Li Anna
Andito na kami ngayon sa bahay nina Trisitan, specifically sa music room niya. Sound proof kasi dito. Kami lang magkakabarkada ang nandito dahil yung parents niya at baby sister andun ngayon sa bahay kasama ang parents ko.
Kinuha ko na ang Listahan ng schedule nila at chineck kung mai dapat ba papalitan
"Guys I need your attention please" sabi ko. Pumunta naman sila sa couch para umupo at makinig
"Okay so medyo may adjustments lang tayo. So this Saturday you have a gig at west point and this Sunday naman ininvite kayo ng MCU para tumugtog sa kanilang University week. So ano tatanggapin niyo ba ang invitation or hindi?" Tanong ko
"Ano sa tinging mo Yu?" tanong ni Young ky Tristan
"I don't have any problem with it. Kayo baka mai mga plans kayo this Sunday" Tanong niya sa iba
"Okay ako sa Sunday wala naman akong gagawin sa bahay"- Taff
"Ako may appointment ako sa dentist ko sa Sunday. Anung oras ba kami pupunta sa MCU Anna?"-tanong ni Feng
"Mga 3 pm pa naman Mark" sabi ko
"Ganun naman pala eh pwedeng pwede ako"-Feng
Okay ako sa Sunday"-Young
"Ako rin"-Ryan
"Then it's settled. Tatawagan ko na lang mamaya ang Council pres. nila para masabihan na pupunta kayo.
"Anything else buddy?" Tanong ni Tristan
"Nope that's all for now"
"Well then mga ulol magsitayuan na papraktis na tayo" –Tristan
Kaming mga girls pumunta na lang sa kitchen para gumawa ng snacks
"So Anna ano na, wla ka pa rin bang balak umamin ky Tristan?-tanong ni Mika habang paupo sa isang stool malapit sa kitchen counter
"Oo nga Insan, tagal mo nang tinatago yan. Baka maunahan ka pa ng ibang babae hala ka" –Hannah
"Ano bah kayo marami na nga ang nauna sa akin diba"-Ako
"Haha tama Hannah madami na nga ang naunang mag confess kay Tristan parang every week nga meron diba Anna?"
Tumango ako eh tama naman kasi ang sinabe ni Mika, parang every week may nagcoconfess na babe sa kanya pero lahat tinurn down niya. Ewan ko nga to sa bestfriend ko, ang gaganda naman ng mga babaeng nagconfess.
"Lahat na girls na nag nagsabi ng nararamdaman nila ky Tristan busted baka Insan Ikaw ang hinihintay niya na mag confess" –sabi ni Insan sabay taas kilay
"uyyy baka hinihintay ka niya bessy"-kilig na pagkasabi ni Mika tapos tumawa
"tigilan niyo nga ako baka may makarinig"
"buddy" Parang bigla naman tumigil ang puso ko sa pagkarinig ko ng boses na yun. Naku po! Baka narinig niya nga ang usapan namin lagot!
Unti-unti ko siyang hinarap
"y-yes buddy?" shucks natuyo ata ang lalamunan ko sa lakas nang tibok ng puso ko.
May binabasa siya sa papel nung tinignan niya ako napakunot naman ang noo niya
"anong nangyari sayo?"
"H-hah?"-Ako
"Bessy namumutla ka"- pabulong sabi ni Mika
"A-ah wala lang to buddy n-nag text kase si ah-si Kayla, oo si Kayla na medyo may problema ang council namin kaya ayun" bigla ko kinuha phone ko at tinuro-turo, di naman niya alam na lowbatt ehh. Napatangu-tangu na lang siya
"ganun ba"- Tristan
"Hmm mmm" napatango rin ako ng ulo medyo mabilis nga lang. Naku po nakakahilo pala to
"pfft" kita ko sa pherephiral vision ko na pulang-pula yung dalawa sa pag-pigil ng tawa nila
"Ba't nandito ka nga pala buddy diba nagpapraktis pa kayo" sabi ko
"ahh kukuha kase ako ng tubig"- sabi niya and kumuha ng tubig sa fridg tapos dumeretso na palabas ng kitchen. Nung nakita namin na umakyat na siya di na pinigilan ng dalawa ang tawa nila. Mga langya talaga ohh pinagtawanan pa ako
"Ahahaha grabe Insan nahiya na ata ang patay sayo ahaha"
"Sobrang pamumutla mo bessy ahaha"-Mika
"Mga traitors kayo di niyo sinabi na nandun pala siya!" Pinagbabato ko sila ng mani na nakuha ko sa counter pero ayun tawa parin ng tawa kahit nababato na. Sheeet baka narinig niya nga ang usapan namin T____T
"relax lang Insan di niya narinig yun."
"Tapos ka na sa pagsasabi nung pumasok siya kaya di niya naman siguro narinig bessy"
"Come on gawa na tayo ng sandwich"-Insan
---------------------------------------------------------------------
Mika's picture above

YOU ARE READING
Always and Forever You
Roman d'amour(May contain X rated scenes as you go through the story) Li Annah Mae Cheng, Isang medical student na inlove sa kanyang bestfriend na si Tristan Yu. Matalino, masipag at tahimik na babae na may mga mabuting mga kaibigan, Pero may isang problema. Inl...