Chapter 10 - Plastic?!

916 25 3
                                    

Someone's POV

"Ano nagawa mo na ba yung unang plano?"

"Nagawa ko yung sinasabi mo pero yung siraan yung mga kaibigan niya hindi eh, kasi nagduda agad yung mga lalaki kaya umalis nalang ako."

"Ano ka ba! Lalo lang silang magdududa niyan sa atin eh kailangan natin gawin yung plan b"

***

Chanyeol's POV

Iniisip ko pa rin yung nangyari kahapon na parang may nanggaya sa katauhan ni Ayumi o baka naman may kakambal siya? Pero imposible eh! Wala naman siyang nakukwento sa amin na meron siyang kakambal. Tsaka yung sinabi ng Auntie niya na panganib siguro connected yun sa nangyari kahapon.

"Chanyeol!" Sigaw ni Baekhyun na naging dahilan ng pagbalik ko sa mundo lol.

"Ano ka ba?! Kanina pa kita tinatawag diyan. Iniisip mo pa rin ba yung nangyari kahapon?" Tanong niya

"A-Ah ano, oo eh. Hindi maalis sa isip ko yung nagyari." Sagot ko sa kanya

"Ako din nga eh hindi ko maiwasang hindi isipin yung nangyare kahapon. Akalain mo yun may manggagaya sa katauhan ni Ayumi" Sabi naman ni Kai

"Oh kaya naman, baka meron siyang kakambal." Singit naman ni Chen

"Baka nga!" Sang-ayon naman ni Luhan

"Pero kung may kakambal siya bakit wala siyang binabanggit sa atin na diba?" Sabi ko sa kanila

"Oo, tama si Chanyeol, wala siyang kinukwento sa atin. Tinanong ko na si Min pero ang sabi niya, simula bata hindi lumalabas ng bahay si Ayumi tsaka naikwento rin sa akin ni Min na wala daw kakambal si Ayumi kasi kung meron nga itong kakambal dapat nung una palang sinabi na niya yun kay Min. Dahil childhood best friends sila diba?" Paliwanag ni Suho

"Oo, may point ka diyan Suho." Pagsangayon naman ni Xiumin habang kumakain ng sandwich

"Ah! Guys ano nga ba ulit yung pang-uusapan natin?" Tanong ni Lay

"Ay anak ng tokwa! Nakalimot ka nanaman diyan Lay hyung!" Sigaw ni Sehun

"Hehe sorry na. Hindi maiwasan eh." Sagot niya

"Sa susunod nga gumamit ka na ng MemoPlusGold." Sabi naman ni Kyung Soo kaya napatawa kaming lahat

"Tara na! Wag niyo munang problemahin yung nangyari kahapon kumain muna tayo nagugutom na ako eh! Let's go EXO!" Pagyayaya ni Kris

"Tara! Treat ko!" Sabi ni Suho kaya nagsingitian kaming lahat

"Yes naman!" Sigaw ko sabay tayo

"Yun oh!" sigaw ni Luhan hyung

"Kaya ikaw ang pinakagusto ko sa EXO eh!" pambobola ni Chen sabay akbay kay Suho

Yehet~Ohorat! Sigaw ni Sehun tapos pumunta na kami ng cafeteria

Thania's POV

Nandito kami ngayon sa kwarto ni Ayumi, lahat kami ay nandito kasi hindi siya lumalabas ng room niya tinatawagan namin siya sa phone pero ayaw niyang lumabas siguro iniisip parin niya yung nangyari kahapon.

"Ayumi cheer up!" Sabi ko sa kanya

"Wag mong masyadong isipin yung nangyari kahapon, baka namalik mata lang yung Boys." Sabi naman ni Darlene

"Oo nga! Baka namalikmata lang sila." Pagsangayon naman ni Rin

"Sana nga eh. Pero--" Hindi na niya naituloy yung sasabihin niya kasi may biglang kumatok sa labas ng dorm nila. Baka si Chanyeol yun kaya binuksan ni Ayumi

WereWolf Academy (EXO FanFic) *Revising*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon