chapter 15: Could it be forgotten

938 33 17
                                    

Kyle's POV;

"Good morning po..",bati sa'kin ni Nimfa nang pumasok sya sa office ko, secretary sya ni RC.

Ngayon na kasi namin aayusin ang presentation para sa kay Mr. Norris but until now wala pa sila Mr. Lee at RC..

Well ine-expect ko naman na wala si Mr. Lee, I mean knowing him..so unprofessional..But with RC?. Anyway, baka late lang sya..

"Good morning din Nimfa..Where is Ms. Samonte?.",tanong ko kay Nimfa habang inaaral ang contract na ginawa namin for Mr. Norris.

"Ahhm..d-di daw po kasi sya makakarating..",utal na sagot nya..I don't know pero baka takot sya na magalit ako sa sinagot nya.

"Wait.. I don't understand..what do you mean by hindi sya makakarating?.",inis na tanong ko.

"Tumawag po kasi sya sa akin kanina to inform me na hindi daw po sya makakapasok..May aayusin daw po syang mahalagang bagay..", sagot ng secretary nya na hindi makatingin sa akin dahil sa takot.

"What the..may mas importante paba kesa sa project na'to?!.",inis na sabi ko because honestly I am disappointed on the way she acts.. ngayon pa talaga sya nagkaroon ng important matter..

"Ahh---ano po kasi.."

"Call her now!. Papuntahin mo sya dito..anong inaasahan nya..na matatapos ko lahat 'to?.",inis na sabi ko pa kay Nimfa bago nya matapos ang sasabihin nya pero takot lang sya na naka tayo sa harap ko.

"I said call her now!."

"What's going on here..?", nagulat pa ako nang biglang pumasok si Dad sa office ko.

"Ask RC's secretary Dad..",inis na sagot ko habang disappointed na napasandal sa upuan ko.

"Aah..k-kasi po tumawag po si Miss RC kanina na hindi daw po sya makakapasok..pero sinend naman po ni Miss RC yung trabaho nya..", sagot ni Nimfa.

"Oh..do you have any problem with that?.", sarcastic na tanong pa ni Dad sa'kin.

"Dad.. you know what's my concern here..",inis na sagot ko. I mean.. urgent nga 'tong trabaho na'to diba?. Tapos wala sya.?

"Kyle stop.. you don't need to be that irritated..You still have one week.!", awat ni Daddy.

"With Mr. Norris?. really Dad?. One week isn't enough for him.. alam nyo yun..",sagot ko.

"Nagpaalam sa'kin si RC na mag li-leave sya for awhile..I bet that is important matter kaya pinayagan ko..Wag kana mag alala at sinabihan ko na si Robert regarding sa leave ni RC..Pwede mo din naman i-contact si RC thru Nimfa.. right Nimfa?", mahabang litanya ni Daddy na feeling ko e alam talaga na mawawala si RC.

"Ahhm...Opo Sir..Na-turn over naman po ni Ms. RC yung kung ano nalang ang tatapusin..She even asked me to email things from time to time if ever we need her assistance..", sagot naman ni Nimfa kay Daddy.

"See..", confident na sagot ni Daddy.

"Fine..pag palpak yun wag nyo ko sisihin ha..Alam nyo naman na di ko forte 'to..",angal ko sa Daddy ko na chill lang.

"You really think na bibitinin tayo ni RC?.Sa ating dalawa, dapat mas alam mo na di nya kaya gawin yun..", sagot pa ni Daddy.

'Haay..bahala na nga..sana totoo yung sinasabi ni Daddy....'

....On the day of our presentation...

"Ano 'nak ready kana?.", tanong ni Daddy.

"Haay..puyat ako ng ilang araw na..Sana naman okay yung kalabasan..",sabi ko habang inaayos yung gamit ko dahil paalis na kami.

Forget You Not (Miss Sungit and Me book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon