Part 21

3.2K 99 0
                                    


Umalis na ang apat sa beach na pinuntahan nila, ipinagpasalamat ni Lia na makakauwi narin siya sa wakas.

Tumanggi siyang ihatid siya ni Kurt hanggang sa bahay nito, wala naman nagawa ang binata.

Nang makarating si Lia sa bahay niya ay agad siyang nagtungo sa kanyang silid tumawag siya sa pamilya niya para mangamusta, saglit lang iyon dahil may inaasikaso ang kanyang mga magulang sa flower business nila.

Dalawang araw na hindi lumabas ng bahay si Lia, nagkulong lang siya, nagbasa, naglinis at kung ano ano pa, madalas rin niyang tawagan ang kanyang mga kapatid.

Napabalikwas si Lia ng may marinig na katok hindi sa pinto sa baba kundi pinto sa mismong kwarto niya, kinilabutan siya dahil hindi niya mawari kung paanong nakapasok ang kung sino mang nilalang sa bahay niya. Wala sa isip na napatingin siya sa orasang nakasabit sa dingding. Alas onse na. Naghanap siya ng pwede niyang gamitin pang depensa. Naalala niyang may alcohol siya na de'spray oo nakakatawa pero mahapdi rin ito kapag naspray sa mata. Agad niya itong kinuha sa kanyang cabinet. Nanginginig ang boses niya nang magsalita siya.

"Who-who's there!" sabi niya sa malakas na tinig para masigurong naririnig siya ng taong nasa labas ng pinto.

Imbes na sumagot ay kumatok uli ito. Tinatagan ni Lia ang loob niya.

"Sino ka! anong karapatan mo para pumasok sa bahay ko?! wag na wag kang magkakamali dahil may baril akong hawak!" nilangkapan niya ng galit ang tinig niya. Napamulagat siya ng magsalita ang nasa labas ng kwarto niya.

"Ako ito." tinig ni Kurt.

Nag alangan siya ngunit nagdesisyon na buksan ang pinto. Dahan dahan niya itong binuksan.

"Ba-bakit ka naririto? at paano ka nakapasok?" takang tanong niya. May naamoy siyang alak mula sa lalaki kaya wala sa sariling napaatras siya.

"Don't be scared, wala akong gagawing masama saiyo. Ang gusto ko lang ay ang makita ka."

"Nakainom ka.." pabulong na sabi ni Lia, hindi man niya aminin ay wala siyang tiwala sa lalaki.

"Malinaw ang pag iisip ko Lia..gusto lang kitang makita love.." humakbang ito palapit sa dalaga, napaatras pa lalo si Lia  hanggang sa wala na siyang aatrasan dahil kama na ang nasa likuran niya. Napalunok siya at nahirapang huminga.

"I—I'm so sorry pero kailangan ko ng magpahinga, umuwi ka na Kurt, I promise makikipag usap ako sayo bukas..please leave." nataranta siya ng hawakan ng lalaki ang kanyang mga balikat.

"I want you Lia." lakas loob na sabi ng lalaki na ikinabigla niya. Kumawala siya sa mga hawak ng lalaki pero mas lalong humigpit ito. Gusto na niyang maiyak sa takot lalo na nang simulan siyang halikan ng lalaki agad siyang nag iwas at ang halik nito ay napunta sa kanyang leeg, sinikil siya nito ng halik, nagpumiglas si Lia at hindi na niya pinigilan pa ang mga luhang bumabadya sa kanyang mga mata, wala ring saysay kung magtitili o magsisigaw siya dahil wala rin namang makakarinig sakanya.

Hindi niya akalain ang lumabas sa kanyang mga labi.. "Top.." ang sabi niya. Narinig ito ni Kurt dahilan kaya ito tumigil. Galit at lungkot ang nakikita ni Lia sa mga mata nito. Binitawan siya nito maya maya at walang sabi sabing umalis.

Nanginginig pa sa takot si Lia kahit halos isang oras na nang makaalis si Kurt sa bahay niya. Kanina pa umaagos ang mga luha niya at wala siyang balak na patahanin ang kaniyang sarili.

Her mysterious neighbor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon