MY KNIGHT (unedited version)
ni Precious Julienne Sabino
Ang kanilang mundo ay nakahati sa dalawang kaharian.
Kaharian ng Orechaedia.
Sa kahariang ito, lahat ng mga naninirahan dito ay makapangyarihan at immortal. Pinamumunuan ito ng reyna at hari. Ang reyna at hari ay may kanang kamay na fairy-god mother na silang maaring magbigay ng babala kung may masamang mangyayari at nabibigay kahilingan sa gusto ng reyna at hari o 'di kaya sa prinsesa o prinsipeng anak ng mga ito. Sa kaharian ding ito ay may mga knight na nagsisilbing tagapag-protekta ng kanilang kaharian.Kaharian ng mga Tao.
Sa kahariang iyon, mga normal na tao at mortal ang naninirahan. Mahirap manirahan doon dahil kailangan ng sipag at tiyaga para mabuhay.LABING-pitong taon na ang nakalipas simula nang magkasundo ang reyna at hari ng Orechaedia sa mga tao na kailan man ay hindi na dapat sila nagkakaroon ng interaksyon sa isa't isa dahil magugulo lang ang payapa nilang mundo. Ngunit, dahil nagkaroon na ng kaibigan ang anak ng hari't reyna na mortal ay hindi na nila napigilan ang kanilang anak na makipagkaibigan sa taong iyon.
"Ciarra!" Tawag ni Clyde sa mortal niyang kaibigan. Nasa bakuran sila ng bahay nila Ciarra, tuwing Sabado lamang sila nagkakaroon ng pagkakataong mag-usap at mag-kasama.
"Oh bakit Clyde?" Nakangiting tanong ni Ciarra. Masaya si Ciarra sa mga oras na 'yon dahil kakasabi lang sakanya na siya ang nanalo sa naging patimpalak ng reyna.
"Nanalo ka raw sa kompetisyon na inihanda ng aking ina't ama?" Wika naman ni Clyde at agad namang napangiti si Ciarra nang marinig niya ulit iyon
"Oo, Clyde." tuwang-tuwang sabi ni Ciarra at pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ni Clyde "Magkakaroon na ako ng knight!" excited na excited siya dahil sa wakas mayroon nang magpoprotekta sakanya.
Isang beses lamang sa isang taon na nagkakaroon ng ganoong klaseng interaksyon ang mga tao at ang mga naninirahan sa kaharian ng Orechaedia. Dahil nga sa kasunduan ng mga tao at ng reyna't hari na walang interaksyong magaganap sakanila, ngunit sa kagustuhan ng mga taong maranasan na magkaroon ng knight ay isang beses sa isang taon ay nagpapatimpalak ang reyna't hari sa mga tao.
At sa taong iyon si Ciarra ang nanalo.
Walang masabi si Clyde kaya naman ay hinampas ni Ciarra nang marahan si Clyde sa braso nito "Hindi ka ba masaya para sa akin?"
"Hindi mo naman kailangan ng knight eh..."
"Sus! Ang kj mo. Saka kailangan ko ng knight." sabi niya
"Bakit mo ba gusto magka-knight?"
"Kasi gusto ko na mayroong nagpoprotekta sa akin."
BAGO pumunta si Ciarra sa kanilang eskwelahan nagulat siya nang may makita siyang matipunong lalaki sa labas ng kanilang bahay. Nakatingin ito sakanya at nang makalapit siya ay tinanong siya nito "Ikaw ba si Binibining Ciarra Dela Vega?" Agad naman siyang napangiti at nag-tumango bilang sagot sa tanong nito
"Ako nga pala si Quinten, Binibini. At ako ang iyong knight." wika nito sakanya sabay hinawakan ang kanyang kamay at hinalikan iyon. Sa puntong iyon alam niyang mapula na ang kanyang mukha dahil ramdam niya ang init ng kanyang pisngi kaya napangiti na lamang siya.
Nang nasa eskwelahan na Ciarra at kasama niya ang kanyang knight. Simula sa araw na 'yon ay poprotektahan na siya ni Quinten. Isang linggo siyang babantayan nito. Gusto niya sana panghabang buhay na kaso iyon ang sabi ng reyna, isang linggo lang.
YOU ARE READING
My Knight | Published under TBC Publications (Sweet Fantasy)
Fantasy"Meron na palang handang magligtas sa akin kahit na ano mang mangyari pero hindi ko napapansin dahil sa iba ako nakatingin." Al Rights Reserved 2016 by: Precious Julienne Sabino (BYEpjulienne)