KABANATA 1

145 65 74
                                    

KABANATA 1
ANGEL


Cielo POV

NANDITO AKO ngayon sa library. Iniisip niyo bang nagbabasa ako? Well, kung ganon...

MALI KA! HAHAHAHA

Ang totoo kasi niyan, naghahanap ako ng libro. Syempre hindi ko babasahin, gagamitin ko sa ano... secret haha.. Mamaya malalaman niyo!

Nandito ako sa dulo at kinuha ko yung may makapal ang pahina at sinuri ito.

Aha! Yun sakto! Nakahanap din! BWAHAHAHAHA..

Kinuha ko na ito at bumalik sa aming pwesto kung saan nagsusulat ng kung ano ang aking bestfriend na si Carl.

"Sa wakas! May nahanap nako. Hihihi" nakangiti kong sabi sa kanya habang pinapakita ang librong hawak ko at umupo na sa tabi niya.

Napailing lang siya sa ginawa ko at tinignan ang dala-dala kong libro sa kamay ko. At ibinalik ang paningin sa ginagawa niya.

"Matatapos na ang second semester. Magiging fourth year students na tayo sa pasukan. Waahh!" pabulong kong sigaw habang naghahanap sa pahinang walang kasulat-sulat.

"Oo nga! At marami na rin ang gumagala at gumagawa ng kalokohan!" nakatingin niyang sabi sakin at sinara ang kanyang isunusulat.

Napatango na lang ako at ipinagpatuloy ang pagbubuklat sa libro. Habang naghahanap ay napadako ang paningin ko sa sahig ng may mapansin akong parang card.


Tumayo ako at kinuha ito. Isang id? Sino naman ang nakahulog nito?

Binasa ko ang nakasulat sa card Hannah Montes . Nice name!

"Carl, tignan mo oh! May nakita akong id at ang ganda ng pangalan.. Hannah Montes oh diba?!" at nakangiti kong iwinagayway ang hawak ko.

Unti-unti kong nilapit ang id na iyon sa mukha ko at inamoy ito. Hmm.. Ang bango naman neto! Pinikit ko ang mata ko muli at inamoy. Waaahh!! Ang bango talaga!


Grabe! Siguro maganda din ang may ari kasi mabango yung id niya. Naramdaman kong may nakatayo sa harap ko kaya napadilat ako at nakitang nakatitig sakin ang isang babae.


Napatulala ako sa ganda niya. Oh shett! Bakit may anghel sa harap ko? Nasa langit naba ako. Ngumiti ako sa kanya ngunit hindi siya ngumiti kundi napakunot ang kanyang noo at tumingin sa hawak-hawak ko. Kinuha niya iyon at umalis na lang bigla.


***

Tapos na ang klase kaya naman iniligpit ko na ang mga gamit ko at inilagay iyon sa loob ng bag ko at lumabas ng classroom.

"Bye Carl! Bye Amy! Bukas ulet. Hahahaha" kumakaway kong paalam sa kanilang dalawa.

Oo nga pala, hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo pero andami ko ng nasabi. HAHAHAHA

Ako nga pala si Cielo Cortes. 19 years old at kasalukuyang 3rd year College sa Hilton University. Para siyang semi-private ganon. Hahaha!

I have two bestfriend, and nakilala niyo na yung isa si Carl Mendoza, Matalino pero laging tulog sa klase. Grabe nga ehh! Pano niya kaya yon nagagawa? Hayy.. Kaya idol ko yon eh hehehe.

Next naman ay si Amy Dizon. Maarte sa katawan kung ano-ano nilalagay niyan eh kaya ganon na lang kalinis sa katawan.. Alam niyo bang ang laman lang ng bag niya ay Lotion, Sanitizer, Alcohol, Make-up, Perfume, Wet wipes at mga ipit niya sa buhok. Maiksi lang kasi yung buhok niya eh. Parang bob cut ba yon? Ay Ewan! Basta yun! Hahaha

Pagkatapos kong makuha yung ticket sa ticket booth ay nag-antay lang ako saglit at nakita ko na ang paparating na tren.

Pagkabukas na pagkabukas nito ay sumakay agad ako. Nakita kong marami pang bakanteng upuan kaya umupo na ako malapit sa pintuan.

Habang nag-aantay sa matagal na byahe ay umidlip ako at hinawakang maigi ang hawak kong libro, yung hiniram ko kanina sa library.

Nang marinig ko ang station na aking bababaan ay napamulat agad ako ng mata at dali-daling lumabas pero ng maalala ko ang libro na naiwan sa loob ng tren ay lumingon ako banda don nang biglang may naghagis nito sa akin.

Nasambot ko iyon tapos ay tumingin sa babaeng naghagis nito sakin habang unti-unting nagsasara ang pintuan ng tren.

Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat, ngumiti lang din siya sakin pabalik. Nang umandar na ang tren ay hinabol ko pa ito at nagpasalamat ng paulit-ulit hanggang sa hindi ko na siya makita.

Napangiti na lang ulit ako at yinakap ito ng mahigpit. 'Hay! Salamat at hindi ka naiwan kundi lagot talaga ako nito sa librarian..' tsk! tsk!

Matapos ang pangyayaring yon ay dumiretso nako pababa at naglakad patungo sa bahay.

Grabe ang kaba ko non! Buti na lang talaga! Hehehe...






















A/N: Maraming salamat sa pagbabasa!

Friends for a Week [HIATUS]Where stories live. Discover now