Tapos ng mag empake si Lia, balak na niyang bumalik ng New York. Matapos niyang mag empake ay agad siyang tumawag sa pamilya niya. Nasa balcony siya ngayon ng bahay niya."Yes mom, aayusin ko lang po ang problema dito. Yes. Ipapadala ko kay tita..yes.." ilang saglit pa siyang nakipag usap at ibinaba na niya ang kanyang cellphone.
Huminga siya ng malalim at nagsimulang maglakad.
Nagulat si Lia ng makasalubong niya si Top. Nagtitigan sila ng binata, nailang siya sa paraan ng pagtitig nito sakanya kaya agad rin niya itong binawi ang pagtitig niya.
Lumapit sakanya si Top. "Papunta ako ng bahay mo." sabi nito sakanya. Nag angat siya ng tingin dito.
"Ako rin papunta ako sa bahay mo." sabi niya.
"Really? why?" takang tanong ng binata.
"Ibebenta ko na ang bahay sayo. Babalik na ako ng New York." sabi ng dalaga. Ngumiti siya sa lalaki. Kahit papaano ay ayaw niyang makaaway ang lalaki kahit sa huling pagkikita man lang nila. Nakadama siya ng lungkot, huling beses mo nang makikita ang taong minahal mo ng sobra sa kaunting panahon naisip niya.
Kumunot ang noo ng lalaki. "Hinahanap na nila ang modelong si Herlia?" may galit sa tono ng lalaki na ipinagtaka ni Lia.
"Hindi, gusto ko lang bumalik sa pamilya ko. Ayoko ng maging modelo, mag aaral ako at tatapusin ko ang pag aaral ko." pinanatili niya ang ngiti sa mukha niya.
"Lover boy?"
"Huh?" takang tanong ni Lia.
"Maliban kay Kurt may nag aantay pa sayo sa ibang bansa?" nang uuyam na tanong nito.
Pumikit ng mariin si Herlia. "Excuse me? anong ibig mong sabihin? sabi ko babalik ako roon para mag aral. Mahirap bang intindihin yun?" naiinis na sabi ng dalaga.
"Yeah, mahirap intindihin, bakit ngayong tanggap ko na at nalinawan na ako sa pagtingin ko sayo ay ngayon ka naman aalis. Sa tingin mo ba makakaalis ka pa?" madiin na sabi nito.
Napatitig lang si Herlia sa lalaki. "Pe-pero si Kylie—"
"Umalis na sila, nakipag hiwalay si Kylie sakin mismo at sinabing alam niya na mahal kita dahil napaka obvious raw ng damdamin ko sayo. Pero nagtataka ako bakit hindi mo napansin kung ganoon sweetheart?" sabi ng lalaki.
Hindi gaanong pumapasok sa utak ni Lia ang mga sinasabi ni Top. Umiling siya ng marahan. "Hindi kita maintindihan."
"I love you." mabagal at madiin ang pagkakasabi ni Top sa mga katagang iyon. Napakurap kurap si Lia at hindi nagsalita.
Bumuntong hininga si Top at saka lumapit sa dalaga at binigyan ito ng madiin at matagal na halik.
"Ayan.. naintindihan mo na?" tanong ng binata.
"Marami akong tanong.." sabi ni Lia na nagpakunot ng noo ni Top.
"Sure. Pero bago ka magtanong gusto ko munang sabihin na magpapatayo ako ng plantation dito sa lupaing nabili ko, magpapatayo ako ng mansyon sa centro ng lupain na ito at doon kami titira ng mapapangasawa ko, at. ikaw. iyon." Nagbuga ng hangin si Lia at saka napayakap kay Top. Maya maya ay bumitaw rin ito.
"Sabi ng mga tindera isa kang sindikato." natawa ng malakas si Top.
"Yeah? minsan masarap ring manloko ng tao at hayaan silang isipin ang gusto nilang isipin, and by the way wala naman akong pakealam sakanila at lalong wala akong panahon para makipag usap at makipagkaibigan sa kung sino mang tao dito." hinawakan ng binata ang ilong ni Herlia.
"What else? anong pang tanong mo?" iiling na sana si Lia ng mapansin ang pasa sa kaliwa nitong mata.
"Ano yan?" hinawakan nito ang pasa ng lalaki.
"Ahhh..mahirap paalisin ang taong kaagaw ko sayo kaya kami nagkasakitan, and guess what? hindi raw siya titigil hangga't hindi ka napapasakanya. Now. Choose. Ako o si Kurt?"
"Bakit kayo nagkasakitan hindi ba ay magkaibigan kayo?"
"Ako o siya?" tanong uli ni Top na mariing nakamasid sakanya.
"Siyempre ikaw sino—" nawala na ang iba pang sasabihin niya dahil inangkin na muli ni Top ang kanyang mga labi.
————WAKAS————
Sana po kahit papaano ay nasiyahan kayo sa pagbabasa. Pangalawang kwento ko po ito na natapos.
Actually noong sinusulat ko ito ay naisipan kong magsulat rin ng kwento ni Kurt.
(Waitress)
Sana po mabasa niyo rin iyon.Salamat!
Hugs and kisses
Gil mendoza ♥
BINABASA MO ANG
Her mysterious neighbor (COMPLETED)
RomanceIsang modelo sa US si Herlia Glass, kaso dahil sa mga maling nagawa niya ay agad siyang lumaos, nagpasya siyang umuwi ng Pilipinas at magpunta sa Baguio, kaso imbes na matahimik at makapag pahinga ay mas lalong nagulo ang isip niya nang makilala niy...