, oo masasaktan ka pero mag co-compromise kayong dalawa. Hindi lang dapat isa ang magdedesisyon sa isang relationship Amanda."
"Alam ko Jo, pero maniwala ka na lang din kagaya sa paniniwala kong kahit ano pa ang mangyari, kahit gaano kasakit pa ang maramdaman namin, it will be all worth it. Bakit? Kasi at the end of the day, pinili ko yun dahil alam kong iyon ang mas makakabuti hindi lang para sa kanya , kundi para sa aming dalawa."
Tumayo at nilapitan ako ni Peb at saka inakbayan.
"Jo, parang di mo naman kilala itong si Enero. Hindi naman yan nagdedesisyon ng isang bagay kung hindi niya pinag isipan ng mabuti."
Tinignan ko si Peb at inilapag muna sa box ang frames at iba pang abubot na nakuha ko sa kwarto bago ko siya nginitian at niyakap.
Nakisama nalang din si Joanna sa group hug. I'm just thankful that God has given me these two para makasama ko sa lahat ng ito.
Hapon na nang umalis ang dalawa sa amin habang ako naman ay patuloy pa din na nililigpit at sinisinop ang mga bagay na konektado at magpapa alala sa akin sa mahigit dalawang taon naming relasyon ni Arthur.
Narinig kong nag-riring ang phone ko mula sa kwarto, pero nandirito ako at abalang abala sa attic para ilagay at itago ang mga gamit na iniligpit ko kanina.
Inilibot ko ang paningin sa attic namin. Buti nalang at name-maintain ng mga kasambahay namin ang kalinisan ng bahagi na ito ng bahay. Ito lang ata ang attic na walang alikabok. I smiled at that thought. Pero napalitan din ng inis.
Naiinis ako dahil hindi tumitigil ang pag ring ng telepono ko kaya nagmadali ako sa pag baba dahil sa iniisip ko na baka importante ang tawag na iyon.
Hindi sinasadyang napigtas ang bracelet na suot ko nang sumabit ito sa nakausling pako sa railings ng hagdanan pababa sa kakamadali. Parang bigla akong kinabahan. Naalala ko si Arthur.
Pinulot ko iyong bracelet at inis na inis sa kung sino man ang tumatawag ngayon. Siguraduhin lang nila na importante yung itinawag at na bigyan pa ako ng alalahanin kung pano ipapa-ayos ang napigtas na bracelet.
BINABASA MO ANG
HEAVEN KNOWS (Broken Series 1)
General FictionAnd they can't understand, what hurts more- Missing the other person, or pretending not to. Khadija Rupa, Unexpressed Feelings