i.l_13

0 0 0
                                    

Matinding sakit ng ulo ang nararamdaman ko simula ng makita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin ,

Dahil may mga alaala na bigla nalang pumapasok sa aking isipan,

Ang mga alaala na pinilit kong ibaon sa limot, ay isa isa ng nagbabalikan,

Ito na nga ba ang kinatatakutan ko,

Ang sakit ng kahapon , ang mga pangyayaring hindi na dapat muling maalala pa.

Sigaw ako ng sigaw,

Yun lang kasi ang kaya kong gawin ,
Dahil alam kong mahina ako,

Huling huli na para magluksa sa pagkamatay niya, ngunit di ko mapigilang umiyak,

Mahigit dalawang taon na aking nag tago sa mundo ko at hindi ko man lang nakita ang mukha niya sa huling sandali,

Yung mundong inaakala kong perpekto, ngunit yun pala ang dahilan ng pagkasira ng buhay ko..

MY OTHER WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon