Chapter 1

12.7K 377 18
                                    

"Dad, do we really have to move in?" I asked. This is the nth time I asked him . Paulit-ulit lang ang nagiging sagot niya.

"Elli, this is for us. Hindi kami makakapampante hangga't 'di tayo nakakaalis dito. Nag-aalala ang mommy mo at pati na rin ako. I understand how important this house is to you, but we value you more than this house that we are willing to leave this place."

"I have no choice, right?"

He nodded. "Yes."

Muli kong tiningnan ang bahay bago ipasok ang mga gamit sa loob ng sasakyan. Hindi nakaligtas sa akin ang mga bodyguards na kasama namin sa paglilipat ng bahay. Ang dami nila bigla... ibig sabihin ay ganoon na talaga kalala ang death threats na nagmumula sa mga Briones.

Ilang oras din ang naging biyahe namin papunta sa lilipatan na bahay. Sa gate pa lang ay halata nang mahigpit dahil hindi na nakapasok ang bodyguards namin sa loob.

"Are we safe here without them?" I asked dad. Abala ito sa kanyang laptop.

"Yes."

Nakaabang na si mommy sa labas ng bahay namin. Mom's warm smile welcomed me as I got out of the car. Binigay ko kay Nanay Lida ang mga gamit ko. Humalik ako sa pisngi ni mommy at pinagmasdan ang bago naming bahay.

"Maganda?"

Lumingon ako kay mommy na pinagmamasdan din ang bahay. She looks so content and at ease. Parang nabawasan ang problema niya.

Wala pa masyadong furnitures ang bahay nang makapasok ako. Pero paglabas ko ng veranda ay nahanap ko na agad ang paborito kong tatambayan.

"Rice, please." utos ni Daddy. Pagkatapos kasi ilapag ang mga gamit ay nagpasiya muna kami kumain ng lunch.

Mommy obliged. Nilagyan niya din ako ng kanin at ulam. Kasabay namin kumain si Nanay Lida na tahimik sa tabi ko. Ramdam ko ang pag-alala niya sa sitwasyon namin.

Pagkatapos kumain ay pumunta na ako sa kwarto ko. My room is still empty, and all of my things are still in boxes and luggage. Pumasok si Jela, Nanay Lida's nephew. Ngumiti ito sa akin at sinimulan na ayusin ang mga gamit ko. I'm too tired to fix my things so I decided to sleep.

Nagising ako sa sinag ng araw. Medyo masakit pa ang ulo ko kaya nakapikit kong kinapa ang cellphone sa ilalim ng unan.

I slowly rise from bed and notice that the room is unfamiliar to me. Then my vision began to clear, and I noticed an unfamiliar man beside the door.

Unti-unting nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang nangyari.

I've been kidnapped!

"Kagigising niya lang, sir. Yeah–haha! I smell something trouble right now the way she looked at me. Yes, yes. I'll take care of her. Okay. Goodby–"

Tinakbo ko ang distansya namin ng binata at mabilis na kinuha ang phone. Kaluskos na lang ang narinig ko bago mawala ang linya.

"Hello?"

The man infront of me let out a soft chuckle. I glared at him. Itinapat ko sa kaniya ang cellphone.

"Nasaan ako? Tauhan kayo ng mga Briones?" He didn't answer.

"Tyler nasaa–woah, the sleeping beauty is now awake."

Nilingon ko ang nagsalita. His blonde hair made me pissed. He's the one who knocked me off! Akmang lalapitan ko siya nang iharang 'nong Tyler ang sarili niya.

"Oops. No touching." He smiled devilishly.

I scoffed. Matapos nila akong tanggalan ng malay kanina, ako pa itong bawal hawakan sila! Bakit? Natatakot sila? Hinagis ko ang cellphone sa pader at alam kong nabasag iyon.

"W-What the fuck?"

I smirked. "Oops. Sorry." Humalakhak ako. "Mukhang binayaran naman kayo ng Briones. May ibibili ka pa naman ng bago. Unless, 'di pa fully paid?"

Nakita ko ang pagtaas ng labi ni Tyler. May ibinulong ito sa blonde na lalake. Lumabas ang dalawa at naiwan ako sa loob ng kwarto. Narinig ko pa ang pag lock nila sa pinto.

Nawala ang ngisi ko nang makalabas sila. Unti unti na akong binalot ng takot. Nangingilid na rin ang mga luha ko. I was just trying to look brave in front of them. Kapag nakita nila ang takot, mas magiging madali sa kanila ang gamitin ako.

I am Elliquette Marie Sarsiego. Hindi dapat ako natatakot. Alam kong ginagawa nila mommy at daddy ang lahat. But the thought of my mother crying out of worry made me sad. Also, Nanay Lida. Knowing her, I know she's blaming her self.

Ngunit nagtataka ako kung paano sila nakapasok. Our village's security is really tight. I know since some privileged families live there. And they've been living there for a long time with no incidents like this. Sigurado ako dahil imposibleng piliin ni daddy ang lugar na iyon kung hindi protektado. Ako lang talaga. Ganoon na ba karami ang koneksyon ng mga Briones?

Inilibot ko ang tingin. Plain ang kwarto na ito at iisa lamang ang bintana. 'Di naman ito katulad ng mga napapanood ko sa movies na abandonado ang lugar. Lumapit ako sa glassdoor at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang dalampasigan. Tahimik at tanging ang mansyon lang ang nasa lugar na ito. I kinda expected this. Matalino sila at dinala ako kung saan sa 'di pag-iisipan ni daddy. But I believe they are doing their best now to find me.

Bumaba ang tingin ko. Nasa second floor ako at kung susubukan kong tumalon ay 'di na ako makikita pa ng mga magulang ko. Mataas at hindi ko para ibuwis ang buhay ko para rito. Bumuntong hininga ako. Marami pa naman sigurong paraan.

Lumingon ako nang bumukas ang pinto. Pumasok ang pamilyar na binata. Nahanap niya agad ako. Kahit na kinakabahan ay pumasok ako sa loob.

Bumaba ang tingin nito sa aking suot. Ngayon, nagsisisi ako na ito ang napili kong suotin. Suot ko pa ang sports bra at leggings!

Umupo ako sa kama at itinago ang kalahati ng katawan sa comforter. I'm not comfortable around him. Itsura pa lang, hindi na katiwa-tiwala.

He licked his lower lip. I saw a small silver metal in his tounge, probably a piercing.

"Are you comfortable here?" He asked.

I only stared at him. Hindi dapat ako sumagot sa mga tanong niya. Malay natin na barilin ako nito kapag mali ang sinagot ko. Pero wala naman siyang baril or kahit na anong armas. Nakasuot lang siya ng black tshirt at dark blue na trouser pants. Lumipat ang tingin ko sa braso niya. He has full sleeve tattoo on his right arm.

Nag iwas ako ng tingin at inabala ang sarili sa pagtitig sa labas. Hindi ko na lang papansinin ang isang 'to. Hahayaan ko na lamang siya tumayo na lang at mapagod.

He sighed heavily. "Kahit subukan mo pa na tumakas, hindi ka makakaalis dito. Kaya... wag ka nang mag abala pa mag plano ng pagtakas."

Nanatili akong nakatingin sa labas. Ngunit naapektuhan ako sa kaniyang sinabi. It feels like this is the end. Does the Briones won this fight?

"Magkano ang binayad sa'yo? Name it. My family can pay for it. Doble pa!" desperado kong sabi, nangingilid na ang luha.

Natigilan ako nang tumawa ito ng malakas. Para bang isang katatawanan ang sinabi ko.

Tumigil ito sa pagtawa at humakbang palapit sa akin. Bahagyang nanlaki ang mata ko. Naramdaman ko ang takot kaya halos idikit ko na ang sarili sa headboard. Mas lalong lumapad ang ngisi niya. Tumigil siya sa gilid ko, tinatanaw ako. Para akong isang hayop na nahuli sa masamang gawain. Humalukipkip siya kaya mas lalong na depina ang laki ng kaniyang braso. Pakiramdam ko ay kaya niya akong ihagis sa labas!

I held my breath when he leaned down. Itinukod niya ang dalawang braso sa magkabilang gilid ko. He tilted his head and pursed his lips. I can smell the mix of alcohol and mint on his breath.

"I don't need your money, sweetheart." He caressed my hair. Pumiglas ako at lumayo. Mas lalo lang lumapad ang ngisi niya.

"If you want to live, don't make me upset, do you understand?"

I looked away, avoiding his stares. Nakahinga ako ng maluwag nang tumayo ito. Muli kong ibinalik ang tingin sa kaniya.

"I h-hate you." I whispered.

He smirked. "I like you, too."

My Pervert Kidnapper (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon