Una

7 1 0
                                    

PoV of Someone'

Sa isang Mansyon masayang masaya ang mga kasambahay sa kanilang pag hahanda para sa ika pitong kaarawan ng kanilang masayahing alaga

Gaganapin ang kasiyahan pag patak nang ala sais nang gabi
At mahigit tatlong oras nalang ang natitira para sa kanilang pag hahanda,

Sa kabilang banda
Masayang masaya ang isang mala anghel na bata habang sya'y inaayusan para sa gaganaping kasiyahan mamaya

Bata pa lamang ay halata mo na ang taglay na ganda nang batang ito

Mula sa kanyang Matang kulay asul,Maliit na Matangos na ilong,mala siopao na pisngi,at mapupulang labi Hanggang sa napaka puting balat
Matatawag mo talaga syang anghel na galing sa kalangitan

Sa kalagitnaan ng pag aayos sa bata,pumasok ang dalawang taong kumukumpleto sa kanyang buhay

"Mama!!,Papa!!Tignan nyo po ako!Maganda na po ba ko katulad nyo Mama?"bibong bibong saad nang bata
Di mapigilan ng kanyang mga magulang ang ma ngiti habang pinag mamasdan ang anghel ng kanilang buhay

Di naman maiwasang bumungisngis ng mga nag aayos sa bata tuwang tuwa sila sa pag kabibo ng batang ito

"Oo naman anak,kasing ganda mo na ang Mama,natatakot nga ang mama at baka malagpasan mo na ang kagandahang taglay nya"May halong pag bibirong saad ng kanyang ama

Nakatangap naman ito nang isang pabirong hampas sa kanyang asawa

"Hahahahaha"natatawa nalang ang kanilang anak sa kanilang dalawa

"Anak mukha ka talagang isang anghel sa iyong suot,ang ganda ganda talaga ng anak ko" may halong pang gigil sa anak na wika ng kanyang ina

Gigil na gigili na itong kurutin ang pisngi ng kanyang anak na lagi nyang ginagawa pag sya'y natutuwa sa kanyang anak na lagi nya naman talagang nagagawa,ngunit ngayo'y di nya magawa dahil baka masira ang ayos ng kanyang anak

Lumipas ang ilang oras at tapos naring ayusan ang bata,kanina pa lumabas ang kanyang mga magulang dahil may gagawin pa raw sila sa pag gaganapan ng kasiyahan

Masayang masaya ang bata sa kanilabasan ng pag aayos sa kaniya,nagpasalamat sya sa mga nag ayos sa kanya bago mag silabasan ang mga ito

Habang tinititigan nya ang sarili nya sa salamin di nya talaga maiwasang humanga sa kniyang sarili,suot ang anghel na costume na bumugay sa ayos ng kanyang mukha at kulay ng kanyang balat ay nag paikot ikot sya sa harap ng salamin

BANG

Sa gulat nito ay bigla na lamang sya napa upo,may narinig syang isang putok at kahit bata pa ito ay alam nya kung anong putok ang isang iyon-isang putok ng baril

Matalino ito kaya't alam nya ang mga bagay bagay na hindi pa karapat dapat malaman ng mga batang nasa edad nya pa lamang

Nag tago ang bata sa likod ng isang Kabinet nang may marinig syang mga yabag patungo sa kwartong kina lalagyan nya

Nanginginig nyang tinakpan ang kanyang bibig para walang lumabas na kahit kaunting ingay mula rito

Umikot ang door knob ng pinto at pumasok ang anim na kalalakihan purong mga naka maskara na tanging bibig lang ang natatakpan ang mga ito

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon