Please read my story and remember to follow, vote and comment. Thank you :-)
__Abala ako sa paghahanap ng damit na maisusuot para sa kasal nina Anton at Camille. Nawala na sa isip ko iyon dahil naging busy kami ni Seb pag-aasikaso sa cafe, next week na ng opening namin kaya naman abala kami.
Mabuti na lamang at tumawag siya kanina para ipaalala ang tungkol doon. Ipinaalam niya rin na mint green ang motif sa kasal at kailangang formal attire ang suot ng mga bisita. So, it means kailangan kong magsuot ng long gown kahit hindi naman ako kasali sa entourage ng kasal.
Bakit naman kasi kailangan formal pa, bisita lang naman ako. Pero wala naman akong karapatang mag reklamo buti nga inimbita pa ako. Napaupo na lang ako sa kama ng wala akong makitang damit na pwede kong magamit sa kasal.
Nadampot ko ang cellphone ko at naisip kong tawagan si Seb. Hindi nagtagal at sumagot siya agad.
"Hello Thea!" aniya sa kabilang linya, "napatawag ka?" masiglang tanong niya, hindi ko man siya nakikita ngunit batis kong nakangiti siya.
Napangiti na rin ako. "Ano kasi..." panimula ko pero di ko na alam ang isusunod, "kasi ano" ani ko at huli na ng mapagtanto ko na binaliktad ko lang yung una kong sinabi. Napakamot na lang tuloy ako ng noo.
Narinig kong tunawa siya sa kabilang linya. "Ano 'yon Thea? May problema ba?" kalmadong turan niya.
"Wala pa kasi akong isusuot para sa kasal nila Anton at Camille" diretso kong sagot, baka kasi busy s'ya at nakakaabala na ako. "Kung hindi ka busy magpapasama sana ako sayo na bumili ng damit" pagpapatuloy ko.
"May meeting pa ako mamayang alas tres pero baka sandali lang naman 'yon. Hintayin mo na lang ako mamaya susunduin kita" sabi niya. Napangiti naman ako sa isiping makakasama ko na naman siya.
"Ikaw may isusuot ka na ba?" tanong ko naman.
"Yes, may isusuot na ako. Provided nila ang isusuot ng entourage. Para souvenir na daw nila" tugon niya.
"Gano'n ba, sige baka may gagawin ka pa. See you later!" masiglang paalam ko sa kanya bago ko putulin ang linya.
Nayakap ko naman ang cellphone ko habang inihihiga ang likod ko sa kama habang ang paa ko ay nanatiling nakasayad sa sahig. Napangiti ako, hindi ko alam kung bakit. Kilig ba ang tawag dito o kabaliwan? Whatever basta masaya ako, wala naman sigurong masama. Bahagya kong iniangat ang cellphone sa dibdib ko at sinulyapan ang oras, 02:07PM ang oras doon. Malapit na ang meeting niya.
Tumayo na ako mula sa pagkakahiga, at muling hinarap ang cabinet upang maghanap ng isusuot para sa lakad namin ni Seb. White oversized sleeveless shirt na may hood at black leggings ang napili kong isusuot para komportable ako. Paparisan ko na lamang iyon ng flat white sandals. Wala pa man ay excited na ako. Maayos kong inilagay iyon sa ibabaw ng aking kama bago ako bumaba.
Dumeretso ako sa kusina para hanapin si Nanay Lilian pero sinalubong ako ng mabangong amoy ng butter bigla tuloy kumalam ang aking tiyan. Napaka-bango ng amoy, at nakakatakam talaga. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti habang nakapikit na sinasamyo ang mabangong amoy.
"Oh hija nariyan ka pala" nakangiti namang bati ni Nanay Lilian. "Sakto ang pagbaba mo malapit na akong matapos dito, hala sige maupo ka muna d'yan" aligaga na naman siya sa pag-asikaso sa akin.
Wala naman akong magawa kundi sundin ang sinabi niya hanggang sa maihain niya sa aking harapan ang niluto niyang classic pancake kasama ang butter at asukal.
Naupo na rin siya sa upuan na katapat ng sa akin. Agad akong naglagay ng umuusok pang pancake sa plato ko, saka ko itong pinahiran ng butter sa ibabaw na agad namang nalusaw sa init at para sa final touch binudburan ko ito ng asukal. Halos mapunit ang labi ko sa pagkakangiti habang ginagawa ang mga iyon.